Toby on the right-->>>
------------------------------------------------------------------------------------------------------
*Author*
Naalala nyo ba yung pinag-usapan ni biep nung isang linggo? Oh 'wag ng itangging hindi alam. Alam ko namang nakikinig kayo eh. Mga chismosang dakila kayo eh. Haha... So anyway...
Ayun nga, sabi ko mag-joint force kami. Eh walei pa din!
Halos lahat ata ng paraan ginawa na namin pero wala... sablay ang mga matchmaking antics namin. Kaya naisipan na lang namin na...
Why don't we sit down and talk?
Yan. Simpleng simple. Pero naisip namin na siguro hindi kailangang complicated ang methods kase complicated na yung aayusin eh.
So we divided them into groups.
Rico-Jazz
Gale-Toby
Biep-Femi-Ako
Ayan... ^_^
Flashbacks lang 'to. Pakita ko yung mga pinag-usapan namin. Nila. Saka namin. Hehe.. Basta...
FLASHBACKSSSSS>>>>>>>
*Gale*
Grabe... I'm so happy! Kami ni Toby ang partner!!!! Weeeee!!! ^___^
Pero as usual, nakairap lang sya sa 'kin. Nakalayo pa nga ng 2 meters eh. Oo sinukat ko. Dalawang haba ng braso ko ang layo nya eh. Hapit lang. Parang may restriction order ako. -_-
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tumayo naman sya at lumayo sa 'kin. Mainam.
"Toby... please naman oh. 'Wag ka namang lumayo... di naman ako nangangagat eh..."
He sighed. Tapos tumingin sa 'kin. Yung pa-suplado effect. Eh nadadala ako dun. Kinilig na naman ako.. hehe...
Tapos tumayo ako at unti-unting lumapit sa kanya. Tinitingnan ko lang yung reaksiyon nya kung lalayo ba sya o ano pero nakadikit na 'ko sa kanya eh hindi sya lumayo so I guess it's okay. ^^,
"Lumayo ka naman ng konti." Mahina nyang sabi. Lumayo ako. Mga one inch. Grabe humahalimuyak yung natural scent nya. Kilig! XD
"Ano... ano'ng gusto mong pag-usapan?"
He shrugged. "Ewan. Ikaw?"
"Ah.. ano'ng gusto mong malaman tungkol sa 'kin?"
"Tsh. Baliw. Tinatanong ko lang kung ano'ng gusto mong pag-usapan."
"Ah.. hehe.. sorry naman." Pahiya naman ako dun pero konti lang. Mambabara kase 'tong si Toby eh. 'Pag sa ibang girls.
Nag-isip-isip ako kung ano bang magandang i-topic. Habang nag-iisip ako, tahimik lang sya at nakatingin kung saan. Hindi ko na sana papansinin pero bigla syang napamura ng mahina. Pagtingin ko sa tapat namin, dumaan yung naglalakad na sina Jasmine at Rico.
Ewan ko pero parang gusto ko ring magmura.
"Mukhang masayang-masaya ah..." Pabulong kong sabi. Tapos di ko alam narinig din pala ni Toby.
"Nagseselos ka rin?" Taas-kilay nyang tanong.
"What?! Of course not!" Bakit naman ako magseselos di ba? Eh sya lang naman yung gusto ko. Sya nga lang ba? Aish. Ba't parang may doubt? Bah yan!
YOU ARE READING
I Just Loved (COMPLETED)
RomanceFemi loves Rico. Rico loves Gale. Gale loves Toby. Toby loves Jasmine. Jasmine loves Rico. Magkakaibigan. Magbabarkada. Masaklap. Pero sa story na ito... sasaya na sila... sana :)