Chapter 59

1.2K 28 3
                                    

After a week ay naiuwi na si Chloe galing sa hospital. Ang gwapo ng anak niya! Ang sarap kurutin!

"Hoy Bolit huwag mong sasaktan yan, sadista ka pa man din."  natatawang sabi ni Brix.

Kinarga ko si Alphard habang si Ezxykeil ay nasa tabi ko. Tinulungan niya din akong ayusin ang pagbuhat.

"1 2 3 smileee!"  sabi ni Justin.

Huli na nang mapagtanto naming kinuhanan niya kami ng picture. Pinakita niya ito sa amin at pareho kami ni Ezxykeil na hindi nakatingin sa camera.

"Woaaah! Pwede na dude!"  sigaw sa kaniya ni Ford.

Tumawa tawang pumasok sa sala si Mommy at ang Mommy ni Ezxykeil.

"Pwede na talaga mga anak."  pang aasar din ni Mommy.

Nagulat kami ng sumunod na pumasok si Lola Amanda, Raff, Asalea at ang nakakabatang kapatid nila ni Aiden na si Alklein.

"Why are you here guys?"  tanong ko.

Hindi naman sila uuwi dito kung hindi importante pwera na lang siguro kung…

"Mom?" tumimgin ako kay Mommy.

"Why anak? Hindi pa ba sinabi ni Ford?"   naguguluhan din na tanong niya.

tumingin kami kay Ford na nag peace sign.

"Ah tita nawala sa isip ko."  sabay kamot sa batok niya.

Tumawa naman sila dito habang ako naguguluhan parin.

"Kasal niyo na bukas boliiit! Hays! Akin na nga yang anak ko."   kinuha ni Chloe sa akin ang anak niya.

"Omyghaaaad! Tama ba narinig ko? ikakasal kana bukas?"  masayang tanong ni Sandra na siguro ay kararating lang kasama si Aiden na nag pupunas ng pawis. 

sumagot si mommy ng oo. naghiyawan silang lahat dito. Ang sabi nila ay may pabridal shower pa.

"Pwede ba yun? kasal ko na bukas tapos bridal shower mamaya?"  kunot noo kong tanong.

"Oo naman no! Kaming bahala!"  tumawa sila.

Nasa pool area kaming lahat. Kumunot ang noo ng mga lalaki lalo na si Ezxyekil.

"No boys allowed."   tumango tango si Xia.

"Arayt! Basta wag kayong gagawa ng kalokohan."  sabi ni Alex.  taimtim nila kaming tinitigan.

Tinignan ko si Ezxykeil kung okay lang ba sa kaniya. He nodded. Ayos lang daw kasi no boys allowed kaya kampante siya.

No boys allowed? maniwala ka kay Sandra ipupusta ko itong engagement  ring namin ni Ezxykeil kapag walang boys doon.

"It's okay baby. May tiwala ako sayo. Wala ka namang gagawing kalokohan diba? pwera na lang kung.."   tinignan niya ako ng masama.

"Wala akong gagawing masama! Promise. pero kung ayaw mo edi hindi ako sasama."   sabi ko.

Sinabi kong ihahatid ko na siya sa gate kaya heto pinagusapan ang mga bagay bagay na mangyayari mamayang gabi.

"No. Ayoko naman na pigilan ka. Enjoyin mo ng kasama sila because after our wedding it's my turn to enjoy you."   makahulugang sabi niya at kumindat.

Parang iba ang meaning nun sa akin. Green. Green. Bastos ka talaga Blythe!

"Okay. Mag ingat ka ha?"  niyakap ko siya at hinalikan ng mabilisan sa labi.

Book 1: Bad Girls Meets The Parker 5  #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon