Chapter 48

1.2K 26 5
                                    

Padilim na nang maisipan lang naming umahon. Dumiretso agad ako sa Villa namin at nag bihis. Naka shorts lang ako at Black Sando. Lumabas ako ng banyo at wala akong naabutan na tao. Tumunog naman ang phone ko kaya binasa ko kung sino yung nag text.

Chloe:

We're here at Restaurant, punta ka na lang dito.


Lumabas ako at sinarado ang Villa namin. May lumabas din sa kabila at agad akong kinabahan. He's wearing a BoardShort and Gray Sleeveless. Nauna na lang akong lumakad papuntang Restaurant. Damn, bakit ako naiilang?


"Watch out!"  sigaw niya sa akin. Doon ko lang napagtanto na bumangga ako sa isang puno. Buti na lang at hindi masyadong malakas ang impact ng pag kakauntog ko. Agad niya akong dinaluhan at hinawakan ang noo kong nauntog.

"Are you okay?" nag aalala niyang tanong. Ikaw kaya mauntog tignan natin! Hindi ako sumagot at hinawakan ang noo ko. Aray!


"Don't. Huwag mong hawakan."  inalalayan niya akong umupo sa bench na nadaanan namin. Tumakbo siya pabalik sa Villa nila, pag balik niya ay may hawak na itong First Aid Kit. Hinawakan ko ulit ang noo ko at nakita ko itong dumudugo. Shit. Dugo.
Nanginginig ang kamay kong may dugo na pinapakita kay Ezxykeil.


"Shit!" aniya at kinuha ang kamay kong may dugo. Pinunasan niya ito at nilagyan ng alcohol. Napatulala na lang ako sa ginagawa niya. Hinugasan din niya ang noo ko at pagkatapos nilagyan niya ng Band Aid.


"ssshsh."  sabi niya at agad akong niyakap. Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at iniyaya na niya akong pumunta sa Restaurant. Tango lang ako ng tango.


Nakarating kami sa Restaurant at agad akong pinaulanan ng tanong. Hindi parin ako nag sasalita. Nilagyan ni Ezxykeil ang nakahandang plato sa harapan ko ng mga pagkain. Tahimik akong kumakain habang sila ay nag tatawanan. Damn!

"Blythe are you okay?"  nag aalalang tanong ni Brix. Napatingin siya sa noo ko at agad nanlaki ang mata niya. Nagmura pa ito bago lumapit sa akin. Alam niya siguro kung bakit ako tahimik. Takot. Takot ako sa dugo, at alam ni Brix yun.


Umorder sila ng mga alak at nagsimula na silang mag ingay. Nakikitawa na lang ako sa mga pinagsasasabi nila. Sumipol si Ford nang may mga babaeng dumaan  dito sa harapan namin. Tumawa sila ni Justin at agad nilapitan ang mga babaeng dumaan. Napapailing na lang ako sa ginawa nila.
Late na ng mapagdesisyunan naming umalis doon at matulog. Nauna na akong nag lakad at pumunta sa Villa namin. Agad kong sinalampak ang katawan ko sa kama. I want to sleep.



Tanghali na nang magising ako. Wala na din yung apat na babae dito. Hindi man lang ako ginising. Naligo lang ako at nagbihis. Pagkalabas ko ay naaaninag ko na sila pababa. Tinakbo ko ang distansiya ko sa kanila. I knew it! maliligo nanaman sila. Ang init kaya!


"Yow sleepy head!"   tumawa sila sa sinabi ni Ezxykeil. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sumilong ako sa mga puno dito dahil nararamdaman kong mahapdi ang balat ko. Naiwan kaming tatlo nila Ford  Ezxykeil dito sa may puno.


"Bakit Hindi ka sumama doon?"  tanong ko at humalukipkip.


"Bakit? Gusto mong masolo si Ezxykeil no?"  nakangisi niyang sabi. Nanlaki ang mata ko at agad siyang sinapak. Damn!

Tumakbo siya palayo sa amin at ramadam ko agad ang awkward sa aming dalawa. Tumikhim lang ako at pinalaruan ang buhangin. Tumindig ang balahibo ko nang umupo sa tabi ko si Ezxykeil.

" ayaw mo maligo?" tanong niya sa akin.

"Uh O-oo."  mas lalo akong nakaramdam ng kakaiba sa tiyan ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Why?"  anong bakit? tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. Malungkot ang mga mata niyang tinignan ako.

"Bakit? Dahil gusto mo dito sa akin?"  tanong niya. Hindi ko parin siya makuhakuha.

"Are you still mad at me baby?" napapaos niyang sabi. Shoot! I get it now. Tinignan ko siya at tumayo ako. Hindi ko siya sinagot. Naglakad ako palayo pero hinawakan niya ang braso ko.

"Hindi mo parin ba ako pinapatawad?" mahinang tanong niya. Hindi parin ako umimik. What now Blythe nasan ang tapang mo? Nanghina ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at may lumandas na luha sa kaniyang mga mata.

"Uh no, please don't do that."  pinatayo ko siya sa pag kakaluhod. Damn. Niyakap niya ako bigla. Natatanaw ko ang mga kaibigan namin na masayang naliligo samantalang kami nandito at nag iiyakan.


"Hursh baby."  hinagod niya ang likod ko. Please tama na Blythe. Huwag ka ng mag panggap.

"Fuck. I miss you."  bulong niya sa tenga ko.

"I- I miss you too."  Doon niya hinigpitan ang pagkayakap niya sa akin. I hugged him back. I want him. I want him so badly. Hinalikan niya ako habang umiiyak. Pagod na akong mag panggap. Siguro naman ito na ang pagkakataon para sumaya ako ng mga walang bahid na galit.


Masaya kaming lahat dito sa labas. Nag bibilliard sila habang umiinom. Nakaupo lang kami at pinapanood sila.

"So, napatawad mo na siya?" nakangiting tanong ni Chloe. Ngumiti ako at tumango.

"Woaaah after how many years! Damn! Come back is so Lit!" niyakap nila ako. Wala si Brenda dito dahil nandoon sa receptionist.


"Don't hugged my girl so tight. Nasasaktan siya."  Napatingin kami sa nag salita at nakita namin ang iritadong mukha ni Ezxykeil. Napuno ng sigawan at sapakan dito. Namumuno doon si Ford. Halata ang saya sa kanilang mukha. Abala si Sandra sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. Ganon din si Aiden, itinago lang niya ito nang tignan ko siya.


Nag pamusic sila dito at agad sumayaw silang sumayaw. Parang Bar. Siguro ito ang pinagkakaabalahan ni Brenda sa receptionist. Hinapit naman ni Ezxykeil ang bewang ko papalapit sa kaniya. Naiilang akong ngumiti.

Book 1: Bad Girls Meets The Parker 5  #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon