Chapter Two

2.9K 90 11
                                    

"MAHAL daw niya, eh. Sa dinami-dami ng babaeng nai-date niya sa lumipas na mga taon, ngayon lang niya ginamit ang salitang 'yon. He always said he admires this girl, or he adores that woman, or he kind of likes the lady from the coffee shop. But this is the first time he said he loves someone. That he's in love. Punyeta. Punyeta talaga."

"You didn't see that coming, huh?"

"No, I didn't. Alam kong gusto niya si Gypsy, dahil lahat naman ng punyetang babaeng mestiza at balingkinitan ay gusto niya. Hindi ko inasahan na magiging ganito siya kaseryoso sa punyetang TV host na 'yon. Punyeta talaga. Ten years, Pen! Ten years kaming magkaibigan ni Kingston. Ten years akong nagpakatanga para sa kanya! Pero 'yong babaeng 'yon, ten months pa lang niyang idine-date pero inaya agad niyang magpakasal! Nasaan ang—"

"Hustisya?"

"Ang lintik na Kupido na 'yan, at ako mismo ang magtatarak ng pana sa mga mata niya dahil bulag ang punyetang 'yon! Hindi ba niya nakikita na ako ang dapat mahalin ni Kingston? I deserve his love more than anyone!"

Tumaas-baba ang dibdib ni Champagne dahil sa paglalabas niya ng hinanakit. Nasaktan siya sa inamin ni Kingston, pero mas nangibabaw ang galit. Binuksan niya ang refrigerator nila at kumuha ng beer. Pagkabukas sa bote ay tinungga niya iyon nang sa ganoon ay kumalma siya.

"Go easy on that. Hindi 'yan tubig," paalala naman ni Penelope. "Nawawala ka pa naman sa sarili kapag nalalasing ka."

Nang gumuhit ang pait sa lalamunan ni Champagne, kahit paano ay kumalma siya. Ipinatong niya ang bote ng beer sa kitchen counter na naghihiwalay sa kanila ni Penelope na nakaupo sa mataas na stool habang nakapangalumbaba at halatang inaantok na. Hinintay talaga niya ang kaibigan na makauwi para maglabas ng hinanakit dito.

Hindi kasi niya akalaing darating ang araw na pagsasamahin niya sa isang paragraph ang pangalan ni Kingston, ang salitang kasal, pero hindi kasali ang pangalan niya.

"This is so unfair. Ako 'yong ten years na nasa tabi niya..." naghihinanakit na sambit ni Champagne.

"Gano'n talaga. Wala 'yan sa haba ng panahon. Kung mai-in love siya sa 'yo, sana noon pa."

Sa normal na pagkakataon, gusto ni Champagne ang pagiging prangka ni Penelope. Pero ngayon, nasasaktan siya sa pagiging masyadong tapat ng kaibigan. "Bakit nga ba, Pen? Bakit nga ba hindi siya na-in love sa 'kin? I was always there for him."

Bumakas sa mukha ni Penelope ang simpatya. "'Yon nga ang problema, Champagne. You were always there for him. Ni minsan, hindi mo ipinaramdam sa kanya ang absence mo kaya siguro ni minsan ay hindi rin niya napag-isipan kung ano ka talaga sa buhay niya."

Natakot si Champagne noon na kung mawawala ang presensiya niya sa buhay ni Kingston ay baka makalimutan agad siya ng binata, o baka makahanap ito ng ibang babae na aalalay at susuporta rito. Kaya ni minsan ay hindi niya iniwan si Kingston; hindi niya ipinaramdam na nag-iisa ito.

When Kingston's father who he respected so much died, she was there beside him. She held his hand—no, she held him together until he was able to pick himself up.

Nang unang beses na makaranas ng pagkalugi ang Elixir Corporation, kasama siya ni Kingston na magpuyat sa pag-iisip ng mga estratehiya para makabawi ang kompanya hanggang sa makabangon nga uli iyon.

Noong unang beses na ma-brokenhearted si Kingston sa unang babaeng sineryoso nito, siya ang kasama ng binata na magpakalasing hanggang sa nagising sila na magkatabing nakahiga sa hallway sa tapat ng unit nito, at tumawa sila hanggang sa makapag-move on na ang binata.

See? Siya ang kasama ni Kingston hindi lang sa saya, lalo na sa mga panahong malungkot ito at dumaranas ng pagkabigo. Wala pang nagagawa si Gypsy para kay Kingston, maliban na lang siguro ang painitin ang kama ng binata.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon