Chapter Twenty-nine

1.5K 72 3
                                    

PAGKATAPOS ng kantahan at sayawan ng magtitito sa saliw ng mga tugtugin ni Taylor Swift, nagutom ang mga bata kaya naghanda si James ng cake at gatas para sa lahat. Pinili nina Brianna at Britanny na sa sala kumain kaya ngayon, nakasalampak silang lahat sa sahig at nakapalibot sa pabilog na center table.

Habang kumakain, tinuruan si Champagne ng dalawang bata ng bagong laro. Ang tawag daw sa game na iyon ay 'Who Says it Better?' Simple lang ang mechanics ng game: kailangang magbigay ng linya ang dalawang 'contestants' depende sa 'theme' na ibibigay ng 'judges.'

Sa gabing iyon, sila ni James ang 'magkalaban' samantalang sina Brianna at Britanny naman ang mga 'judge.'

"Pick-up line!" bulalas ni Brianna. "Whoever has the best pick-up line win this round."

Umungol sa reklamo si James. "No fair. Alam n'yo namang hindi ako gumagamit ng pick-up lines dahil mukha ko pa lang, nakaka-in love na. Hindi naman puwedeng ganito na ako kaguwapo, magaling pa 'kong bumanat. Unfair 'yon sa mga kabaro ko."

"Tito James, you're being so mayabang na naman po," sabi ni Brianna na ipinaikot pa ang mga mata. "Dahil d'yan, you go first."

"Fine," sumusukong sabi ni James. Tumikhim ito, pagkatapos ay tumingin nang deretso kay Champagne. "Miss Morales, ikaw yata ang cause ng global warming, eh."

Tumaas ang kilay ni Champagne. "Bakit?"

Ngumisi ang binata. "Because you're so hot."

Boom panes!

Pero imbes na kiligin ay natawa si Champagne. Samantalang umungol naman sina Brianna at Britanny, halatang hindi na-impress.

"That's so ma-corny, Tito James," nakalabing reklamo ni Britanny.

Nagkibit-balikat si James. "I tried."

Binalingan si Champagne ni Brianna. "Tita Cham-Cham, it's your turn na po."

Tumikhim din si Champagne, pagkatapos ay tumingin nang deretso kay James na halatang nagpipigil tumikhim. "Mr. Grande, si Sean O'Pry ka ba?"

"I don't know who the hell that guy is," sagot ni James na ikinareklamo ng mga bata kaya bumawi rin agad ito. "Fine. Bakit?"

"Kasi you look like my next mistake," pakantang sagot ni Champagne.

Bumungisngis sina Brianna at Britanny. Fans ni Taylor Swift ang mga bata kaya sigurado si Champagne na kilala ng dalawa si Sean O'Pry kaya naintindihan ng mga ito ang pick-up line niya.

"One point for Tita Cham-Cham!" sabay na deklara nina Brianna at Britanny.

Natawa siya. "Thank you, babies!"

"Ang daya n'yo," kunwari ay reklamo ni James, pero kita naman sa kumikislap na mga mata na nag-e-enjoy ito. "Next round na nga."

"This is our class' favorite," excited na sabi ni Brianna. "One-liner horror story!"

"You go first naman po, Tita Cham-Cham," sabi ni Britanny.

Ngumisi si Champagne. May nabasa na siyang mga one-liner horror sa net at natatandaan niya ang iba sa mga iyon. Hihiramin muna niya. "May nakita kang pictures mo sa phone mo while you were sleeping, eh, mag-isa ka lang nakatira sa bahay."

Walang naging reaksiyon sina Brianna at Britanny.

Fine. Hindi talaga ako puwedeng storyteller.

"Nagawa na po 'yan ng classmate kong si Mico," nakangiting sabi ni Brianna, saka nilingon si James. "Tito James, ikaw naman po. Tell us your scariest story in one line."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon