Chapter Thirteen

1.6K 72 2
                                    

PINANINDIGAN ni Champagne ang "girl power" niya sa buong araw na iyon. Nang makarating sila ni James sa fancy restaurant na kakainan nila, imbes na bumaba agad ng kotse nito ay nanatili siyang nakaupo at naghihintay. Noong una ay tinitigan lang siya ng binata, pero kalaunan ay napa-"ah!" ito at binuksan ang pinto ng passenger side para sa kanya.

Nang makarating na sila sa mesang naka-reserve para sa kanila, binigyan niya ng makahulugang tingin si James. Nakuha naman agad ng binata ang gusto niya dahil hinila nito ang silya para sa kanya.

Ang totoo, kahit hindi nagpapakita ng classic chilvalrous moves si James ay maituturing namang gentleman ito at mabait makitungo sa lahat ng taong nakakasalamuha. But to be Mr. Perfect, he had to learn how to open doors for women, pull chairs for them, or offer seats to them in a full-packed bus or LRT/MRT trains.

Naniniwala naman si Champagne na hindi kailangan ng mga babae ang tulong ng mga lalaki sa maliliit na bagay. Pero bilang babae, malakas pa ring maka-feminine ang pag-alalay ng isang lalaking mas malaki at mas malakas kaysa sa kanila.

Nang dumating na ang mga in-order ni James na pagkain—na hindi ma-pronounce ni Champagne nang maayos—naglabas ang binata ng phone. Alam niya kung ano ang gagawin ng mokong na ito kaya pipigilan niya ito ngayon pa lang.

"James?"

"Yeah?"

"Don't take pictures of our food. Please."

Dumaan ang pagkadismaya sa mukha ni James nang tingnan siya. "I can't?"

Pasimpleng iminuwestra ni Champagne ang paligid. Well, nasa private corner sila ng restaurant kaya walang ibang customer na malapit sa kanila kaya wala namang makakakita sa gagawin ni James. Pero hindi naman bagay sa atmosphere ang pagkuha nito ng larawan ng pagkain nila. Hindi iyon ginagawa ni Kingston.

"You can't. Isa pa, hindi ka dapat picture nang picture at post nang post sa Instagram ng mga ginagawa mo."

Kanina, nahuli niyang nagse-selfie sa fitting room si James. Sa totoo lang, turn-off para kay Champagne ang mga lalaking mahilig mag-picture at mag-post ng kung anu-ano sa Instagram. Napaka-vain kasi ng dating niyon sa kanya at ayaw niya sa mga vain na lalaki. Hindi iyon ginagawa ni Kingston dahil hindi naman talaga gawain ng isang Mr. Perfect.

Nalaglag ang mga balikat ni James pero tumango naman habang ibinubulsa ang phone. "Okay. I'm sorry."

"Boring ba 'kong ka-date?"

Gulat na tiningnan siya ni James. "Huh?"

"Naglalabas ka kasi ng gadget na para bang mas gusto mo pang makipag-usap sa followers mo kaysa sa 'kin."

Bumakas ang guilt sa mukha ni James. Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "No, of course not, Miss Morales. Mahilig lang talaga akong mag-picture ng kung anu-ano at hindi ko 'yon napipigilan. I'm sorry if I made you feel like I'd rather be talking to someone else than you."

Napatingin si Champagne sa kamay niya na hawak ni James. Bukod kay Kingston at sa kanyang pamilya, wala pang ibang lalaki na nakahawak sa kamay niya. Kingston's hand was warm and big. James' hand felt like that, too. Dahil tuloy kay James ay nababawasan ang pagka-miss niya sa best friend na sobrang busy na ngayon.

'Buti na lang, nakahanap siya ng replacement, ng kanyang perfect Mr. Perfect.

"Miss Morales, are you mad?"

Nag-angat ng tingin si Champagne sa mukha ni James. Sasabihin sana niya na hindi naman siya galit, pero natigilan siya nang sa wakas ay maalala na kung sino ang kamukha ng binata dahil sa hairstyle nito. "Johnny Bravo."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon