Chapter Three

2.6K 110 8
                                    

NANG inaya si Champagne ng mga kaibigan niya para mag-party nang gabing iyon, dapat ay na-realize na niyang ginawa iyon ng mga ito para i-cheer up siya. Kahit paano ay naging kaibigan din naman ni Kingston ang kanyang barkada mula high school, kaya siguradong naimbitahan ng binata ang mga kaibigan niya sa kasal nito at ni Gyspsy. So, her friends probably pitied her now.

Siyempre, alam din ng mga kaibigan nila na brokenhearted siya dahil si Kingston lang yata ang walang alam tungkol sa tunay niyang damdamin para dito.

Kaya walang ibang ginawa sina Eleanor, Vanessa, at Isabella kundi bigyan siya nang bigyan ng hard drinks para marahil kahit paano ay makalimot sa sakit. Pero paano niya iyon gagawin kung ang mga ito mismo ang nagpapaalala ng kanyang pagkabigo?

"I really thought you and Kingston will somehow end up being lovers," iiling-iling na sabi ni Eleanor. "I mean, you are so perfect together."

Ngumiti nang mapait si Champagne. Hindi siya nag-aalala na maglabas ng sama ng loob sa mga kaibigan dahil matagal na niyang napatunayan ang katapatan ng mga ito. "Akala ko rin, may someday kami. Hindi naman kasi biro 'yong ten years na pinagsamahan namin. Pero akala ko lang pala 'yon."

Marahang hinagod-hagod ni Isabella ang kanyang likod. "I had no idea na he's sobrang serious na pala kay Gypsy."

Champagne had no idea, either. Kilala naman kasing playboy si Kingston at lahat ng babaeng idine-date nito, panandalian lang. Wala rin siyang nakitang senyales na seryoso na ito kay Gypsy. Well, maliban siguro sa inabot nang buwan ang relasyon ng dalawa.

Naiinis siya sa sarili. Ngayon lang niya na-realize na hindi naging busy sa trabaho si Kingston—naging busy ito kay Gypsy.

Sa unang pagkakataon, ngayon lang naglihim sa kanya si Kingston ng pinagkakaabalahan nito. Noon kasi, kahit may idine-date ang binata ay nagagawa pa rin nitong lumabas kasama siya. Pero kay Gypsy, wala itong nabanggit sa kanya kaya siguro inisip niyang hindi ito seryoso sa babae.

Nang maramdaman ni Champagne na maiiyak siya—ayaw niyang umiyak sa harap ng mga kaibigan—marahang tinampal-tampal niya ang mga pisngi. "Tama na, girls. Sampung taon na ang nasayang sa buhay ko. Hindi ako mag-aaksaya ng panibagong taon sa pagluluksa."

"Susuko ka na lang nang basta sa babaeng ngayon lang naman nakilala ni Kingston?" kunot-noong tanong ni Eleanor. May long-time boyfriend ito kaya ang tingin sa mundo ay puno ng mga rosas at rainbow.

Ngumiti nang malungkot si Champagne. "Sa ten years na magkaibigan kami ni Kingston, ngayon ko lang siya narinig na gano'n kasaya. Masakit na ibang babae na ang nagpapasaya sa kanya but then again, it was never me. Never namang ako ang naging reason kung bakit siya masaya, kaya bakit ko pa ipaglalaban 'yong taong hindi naman naging akin? Dapat noon ka pa 'yon ginawa. But it's too late now. At kasalanan ko 'yon kasi wala akong ibang ginawa kundi maghintay. Ngayon ko lang na-realize na ang perfect chance pala to confess a love ay hindi hinihintay kundi ginagawa.

"So okay na, universe. Gets ko nang wala kaming someday ni Kingston. Gusto ko na lang mag-move on ngayon." Inisang-lagok niya ang natitirang alak sa baso bago nagpatuloy. "Pero paano ba mag-move on kung never naman na naging kami from the start?"

"Well, for starters, why not delete his number?" suhestiyon ni Vanessa na noon lang nagsalita. She was the quiet one in the group, but she always said the most rational things. "Ngayong engaged to be married na si Kingston, I think kailangan mo nang dumistansiya sa kanya."

"Oh, Nessa," reklamo ni Eleanor. "You're being harsh."

"It's okay, Eli," sabi naman ni Champagne, saka inilabas ang kanyang phone. Binura na niya ang number ni Kingston sa contacts niya, pero napailing din nang may maalala. "Kabisado ko ang number niya kaya wala ring sense 'tong ginawa ko."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon