Chapter Twenty-seven

1.5K 67 7
                                    


WALA pang alas-tres ng hapon ay wala na sa opisina si Champagne. Nakuha ng team niya ang bid para sa paggawa ng bagong ads ng isang fast-food giant matapos ang ilang araw na pagpupuyat (actually, walang tulugan), pagtatrabaho, at pagmumurahan. Dahil sa tagumpay nila ay hinayaan sila ng kanilang big boss na magpahinga, kaya maaga silang pinauwi. Actually, may celebration ang mga kasamahan niya pero tumakas siya. Gusto na kasi niyang magpahinga.

Dahil maagang umuwi, nadatnan pa niya sa apartment si Penelope. Gising na ito at naghahanda sa pagpasok. "Graveyard shit" nga kung tawagin ng kaibigan niya ang shift nito bilang call center agent kung saan ang gabi ay umaga para dito.

"Good morning," inaantok pang bati ni Penelope habang nagkakape sa sala.

Ngumiti si Champagne. Ngayon pa lang magsisimula ang araw ni Penelope samantalang siya, patapos na. Graveyard shit nga ang shift nito. "Bakit mukhang pagod na pagod ka? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?"

Umiling si Penelope, mukhang antok na antok. "May istorbo kasing sumira sa tulog ko. Mabuti na lang at masarap humalik ang gagong 'yon."

Natawa si Champagne, pero hindi na pinansin ang sinabi ni Penelope. Ever since she broke up with Gabe, she had been hooking up with random guys. Ilang beses na niyang pinagsabihan noon ang kaibigan na hindi tama ang paraan nito ng pagko-cope, pero ngayon ay hindi na.

Alam na kasi niya ngayon kung gaano kahirap mag-move on, at iba-iba ang paraan ng bawat tao para mag-cope. Kaya wala siyang karapatang sabihan si Penelope kung paano ito dapat mag-move on dahil siya nga, hindi rin makausad.

"Magpapahinga na 'ko, ha? Miss na miss ko na ang kama ko," paalam ni Champagne kay Penelope na natawa lang. Halos isang linggo na rin kasing wala siyang matinong tulog. Mas maraming oras ang ginugol niya sa opisina kaysa sa kanyang kama.

Pagpasok sa kuwarto, hinubad agad niya ang mga sapatos, pati ang blazer. Pagkatapos ay inihagis na niya agad ang sarili sa malambot na kama. Ah, heaven. Ipinatong niya ang isang braso sa kanyang noo. Masakit kasi ang ulo niya kaya nilalagyan niya ng pressure ang noo, sa pag-asang mawawala ang kirot.

Nang hindi pa rin mawala ang sakit ng ulo ay nagpasya si Champagne na uminom na lang muna ng gamot. Nang magmulat ng mga mata, ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni James.

Umungol siya, saka muling pumikit. Halos isang linggo na silang hindi nagkikita ni James dahil pareho silang naging busy. Pero madalas naman siyang tinatawagan ng binata. Ganoon ba niya ka-miss si James at nagha-hallucinate na siya? Hindi. Hindi ko nami-miss ang kumag na 'yon.

Pero nang muling imulat ni Champagne ang mga mata, naroon pa rin ang picture ni James, nakangisi sa kanya at... well, nakasuot pa ng macho shirt ang lintik.

Napabalikwas siya ng bangon, titig na titig sa kisame. Shit, may malaki ngang picture ni James na nakadikit doon!

Luminga siya sa paligid ng kuwarto. Lalo siyang nagulat nang makita ang mga pagbabago sa silid. Partikular na sa hinihigan niyang kama. Pati mga unan, may mukha ni James! Sa itaas naman ng headboard, may mga salitang nakabuo mula sa mga letter sticker na nakadikit: Miss Morales & Mr. Grande.

Napaungol si Champagne. "Penelope!"

Narinig niya ang malakas na tawa ni Penelope. Mayamaya lang ay dumating na ang kaibigan. Sumandal ito sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip. Bumungisngis pa ang bruha. "Ang sweet ni James, 'no?"

Tinapunan niya ng masamang tingin si Penelope. "Kasabwat ka ni James, 'no? Ikaw lang naman ang naiiwan dito sa apartment natin kapag umaga kaya sigurado akong ikaw ang tumulong sa kanya na magkabit ng mga 'yan dito sa kuwarto ko."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon