Chapter Fourteen

1.6K 68 1
                                    

"SO... FREE ka ba this weekend?"

"Para sa 'yo? Oo naman."

"Good. A-attend tayo ng engagement party ng best friend ko."

Tumaas ang kilay ni James.

Tumaas din ang kilay ni Champagne. Alam niya kung ano ang iniisip ng kumag na ito kaya uunahan na niya. "Iniisip mong tanga ako para pumunta pa sa engagement party nila, 'di ba? Bakit? Bawal bang maki-party ang mga tanga sa pag-ibig?"

Ngumiti si James habang iiling-iling. Nagpatuloy lang ito sa drill sa treadmill at matagal bago muling nagsalita. "Bakit? Pupunta ka naman na sa kasal nila, 'di ba? Kaya bakit kailangang pati sa engagement party nila, present ka? Saka hindi naman uso ang engagement party sa 'Pinas, ha?"

Ipinaikot ni Champagne ang mga mata. Sabi na nga ba niya at may opinyon na naman ang lalaking ito. "Hindi naman talaga 'yon engagement party na tulad sa ibang Asian countries. Parang thank-you party lang 'yon para sa mga taong tumulong kay Kingston na mag-propose."

"Kingston, huh?" nakangising sabi ni James. "So, that's the name of the best friend."

Tumango lang si Champagne. Sooner or later ay malalaman din ni James kung sino ang 'best friend' niya. "Ako ang best friend niya. Hindi puwedeng absent ako sa engagement party niya. Magtataka 'yon, at baka isipin ng iba naming friends na bitter ako."

"Ang totoo niyan, nagulat ako. Inaasahan ko na sa kasal ka pa magpapakita kasi, alam mo na, matagal pa 'yon. Baka mas handa ka nang makaharap siya sa araw na 'yon. Kung sa weekend mo na sila haharapin ng fiancée niya... kaya mo na ba?"

Handa na ba siya? Sa tingin naman niya, she had been doing well in the past weeks that she had been going out with James. Naging busy kasi siya sa pagte-train kay James para maging Mr. Perfect kaya hindi niya gaanong naiisip si Kingston.

Siyempre, kasinungalingan iyon. Naiisip pa rin niya ang kanyang best friend. Sa katunayan nga, sinisilip niya ang mga old text conversation nila, bina-browse ang old photos nila together; at minsan, kahit masakit, tsine-check niya ang social media accounts nito. Umiiyak siya, pero ginusto naman niya iyon. That was probably the cost of loving someone who was in love with someone else—you get incomparable happiness with old memories, but the new ones cause you pain.

Ginagawa naman niya ang lahat para mag-move on. Kaya nga idine-date niya si James, 'di ba?

"Nand'yan ka naman," sabi ni Champagne. "Puwede mo naman akong ihatid pauwi kapag naiyak ako sa party, 'di ba?"

Natawa si James. Unti-unting bumagal ang takbo nito hanggang sa natapos na ang drill sa treadmill. Pagkatapos ay dumeretso ito sa bench kung saan nakaupo si Champagne at 'binabantayan' ang mga gamit ng binata (ang totoo ay tamad siyang mag-exercise kaya kahit nasa gym sila ay naupo lang siya). "I'm not good at dealing with crying girls, you know."

Ewan ba ni Champagne pero hindi siya naniwala sa sinabi ni James. Ito kasi ang tipo ng lalaki na kahit ano ang sitwasyon, alam mong mapagkakatiwalaan. Kahit ilang linggo pa lang silang nagkakakilala ng binata, malaki na ang tiwala niya rito. Pero kung nagpapaka-humble ito, eh, di sige.

"Hindi mo naman ako kailangang i-comfort. Okay na 'yong may tagahatid ako pauwi para hindi ako gumawa ng eksena sa party."

Ngumiti nang pilyo si James. "Mukhang magiging little pity party mo ang engagement party ng best friend mo, ha. Ang saya n'on."

"Gago!"

Ayaw man ni Champagne, hindi niya napipigilang magmura sa harap ni James (o madalas ay murahin mismo ang binata) kahit alam niyang hindi magandang ugali 'yon. But old habits die hard. Mula nang pumasok siya sa advertising world, mabilis uminit ang ulo niya at naging palamura na. Kapag nasa loob ka ng isang kuwarto at nagbabatuhan ng ideya ang mga copywriter at art director, lalo na kung ilang minuto na lang ay deadline na, imposibleng hindi ka masanay magmura. And she had been doing that for the past eight years as a senior copywriter.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon