Chapter Twenty-five

1.4K 70 5
                                    

"IT'S JUST one of my many hidden talents, James. Maliit na bagay."

"Shit, Champagne. That's so cool! Ikaw pa lang ang nakakatalo kay Magnet sa one pocket!"

"'Tingin mo, nagalit siya sa 'kin? Bigla siyang nag-walk out pagkatapos ng game, eh."

"Hindi galit 'yon. Hindi lang 'yon makapaniwalang natalo mo siya. Pagkatapos ng isang stick ng sigarilyo, kakalma rin 'yon at makakalimutan na ang nangyari."

"James?"

"Yeah?"

"Thank you for introducing me to your friends. Gusto ko silang lahat. Ang cool ng barkada mo."

"Nah, ikaw ang mas cool. My friends love you! Ikaw lang yata ang babaeng dinala ko sa kanila na hindi nila sinindak."

Ngumiti lang si Champagne at tumitig sa mabituin na kalangitan. Pagkatapos ng game nila ni Magnet, 'itinakas' siya ni James mula sa mga kaibigan nito na tuwang-tuwa sa kanya.

Inalalayan siya ni James paakyat sa bubong ng mansiyon. Nanghiram ito ng kumot sa isa sa mga guest room ng mansiyon at inilatag iyon sa bubungan para maupuan nila. Pagkatapos ay hinubad nito ang jacket at ipinahiram sa kanya. Ginamit niya iyon para takpan ang mga hita na nalalantad dahil sa pag-angat ng kanyang dress nang umupo siya.

Ang ganda ng gabing iyon, lalo na't kitang-kita nila ang mga bituin mula sa puwesto nila. Kaya nagpapasalamat siya na nagdala si James ng wine at mga kopita sa pag-akyat nila roon.

"Nag-enjoy ka ba ngayong gabi, Champagne?"

"Yes, James. Thank you for making me feel good about myself again."

Alam ni Champagne na ginawa iyon ni James para bumalik ang kumpiyansa niya sa sarili na nawala dahil sa pagka-brokenhearted. He pampered her and introduced her to his friends because he wanted her to feel wanted and appreciated. Epektibo naman ang ginawa ng binata.

"Kung desidido ka talagang mag-move on, dapat malaki ang kumpiyansa mo sa sarili mo. Na hindi mo siya kailangan para makita ang self-worth mo," maingat na sabi ni James. "Na hindi isang rejection ang magiging dahilan para magduda ka kung may magmamahal pa sa 'yo pagkatapos nito. Because believe me, Champagne. You're worth it."

Napangiti si Champagne. Alam niyang pinapagaan lang ni James ang loob niya bilang kaibigan, pero mahalaga sa kanya ang suporta nito. It was highly-appreciated. "Totoo nga siguro na lahat ng napo-fall, nababasag. Kaya siguro masakit ang ma-fall in love."

"Alam mo ba kung bakit tinawag 'yong 'falling in love' at hindi 'rising in love?'"

Kumunot ang kanyang noo. Ngayon lang may nagtanong sa kanya nang ganoon kaya ngayon lang din niya napag-isipan. "Actually... hindi ko alam."

Ngumiti si James. "Dahil sa gravity. Kapag may bagay na bumagsak, tuluy-tuloy 'yon na babagsak dahil sa kawalan ng gravity. Katulad ng kapag na-in love ka. It just happens naturally; you do not exert effort. Alam mo kung bakit?"

Umiling si Champagne.

"Love is something you don't struggle with," seryosong sabi ng binata, saka siya binalingan. "So you shouldn't struggle in loving a person because it's something that's supposed to happen naturally. You can't fight it. You can't deny it. You can't stop it. That's also why love is the strongest force of all."

Napabungisngis si Champagne. At hindi siya makapaniwalang bumungisngis nga siya na parang teenager kahit hindi naman siya lasing. "You make love sound so romantic, James. Kahit tuloy alam ko na kung gaano kasakit ma-in love, parang gusto ko uli maranasan 'yon."

"Puwede naman, eh. Ikaw lang naman d'yan ang hindi pa nakaka-move on."

"Sinusubukan ko naman, kaya huwag kang judgmental," natatawang saway niya. "Kung may manual lang sa pagmu-move on, pinakyaw ko na 'yon. I mean, how can I live with all the memories? Paano ba ang tamang proseso ng pagmu-move on?"

"Puwede kitang tulungan," alok naman ni James.

Nilingon niya ang binata. Dahil sa posisyon nila, naging masyadong malapit ang mga mukha nila sa isa't isa. Gayunman, hindi siya nailang. Ang totoo pa nga niyan, komportable siya. She could not help but notice how she was perfectly nestled beside him. "Talaga? Paano?"

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon