Chapter Twelve

1.5K 76 0
                                    

MAY DALAWANG linggo pa si Champagne para gawing Mr. Perfect si James Grande. Hindi niya puwedeng iharap ang binata sa mga kaibigan niya kung hindi ito mala-Kingston dahil mababale-wala ang point ng paghahanap niya ng replacement sa kanyang first love.

Nang sunduin siya ni James sa kanyang apartment suot ang itim na casual jacket sa ibabaw ng puting V-neck shirt, fitted jeans, at ankle boots, nagkaroon siya ng urge na bigyan ng fashion tips ang binata. Well, guwapo ito sa ganoong outfit pero hindi bagay sa edad nito. Nagmukha itong college dropout, lalo na sa wild hairstyle (again, bumagay naman sa binata pero hindi talaga niya type ang ganoon).

Well, he dressed well. There was just one problem: his choice of clothes was not Kingston-ish.

Kailangan niya iyong solusyunan bago iharap si James sa mga kaibigan niya. He needed to be Mr. Perfect after all– just like Kingston.

Para sa date nila ni James nang araw na iyon, dinala niya ang binata sa mall. Partikular na sa mga boutique kung saan niya madalas sinasamahan si Kingston na mamili ng mga damit mula sa office shirts hanggang sa pang-gimmick.

Sa kabila ng mga reklamo ni James, pinilit pa rin niya itong bilhin ang mga polo and cotton shirts, button-down polo, at slacks na pinili niya para dito. Mas mukha kasing disente ang mga lalaki kung ganoon ang isusuot. Hindi tulad ng mga T-shirt ni James na bukod sa masyadong kaswal ay hindi rin nababagay sa edad nito (fine, bagay nga rito ang ganoong porma pero hindi nga Kingston-ish, okay?).

Sunod naman na pinili ni Champagne para kay James ay formal shoes. More on leather and dark oxford shoes ang pinabili niya sa binata, gaya ng madalas isuot ni Kingston. Si James kasi ay more on rubber shoes, sneakers, at athletic shoes. Babagay pa rin naman ang mga iyon sa mga bagong bili nilang damit, pero hindi Kingston-ish ang mga iyon kung sakali.

Pagkatapos ay ipinili naman niya si James ng bagong relo. Mas gusto niya ang analog wristwatch para sa binata kaysa sa usual na naglalakihang sportswatch na suot nito. Mas pormal tingnan ang analog lalo na sa pagpasok sa opisina at sa pakikipag-date. Mas Kingston-ish din.

Nang makontento na si Champagne sa mga pinamili nila ni James, sinabihan niya ang binata na magbihis sa boutique na kinaroroonan nila. Nakasimangot man, tumalima rin ang binata. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas din ito ng fitting room na Kingston-ish na.

He wore a dark blue button-down shirt with thin, white vertical stripes, khaki pants, and Oxfords.

Tumango-tango si Champagne. Ganitong-ganito ang porma ni Kingston at iyon ang gusto niya sa mga lalaki. "Isa na lang ang kulang."

Sumimangot si James. "Sweetheart, if you're going to ask me to wear a tie, I swear, magwo-walk out ako sa 'yo kahit labag sa pagkatao ko ang mang-iwan ng mga ka-date."

Ipinaikot ni Champagne ang mga mata at itinaas ang hawak na manipis na itim na belt. "Babagay ito sa outfit mo."

Bumuga ng hangin si James, halatang iritado pa rin. Pero mabilis ding kumislap ang mga mata nito, pagkatapos ay itinaas ang mga braso. "Ikaw na ang magsuot sa 'kin niyan."

"Manyak ka rin, 'no?"

Ngumisi si James. "Kung manyak ako, hindi ka na nakalabas na birhen sa kuwarto ko nang gabing 'yon pa lang."

Nag-init ang mga pisngi ni Champagne dala ng pagkapahiya. Siya naman mismo ang nagsabi kay James na birhen pa siya (nang maaksidenteng masabi niya na ang kumag na ito ang kauna-unahang lalaking nakakita sa mga dibdib niya) kaya dapat siyang mainis sa sarili. Bakit ba hindi niya magawang mainis sa James na ito kahit anong pilyo nito? Dahil ba ang amo ng mukha ng lalaki kapag nakangiti kaya mahirap magalit dito?

She only had one word for James: very charming. Fine, make that two.

Iwinagayway ni James ang mga braso nito na parang mga pakpak. "Dali na, nangangawit na 'ko."

Bumuntong-hininga si Champagne, pagkatapos ay lumapit kay James. Nang lumuwang ang pagkakangisi ng binata, sumimangot naman siya. Hindi dahil naiinis siya, kundi dahil pinipigilan niya ang sarili na lantarang singhutin ang binata. His masculine scent was so different from Kingston's, but nevertheless, James still smelled so good.

Mabilis na isinuot ni Champagne ang sinturon sa mga belt loop ng pantalon ni James. Ipinalupot niya ang mga braso sa baywang nito dahil kailangan niyang abutin ang loops sa likuran ng binata na ngising-ngisi nang mga sandaling iyon. Kahit piliting itago, halata naman na pasimpleng inaamoy ng mokong ang buhok niya at halata ring nagugustuhan nito ang kanyang amoy.

He was clearly enjoying this.

Si Champagne naman... Well, indikasyon ba ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso na nag-e-enjoy rin siyang maging ganoon kalapit kay James? Hindi naman siguro nakakapagtaka iyon dahil bukod kay Kingston, sa lalaking ito lang siya naging ganoon kalapit. Normal lang siguro ang kabang nararamdaman niya. Walang kahulugan. Kaswal...

Unti-unti siyang natigilan nang kinakailangan na niyang tumingin pababa para mai-lock ang sinturon. Dahil sa ginawa, napako ang tingin niya sa nakaumbok na pagkalalaki ni James. Hay, biniyayaan talaga ang isang ito down there. Na kahit hindi pa aroused ay ganoon na kaganda ang package nito. Pansinin iyon, lalo na kapag naka-fitted jeans ito.

Hay, uli. Siya yata ang manyak sa kanila ni James.

Mabilis na lumayo si Champagne kay James matapos niyang maisuot ang sinturon nito. "'Ayan, okay na, mahal na hari."

Humalukipkip si James at hindi itinago ang pagtitig sa kanya. It was actually more like he was checking her out and he was obviously pleased, if the way his eyes lingered on her cleavage was any indication. Pagkatapos ay nag-angat ito ng tingin sa mukha niya. "You look so beautiful, Miss Morales."

Siyempre, na-flatter naman si Champagne. Nag-effort talaga siyang magpaganda nang araw na iyon kaya natutuwa siyang napansin at na-appreciate ni James. She wore her favorite red dress under a black blazer paired with high stilettos. Siyempre, nag-make up din siya at tinernuhan ng red lipstick ang suot. Hinayaan naman niyang nakalugay lang ang alun-along buhok.

"I like seeing you all made up," sabi ni James. "Pero parang mas gusto ko 'yong simple ka lang. 'Yong walang makeup at bagong gising."

Ipinaikot ni Champagne ang mga mata. Ah, boys and their silly lies. "Tantanan mo 'ko, James. Ang mga lalaki, physical appearance muna ang tinitingnan sa mga babae kaya kung hindi kami mag-aayos, hindi n'yo kami mapapansin. Kaya nga sinabing love at first sight, 'di ba? Hindi naman sinabing love at first act of kindness. Kayo kasing mga lalaki, nai-in love sa kung ano'ng nakikita ninyo. Kaya kami namang mga babae, nagpapaganda at nag-aayos para sa inyo."

Nagkibit-balikat si James, ngingisi-ngisi na naman. "Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin. Basta ako, nagagandahan sa 'yo kahit anong ayos mo."

Ngumisi si Champagne habang iiling-iling. "'Yan? 'Kita mo 'yang ginagawa mo? Palibhasa, alam ninyong mga lalaki na nai-in love kaming mga babae sa magagandang salitang naririnig namin. Kaya kayo namang mga lalaki, nagsisinungaling at nambobola. 'Di ba?"

Hinawakan ni James ang dibdib nito, pagkatapos ay umarte na parang sasaktan. "Wow. Halimaw talaga ang tingin n'yong mga babae sa 'ming mga lalaki, 'no?"

"Oo. Pero minsan, baboy din at mga peste."

Pumalatak si James. "Grabe. Bumabawi talaga kayong mga babae ngayon sa mahabang panahong tinanggalan kayo ng mga karapatan sa lipunan, 'no? Kaya sa modernong mundo na 'to, inaapi at inaalilala ninyo ang mga lalaki."

Ngumiti nang proud si Champagne. "Girl power."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon