Chapter Twenty-eight

1.4K 74 0
                                    

PIGIL na pigil ni Champagne ang matawa habang pinapanood si James—still wearing that blonde wig and glittering pink dress—na hinahayaan ang mga pamangkin na sina Brianna, nine years old, at Britanny, six years old, na lagyan ng kolorete ang mukha.

Habang tinutuyo niya ng tuwalya ang buhok (pinahiram siya ni James ng T-shirt at shorts nito kaya nakapagbihis siya), hayun naman ang binata, nakasalampak sa sahig habang nilalagyan ni Brianna ng pulang lipstick at blush-on naman ang inilalagay ni Britanny sa pisngi nito.

Ang nakakatuwa, ni minsan ay hindi nagreklamo si James at hindi kakikitaan ng kahit katiting na iritasyon ang mukha.

Kanina, nang dumating si Champagne ay nagulat si James. Nalaman niya na hindi pala ito ang ka-text niya kanina kundi ang pamangkin nitong si Brianna. Pinakialaman ng bata ang phone ng tiyuhin habang nilalagyan ito ng wig ni Britanny.

Matalino at may pagkatsismosa si Brianna. Ayon sa bata, na-curious daw ito dahil 'sweetheart' ang pangalan ni Champagne sa Phone book ni James. Inisip ni Brianna na girlfriend siya ni James kaya ginusto ng bata na makilala siya.

Noong una ay pinagalitan ni James si Brianna at pinagsabihan na hindi dapat nangingialam ng gamit ng ibang tao. Pero nang nagpaawa ng mukha ang matalinong bata, nag-sorry din si James at sinabi na lang na huwag nang uulitin iyon.

Para 'mapatawad' ng pamangkin, pumayag ang binata na magpalagay ng makeup kina Brianna at Britanny.

Noong una ay halatang napahiya si James nang mahuli ni Champagne na ganoon ang hitsura. Pero kalaunan ay naging komportable ito at tinawanan na lang ang sinabi niya na mas maganda pa ito kaysa sa kanya kung naging babae.

Totoo naman ang sinabi niyang iyon. Ngayong nakaayos at nakabihis-babae si James, ang ganda pa rin ng mukha nito. Kung wala lang sigurong stubble at hindi namumutok ang mga bicep, papasa na siguro itong tunay na babae.

"Tita Cham-Cham, does our Tito James look like Taylor Swift na po ba?" nangingislap ang mga matang tanong ni Britanny.

Ah, si Taylor Swift pala ang peg ni James ngayon. Hindi na napigilan ni Champagne ang mapabungisngis. "Yes, baby. Tito James looks like Taylor Swift. Ang galing-galing kasi ninyong mag-makeup ni Ate Brianna mo. Very good kayo pareho."

Ngumiti si Britanny na parang proud na proud sa ginawa. "Thank you, Tita Cham-Cham."

Napangiti si Champagne sa ibinigay na pet name sa kanya ng mga bata.

"Tita Cham-Cham, we have an extra wig pa," sabi naman ni Brianna. "Do you want to look like Katy Perry naman? I am Ariana Grande na kasi." Obvious naman iyon sa mataas na ponytail ng bata at nakasuot pa ito ng cat ears headband.

"And I'm Selena Gomez po!" singit ni Britanny na nakasuot naman ng itim na wig na maiksi at kulot. "We would love to doll you up like Katy Perry, Tita Cham-Cham."

Sa pagkakataong iyon ay si James naman ang ngumisi na para bang sinasabing, "Ikaw naman ang lagot ngayon."

Pero hindi natatakot si Champagne na 'maayusan' ng makulit na magkapatid, kaya ibinigay niya sa dalawa ang pinakamaganda niyang ngiti. "Of course, babies. Tita Cham-Cham wants to look like Katy Perry. Can you help her?"

Bumungisngis sina Brianna at Britanny, saka nag-unahang tumakbo papunta sa kuwarto kung saan marahil nakalagay ang gamit ng mga ito.

"Ang kulit talaga ng magkapatid na 'yon," iiling-iling na sabi ni James habang kinakamot ang pisngi. Nangangati na siguro ang balat nito dahil sa makeup.

Ngumisi si Champagne habang nakatitig sa binata. Lagpas-lagpas ang lipstick nito at para ding sinampal dahil sa pula ng mga pisngi. "Malakas ang pakiramdam ko na magiging magaling na professional makeup artists ang magkapatid balang-araw."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon