Confess or Not?

291 66 41
                                    

Tovy's POV

Binabasa ko ngayon yung nakasulat sa notebook ni Sean-sean. Walang magawa eh, at parang may nagpupush sa'kin na basahin ko ang laman nun.At nung nabasa ko yun parang may kumirot dito malapit sa chest ko. Weird huh?

Hindi ko rin maiwasang humanga sa babaeng toh! Parang makata eh. Hilig magsulat at to be honest, ngayon ko lang nabasa toh. Mas nakikita ko kasi siyang nagsusulat pero hindi naman niya pina-pabasa sa'kin.

Pero ang isang toh, parang may pinaghuhugutan. Sino kaya ang crush neto?

Umiinit ulo ko sa isiping iyon, TSK!

"Waaaaaaaaaah!" 

Napatingin ako sa sumigaw at there nakita ko si Sean-sean na tumatakbo papunta dito. naitago ko agad sa likod ko yung notebook. HEHE.. patay ako neto! Sensitive pa naman toh!

Nang makalapit siya sa'kin ay agad na inagaw niya yung notebook na nasa  likod ko. Pero hindi ko binitawan. HAHA! Gusto kong asarin to ngayon.

(evil smile)

Naka-upo parin ako sa sofa habang hawak ko yung dulo ng notebook habang si Sean-sean ay nakatayo at hawak din yung kabilang dulo ng notebook. Naiimagine nyo ba?

"Akin na sabi eh! Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng private property?!" sigaw niya sa'kin.

"HAHA.. Binato mo sa'kin toh at wala namang nakasulat na private property eh!" naka-smirk na sabi ko.

"Aaah! Kainis ka!" Sean-sean.

Sinamantala ko ang pagkakataon na hindi siya naka-pwersa sa notebook kaya...

hinila ko agad yung notebook papunta sa direction ko. Kaso..

*BoogSH!*

Nagkabanggaan ulo namin at nasa lap ko ngayon si Sean-Sean. Magkadikit katawan namin.

Hinimas-himas parin ngayon ni Sean-sean yung noo nya. Nakita kong namula yun pero bumaba yung tingin ko sa dibdib niya.

Uminit atah katawan ko at feeling ko namumula yung tenga ko. Shit ! Sexy nya ngayon. Hindi ko ba nasabing naka spaghetti top siya at kita ko ngayon yung cleavage nya!

"Ang ganda pala ng Mt. Everest!" na isatinig ko pero mahina lang.

"Anong sabi mo?" tanong niya.

Agad naman bumalik yung katinu-an ko.

"Ah sabi ko bigat mo, ilang sakong bigas ba kinakain mo?" loko ko nalang sa kanya.

Hinampas na naman ako nung notebook niya at agad humiwalay sa'kin.

"Yabang mo!" sabi niya at uminom nalang ng juice na dala niya kanina.

Napa-iling nalang ako. Ano ba yung ginawa ko? Kaibigan ko si Sean-sean and I shouldn't be feeling like mina-maniac ko siya! For pete's sake naman!

"Sorry!" sabi ko sa kanya..

"Ha? Ayos ka ah may sorry ng natutunan yang dila mo."

Pero di niya alam is that im refering those words with what I accidentally seen a while ago.

Hindi nalang ako nagsalita at nilantakan nalang ang chips na dala nya.

"Teka, sino yung guy na ginawan mo ng poem na yun ha?" seryoso kong tanong sa kanya.

Kita ko agad ang pag-b-blush nya. Teka inlove ba siya?

"Ah wala." iiling-iling na sabi nito.

"Hoy! Babaeng pinaglihi sa sibuyas wag kang maglihim sakin. Sino nga?"

"Hmm.. EEhh.. wala nga."

"Tsk! TSk! Isa.." warning ko sa kanya.

"Tovy Ube ka! wag ka nga!" sabi nito pero halatang takot sa signal ko. HAHA

"Dalawa.. "

"Hoy! WAg mo nga akong takutin sa numbers dahil pinag-aralan ko yan." tapang-tapangan na sabi nito pero lumalayo naman sa'kin.

"Tatlo!"  kikiliti-in ko na sana siya.

"Hep! Oo na sasabihin ko na." surrender neto at napahugot ng malalimna hininga.

Seantal's POV

Nakuuu! Mapapasubo ako neto ah! Sasabihin ko ba?

"Ano? sino nga?"  Tovy.

Ang atat naman neto ! sabihin ko sayong ikaw eh!

"Classmate ko!" sabi ko nalang. Natigilan naman siya.

"OO nga, kaklase ko pero wag mo nalang alamin kung sino at kung anong name nya okay? Wala rin naman akong pag-asa dun"

"Bakit mo naman nasabi yun?"

"Walang magkakagusto sa mga iyakin na kagaya ko tapos malabo pa ang mata." ganyan ko ina-underestimate yung sarili ko.

"Hindi naman eh! Maganda ka naman at matalino."

Nililift up lang nya ako. Yan nga eh, Yang mga ginagawa nyang yan! Sino bang di mahuhulog sa isang yan.. :(

Nangi-ngilid na naman kasi yung mga luha ko.

Ini-angat nya yung chin ko para mapatingin sa kanya.

"Sean-sean, nililigawan pa naman eh. Hindi pa sila kaya may pag-asa ka pa." sabi nito ng naka-smile. Tapos kumuha ng panyo at ipinahid yun sa mga luha kong hindi man lang maubos-ubos.

"Ayan palagi talaga akong may dalang panyo, because of you. Babaeng pinaglihi sa sibuyas." sabi nito.

Shemai! Kahit pabiro man tumagos parinyun sa puso ko causing my heart to jump and my lips to curve.

Napa-smile na naman niya ako. :)

"Parang kailan lang mga ini-iyakan mo eh yung mga nam-bubully at mga nagpapahiya sayo sa harap ng maraming tao pero ngayon lalaki na." sabi nito habang tila nagbabalik tanaw sa nakaraan.

Inilagay pa sa likod ng ulo ang dalawang kamay  na parang ginawang unan.

Tinitingnan ko lang siya, GWAPOOO !

MY HANKY MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon