*A WHOLE NEW WORLD*

44 4 0
                                    

"Hello anak, how's your stay there?" tanong ni papa ng umagang iyon through phone call.

"Pa?" yun lang nasabi ko. I just can't talk to him like there's nothing to be worried about.

"Oh bakit may problema ba?" naramdaman naman agad ni papa na may problema ako.

"Pa? Bakit hindi niyo po sinabi sa akin na yung partner niyo pala sa business resort eh ang daddy ni Rielle?"

"I thought .. sabi ng mama mo --.."

"Anong sabi ni mama? Siya ba ang may plano ng lahat ng ito?" I felt my voice raised. Hindi ko mapigilan gusto kong magalit. How come my mother put me in this set up?!

"She told me na kilala niyo na raw ang isa't-isa at sabi niya sa akin siya na daw magsasabing si Rielle nga ang makakasama mo." mahabang paliwanag ni papa. He sounds so defensive.

"Wow amazing!" sarcastic kong tugon.

"Anak, are you mad?" tanong ni papa.

Gusto kong sabihin na galit ako dahil ginawa nila akong bobo. Gusto kong magmura dahil in the very first place hindi ko naman talaga gustong dito mag-aral. Gusto kong magalit sa kanila dahil nakikita kong pinagkaka-isahan nila ako!

"Seantal, anak?" untag ni papa.

"Pa, I'm sorry, I'm tired I need to rest." after that statement I ended the call. I don't want to be rude but my actions are perfectly into it.

Bumalik ako sa pagkakasalampak sa kama habang nakatingin sa wall. Umaanghang na naman ang mga mata ko and any minute from now mag-uunahan na naman yang luha ko sa pagpatak. Gustuhin ko mang maging matapang at hindi mapa-iyak pero hindi ko kaya eh. Maybe I'm born to become weak ..

Suddenly someone knocks on the door. Agad kong pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili.

"Yes?" tanong ko.

"Ahm .. Seantal, wanna eat breakfast with me?" tila nahihiya pa ang tono nito. Si Rielle pala.

"Ah, sure! Just give me a minute." pilit kong pinatatag at pinasigla ang boses.

"Okay, I'll wait for you at the living room." pagkasabi ni Rielle nun ay agad na din itong umalis habang ako naman ay nag-ayos na din.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako ng kwarto. Simpleng t-shirt at walking pants lang yung suot ko. Wala akong balak magpaganda lalo na't si Rielle ang kasama. Mahirap na, mas mabuti ng maagap. Whoo .. Ang hangin sa Texas!

"Lets go?" tanong ni Rielle habang naka-grin sa akin. "Let's go!" sagot ko naman and smiled back.

Erase muna ang mga tampururot sa katawan dahil sabi ko nga gusto kong manumbalik ang magandang pagkakaibigan namin ni Rielle. And because both of us didn't know how to cook kaya gagala nalang kami sa kalye at magkakalkal ng basura. Haha, joke! Kakain nalang kami sa labas. Actually ang alam ko lang naman na lutuin is noodles, boiled eggs at black hotdogs. Black hotdogs kasi sunog! Sa rice naman, pinag-aaralan ko pa. I must make aral na nga talaga how to cook dahil walang mama na magluluto para sa akin dito. Narealize ko lang naman.

"Sorry Seantal ha, wala kasi talaga akong passion sa pagluluto even learning how." nakapout na saad ni Rielle habang binabaktas namin ang kalye. Ang kyut ni Rielle napapasmile ako.

"Ano ka ba, okay lang noh! Ako nga dapat mag-sorry dahil kababae kong tao tapos hindi alam magluto." nakangiti kong sagot habang sisipa-sipa sa invisible na lata. Namimiss ko tuloy Pilipinas kasi dun marami akong nasisipang lata sa kalye tapos dito, wala man lang ni isa.

MY HANKY MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon