Kagabihan ay naka-uwi narin kami ni mama. Ang daming nangyari ng araw na ito. Pinagod ako sa dami ng surprises. Na-upo muna ako sa sofa habang si mama ay pina-pack pa ang kanyang cookies and cupcakes na ede-deliver bukas.
"Ma? Ayaw nyo po talagang tulungan kita dyan?" tanong ko.
"Wag na, mabilis lang toh saka nagtext si Rielle, pupunta raw siys rito." saad ni mama.
Pagkarinig ko ng pangalan ni Rielle ay agad akong napa-ayos ng upo.
"Po?!" tanong ko na tila hindi nainig ang sabi ni mama.
"Pupunta si Rielle dito." pagkasabi nun ni mama ay siya namang pagkatok ni Rielle sa pinto.
"Oh ayan na atah." saad ni mama kaya pinagbuksan ko na para makita .. si Tovy na gwapong-gwapo sa kanyang mintgreen na t-shirt at blackjeans.
"Hi Sean-sean!" bati nito sa akin.
"He-hello Tovy." shit! I was just mesmerized by his presence.
"Oh ba't ganyan reaksyon mo? Parang napilitan kang ngumiti?" saad nito.
"Oh Seantal papasukin mo na si Rielle -- .." bigla ay napahinto si mama dahil si Tovy ang nakita nakatayo sa pinto imbes na si Rielle.
"Good evening po tita." bati ni Tovy kay mama.
"Oh goodevening hijo, long time no see." sabi ni mama ng makabawi sa pagkabigla.
"Ah .. Halika pasok ka Tovy." agad ay yaya ko kay Tovy. I feel the tension in the air.. Weew!
Pumasok naman si Tovy at si mama ay nagpaalam na tatapusin lang niya ang ginagawa. Napansin ko naman ang biglang pagtahimik ni Tovy.
"Oh, ba't tahimik ka ube?"
"Kaya pala hindi mo ako tinext na dumating na kayo, may inaasahan pala kayong ibang bisita." tugon nito na hindi itinago ang pagtatampo.
"Hindi yun ganun, napagod lang talaga ako at nawala sa isip ko na etext ka." dahilan ko naman.
"Pero si Rielle hindi mo nakalimutan?"
"Ano ka ba Tovy ngayon ko lang din nalaman na pupunta yun dito." saway ko kay Tovy na animoy nagseselos.
"Pero yung mama mo parang gusto na atah si Rielle para sayo." nag-aalala nitong sabi sabay hawak sa kamay ko.
"Hindi mo naman yun maiiwasan eh, suki yun dito saka .. Dont worry mas lamang ka naman dun sa puso ko." bulong ko sa kanya habang magkahawak parin kami ng kamay.
"Seantal." biglang may nagsalita malapit sa may pinto. Si Rielle !
Nakita niya atah ang pagbulong ko kay Tovy tapos ngayon nakatitig pa siya sa mga kamay namin. Kaya agad kong binitawan ang kamay ni Tovy at tumayo.
"Rielle, halika ma-upo ka." sabi ko. Sumunod naman ito pero bago ito ma-upo ay nagbeso muna ito sa akin saka ibinigay ang di ko agad napansin na bulaklak.
"Salamat." sabi ko sabay balik upo. Magatabi parin kami ni Tovy habang nasa kabilang upuan naman si Rielle. Naku naman, maiipit na naman ako nito.
"Oh mag merienda muna kayo." si mama na bigla namang sumulpot at may dalang cookies at juice.
"Thank you po." sabay na saad ni Tovy at Rielle.
Tuloy ay nalito at nabigla si mama. Umupo narin si mama kasama namin pero mukhang mas gusto nitong kausap si Rielle. Hindi man lang nililingon si Tovy.
BINABASA MO ANG
MY HANKY MAN
RomanceNaniniwala ka ba na ang taong magbibigay sayo ng panyo ay siya ring magpapa-iyak sayo? Pano naman kung iyakin talaga ako at ang mga ibinibigay niyang panyo ang pamunas sa luha ko? May sense pa kaya ang paniniwalang yun?