*TRUTH OR CONSEQUENCE*

216 51 10
                                        

Bago pa man dumilim ay naisipan ko naring magbihis ng damit pang-ligo. Hindi talaga ako nag two piece ha! May inferiority complex kasi ako.

Naman ! Hindi talaga ako proud of what I've got. Kaya nga ngayon na ako nag-swimming dahil umahon na mga kaibigan ko. Mukhang nagpapahinga pa siguro ang mga yun for sure babalik din ang mga yun dito. Gusto ko rin kasi maka-iwas sa pang-aalaska ni Zyrene. Alam nyo naman ang bibig nun.

I'm wearing a swimming bra at shorts na medyo mahaba naman kesa sa panty. Naghahanda na akong lumusong sa tubig.

*Splash*

As I jumped into the pool, nag-dive ako at gumamit ng iba't-ibang technique ng paglangoy. Haha ! Hindi naman sa pagmamalaki pero medyo may skills talaga ako when it comes to swimming. Si papa nagtuturo sa'kin when I was a kid.

Nang biglang may naririnig akong umuungol sa di kalayuan nitong pool. Naging maingat ako sa paggalaw patungo sa may side ng pool para tingnan kung sino ang mga yun.

"I love you Tovy, and I'm willing to give you my all." tinig ng isang babae.

Hindi masyadong naaaninag ng vision ko ang dalawang tao dun sa sulok ng pool. Nakababad sila sa pool kaya nagtago ako ng kunti sa may slide.

Nakapulupot ang babae sa leeg ng lalaki.

Ouch ! parang sinaksak yung puso ko. Hindi ko man masyadong naaaninag ang mukha nila dulot ng dilim pero dahil sa tinig ng babae at pagsambit niya sa pangalan ni Tovy alam ko na. Alam ko na kung sino sila.

Nakikita kong naghahalikan sila, medyo umuungol pa nga si Chloe. Ewan ko pero masyado atah akong nabigla at hindi ako makapag-react, ni umiyak di ko magawa.

Tumaas yung kamay ni  Tovy papunta sa ..

Papunta sa dibdib ni Chloe. Habang magkahinang parin ang kanilang mga labi.

Dahil dun napasisid ako bigla palayo sa kanila. Di ko na alam kung napansin nila iyon. Wala na akong paki-alam pa dun. Ang gusto ko lang ay makalayo.

Umahon ako sa pool na nanginginig ang mga tuhod. Bakit ako pa ? Bakit ako pa ang nakasaksi sa tagpong iyon?!

Nagka-salubong kami ni Rielle, napansin niya atang nanginginig ako kaya ibinigay niya sa'kin yung jacket niya.

"Salamat." sabi ko.

Di ko nalang pinahalata yung tagpong nasaksihan ko kanina.

"Ba't kasi gabi ka kung lumusong sa pool, masyadong malamig yung tubig." sabi nito habang inaayos yung jacket sa balikat ko.

Ang sweet naman ni Rielle. Siguro kung wala si Tovy, siya yung magugustuhan ko.

"Andun sila sa cottage tara punta tayo dun." alok niya sa'kin.

Di naman ako tumutol at sumama sa kanya sa cottage. Nakita kong naka-form sila ng circle habang naka-indian squat. Sa gitna ay may liqour.

MY HANKY MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon