Seantal's POV
(2 days after gradaution..)
Yeeey ! Outing na bukas. =]
Excited ako, well mag-oovernight kami sa pool. Pinayagan kami ng parents namin siyempre. Haha !
Naghouse-to-house ba naman kami ng pagpapa-alam. Sama-sama kaming lahat magpa-alam but because were still under-age nagpadala ng chaperon yung mama ni Rielle sa amin.
Protective pala parents niya.
Naghahanda na ako ngayon ng mga gamit ko para bukas. Halatang excited eh noh?
Nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko.
"Seantal, wag masyadong maglilikot dun alam mong walang magbabantay sayo dun."
Si mama talaga, kanina pa yan sa mga paala-ala niya. Mukhang nagdadalawang isip sa pagsama ko.
"Opo ma, magiging responsible po ako.. Promise !" sabi ko habang nakataas ang right hand.
"Hay nakuuu ! Ikaw na bata ka talaga oo." sabi nito na sumusuko na.
Nag-smile ako at nag-hug kay mama.
"Thanks ma!" sabi ko.
"O siya ! Magbi-bake nalang ako ng cookies, dadamihan ko nang di ka magutom dun." nakatawa narin na tugon ni mama.
"Hehe .. Salamat po, pero hindi naman po ako magugutom dun eh, marami po kaming baon."
"Kahit na!" sabi niya at umalis na.
Pinag-patuloy ko nalang ang pag-aayos ng mga gamit. Matapos kung ayusin lahat ay nag-half bath muna ako bago matulog.
*Phone rings*
calling... (My hanky man)
breathe in ..
Breathe out..
(Press answer button)
"Goodevening Sean-sean!" bungad agad nito sa phone.
Bahagya ko ngang inilayo yung phone sa tenga ko, ang lakas ng boses eh.
"Oh napatawag ka ube?" pinilit kong ikalma yung boses ko.
Nitong mga nakaraang araw kasi palagi akong natataranta. Lalo na pag-andyan si Tovy. Di ko alam, parang lumalalim atah feelings ko para dyan eh!
BINABASA MO ANG
MY HANKY MAN
RomansaNaniniwala ka ba na ang taong magbibigay sayo ng panyo ay siya ring magpapa-iyak sayo? Pano naman kung iyakin talaga ako at ang mga ibinibigay niyang panyo ang pamunas sa luha ko? May sense pa kaya ang paniniwalang yun?