Pagkababa ko sa van agad ko ding kinuha yung mga natirang gamit. Ang bigat pala !
Napahinto ako sa paglalakad habang karga-karga yung mga bag na naiwan. Tinitingnan ko yung paligid. Ang ganda its more like a garden than a resort. Maraming lumilipad na butterflies sa mga halamang bulaklak.
At nabasa ko bigla ang signboard sa may entrance ng resort.
"Resort de Amor." basa ko.
Ang ganda naman. Once I dream of living this kind of place with mama and papa.
Nasan na kaya si papa?
Habang nililipad ako ng mga imagination ko bigla nalang may pumitik sa ilong ko na naging dahilan para bumalik ako sa mundo.
"Bombay nagpapantasya ka na naman siguro ano?" sabi ni Tovy habang kinukuha yung mga bitbit ko.
Sinimangutan ko lang siya at na-una ng mag-lakad.
"Hoy! Buhatin mo 'tong isa, abuso ka." sabi nito.
Binalikan ko naman agad yung isang bag at dinala. Akala ko kasi kaya niya.
Habang naglalakad ako binungo nalang ako bigla ni Tovy at nabitawan ko yung bitbit ko.
"Haha ! Kailanka pa naging lampa ?" pang-aasar na naman nito.
"Tovyyy ! Hmmp!" sigaw ko dahil nagngi-ngit-ngit ako sa galit.
Tumakbo na si Tovy nun habang tumatawa. Ka-asar talaga ang ube na yun. Walang magawa eh kundi galitin ako.
"Seantal ba't ang tagal mong pumasok ? Tara na !" si Rielle na sinundo na ako.
Kinuha narin niya yung bitbit ko at magkasabay na kaming mag-lakad.
"Salamat Rielle, nag-enjoy lang akong tingnan yung paligid." sabi ko.
"Maganda talaga dito. Magaling kasing mangalaga yung may-ari dito." sabi nito.
"Talaga ? Kilala mo may-ari ng resort nato?"
"Oo, business partner siya nung dad ko."
Tumango lang ako. Yaman naman ng kausap ko business partner pala ng dad niya ang may-ari nito.
Nang makapasok kami mas lalo pa akong namangha sa lugar. Watta nice place !
"Seantal, lagay mo na yang mga gamit mo sa kwarto natin." excited na sabi ni Abby.
Ang bilis nag-transform ni Abby, nakapag-bihis na agad ng swim wear.
"Sige, saang banda ba ?" tanong ko.
"Dun, lumiko ka lang sa door na yan then straight tapos may makikita kang kulay pink na door, yun na yung kwarto." si Eros.
BINABASA MO ANG
MY HANKY MAN
RomanceNaniniwala ka ba na ang taong magbibigay sayo ng panyo ay siya ring magpapa-iyak sayo? Pano naman kung iyakin talaga ako at ang mga ibinibigay niyang panyo ang pamunas sa luha ko? May sense pa kaya ang paniniwalang yun?