*TAKOT AKO*

109 24 2
                                    

 A/N: Hello po sa inyo ^^. pasensya na kung maraming typo at grammatical errors tong story na toh.. kasi po wala talaga akong time mag edit. Wala po akong personal gadget na pwedeng gamitin sa pag-gawa nito. Hehe sort of past time ko lang talaga ang pag-gawa ng mga storya.. kaya do understand nalang po sa mga Erroneous nyong mapupuna sa storya.. Thanks!

Seantal's POV

 This is really amazing ! Amazing in the sense na unti-unting bumabalik ang dating kami. Masayang -masaya ako ngayon at sana'y magtuloy-tuloy na toh! Naayos ko na ang problema sa pagitan namin ng barkada at naayos ko narin ang friendship namin ni Tovy. Nung isang araw dun sa coffee shop nung nakikipag-ayos ako sa kanila it was a cool feeling lalo na nung kaming dalawa nalang ni Tovy. Hindi ko maiwasang kiligin pagnaiisip ko yung mga tagpong yun. Sana ganun nalang lagi, okay naman eh masaya lang, I wasn't able to correct Tovy's thought na kami na ni Rielle kasi... parang gusto ko lang na ganun yung tingin nya sa'min. Si Rielle? Gusto ko ng e-clear up yung misunderstanding niya tungkol sa aming dalawa. I like Rielle as a friend but none other than that. I don't want him to hope that there's gonna be Seanelle love team coz it's not gonna happen. Haay! Lord tabang palehug.

Sa kakaisip ko di ko na namalayan ang pagtunog ng cellphone ko. Mabuti nalang di agad huminto yung ring tone. I grabbed my phone from the bedside table, nasa kwarto kasi ako ngayon making another poem for my Hanky Man. Ano bang ine-expect nyo? Syempre inspired yung tao eh.

Ooops! As soon as I got the phone nakita ko agad ang pangalan ni Rielle. He was calling me!

"Hello?" as I answered the call.

"Hi! What are you doing?" masigla nitong saad sa kabilang linya.

"Bakit?"

"Hmm... May gusto akong ipakita sayo."

"Ano?" taka kong tanong.

"Basta, sunduin kita sa inyo kaya you better dressed up okay?"

"Teka, san tayo pupunta?"

"I'm coming in 5 mins. bye."  at agad ay binaba nga ni Rielle ang phone. Kinakabahan ako sa ginagawa nitong isang toh ah!

Lito man ay nagbihis narin ako. Hindi na kasi ako makatanggi eh. Sana lang hindi problema ang dala ng isang yun mamaya. Nang biglang nag-ring ulit ang phone ko kaya agad ko na yung pinindot siguradong si Rielle na naman yang tumatawag.

"Oh Rielle ba't napatawag ka ulit?" diretso kong bungad sa phone.

 "Rielle agad? Callmate na pala kayo." ibang tinig yung narinig ko sa Phone kaya tiningnan ko yung nakalagay.

"Ah.. sorry sino toh?" tanong ko, napahiya tuloy ako. Naman eh!

"At hindi mo narin kilala yung boses ko ngayon?" may himig pagtatampo sa boses nito. Agad namang nag-jumping rope yung puso ko nang ma-himigan ang nasa phone,

"Tovy? Ikaw ba yan?" tanong ko na medyo nag-aalangan pero naka-ngisi na ako nyan. Oh my gulay I'm giggling!

"Opo bombay! Ikaw ha puro Rielle nalang yang bukambibig mo."

“Sorry po, tumatawag kasi yun kanina tsaka hindi kaya naka-registered yang number mo sa phone ko.” sabi ko habang naka-ngiti.

"Okay, save mo na itong number ko."

"Opo, ba't ka pala napatawag?"

"Punta ako diyan sa inyo?"

"Ae wrong timing ka ube, may lakad kami ni Rielle ngayon eh"

MY HANKY MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon