*I WONT CRY*

71 17 2
                                    

Ang bilis naman ng araw, sa friday na yung flight ko. Tapos sina mama at papa busying-busy parin sa kani-kanilang negosyo. Nakakalungkot isipin na ilang araw nalang ay aalis na ako ng Pilpinas. Kakayanin ko ba? Maipagtatanggol ko kaya sarili ko dun?

Bago ako umalis ay nagpaalam na din ako sa mga kaibigan ko. Andito kami ngayon sa bahay ni Micah. Binigyan nila ako ng despidida party.

"Seantal, kung may kaibigan ka na doong puti, bigay mo naman number ko." si Danhel na isiningit talaga yun sa kwentuhan namin.

"Sige ilang puti gusto mo? Para may pagpipilian ka." biro ko naman.

"Pwede na siguro ang lima." naka-ngisi na tugon ni Danhel. Tnawanan naman siya ng barkada.

"Naku! I'm sure sa lima walang magkaka-interes sayo." kantiyaw naman ni Abby.

"Oo nga! Dun ka nalang sa ex mo, yun lang papatol sayo." sang-ayon ni Micah.

"Aray! Sakit niyo magsalita ah!" arte ni Danhel na may pahimas-himas pa sa dibdib na tila nasasaktan. Nagkatawanan na naman ang lahat.

"Ang pangit ng despedida mo Seantal." bigla namang basag ni Eros sa kasiyahan.

"Hindi naman pangit, okay lang masaya parin naman." nakangiti kong sabi.

"Bakit kasi wala si Zyrene?" tanong ni Micah.

"Masama pakiramdam niya, nagpaalam naman din ako sa kanya eh." depensa ko.

"Eh si Rielle naman di macontatct tapos si Tovy .." nahinto sa pagasasalita si Eros ng may makita, nilingon narin namin ang tinitingnan niya. It's Tovy! Nawala yung ngiti ko na kanina pa naka-display dahil nakita ko siya.

"Hi guys! Sorry late." sabi nito na nakakamot sa ulo.

"Okay lang! Mahaba pa naman oras ni Seantal eh." sabi ni Abby at agad akong siniko.

"Aah .. Ah.. O-oo." nag-stammer pa ako.

"Ganun ba, pero ni isa sa inyo hindi nagtext na despedida pala ngayon ni Seantal May." tugon ni Tovy na diniinan ang despedida pati narin ang pangalan ko.

Yumuko ang lahat kaya ako na ang sumagot.

"Unexpected kasi toh, saka -- .."

"No need to explain, dumaan lang naman talaga ako to formally say goodbye and goodluck sayo sa pag-alis mo sa Pilipinas." sabi nito.

Ouch! Bakit parang gusto kong maiyak sa sinabi niyang yun? Tahimik lang ang lahat. Si Tovy naman ay dahan-dahan na lumapit at lumapit at lumapit hanggang sa madikit na ang mukha ko sa mukha niya. Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko saka bumulong.

"Don't cry, I'm not gonna offer any hanky to you. Goodbye." bulong nito sa'kin na nagpasikip lalo ng paghinga ko. He then kissed my forehead.

"Goodbye everyone, susunduin ko pa pala si Chloe. Enjoy the party." sabi ni Tovy habang papalayo.

Agad naman akong tinapik sa balikat ni Danhel. I automatically flash a smile. A painful one.

"Don't worry okay lang ako. Sige na ituloy na natin ang party." anyaya ko sa kanila. Naiilang man ay sumunod narin sila. Bigla akong nanahimik at nawalan ng gana. Kaya maya-maya rin ay nagpaalam na ako na uuwi. Hindi ko talaga ipinakita sa kanila na iiyak ako at simula ngayon ay di na ako iiyak. Ngayon pang binigyan na niya ako ng rason para hindi siya iyakan?!

Pagka-uwi ko, agad na hinahanap ko si papa. Nagpunta ako sa veranda at nakita kong may kausap si papa sa phone. Narinig kong binanggit ni papa ang pangalan ko sa kausap niya kaya dahan-dahan akong lumapit at nakinig. Nakatingin naman si papa sa kabilang direksyon eh.

MY HANKY MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon