Seantal's POV
"Hoy babaeng iyakin! Wag kang magpapabully sa mga tao doon ha!" mangiyak-ngiyak na tugon ni Abby.
"Uy hindi noh, sa dami ng pinagdadaanan ko natuto na ako." may diin ang pagkakasabi ko nun.
"Talaga lang! Wala ka ng bestfriend dun na magtatanggol at magpupunas ng luha mo." si Eros na nakayakap agad sa likod ko.
Puteyk! Pinapaiyak na naman ako ng mga taong toh, tuloy kinakain ko na yung sinasabi ko. Tagal pa namang tumigil nitong mga luha ko sa pag-agos. Sumisikip na nga dibdib ko kakapigil ng emosyong dinadala ko. Halo-halo na, dahil mamimiss ko sila, sina mama at papa pati narin ang .. ang mga panyong bigay ng ube na yun na ginagamit ko sa mga ganitong eksena.
"Pinapa-iyak nyo naman ako eh! Baka pumanget ako nito pagdating sa ibang bansa." sisinghot-singhot na tugon ko. Tumatakas sa mata.
"Anak, malilate ka na. Sige na .." tugon ni mama na nasa tabi ko kasama si papa. Nandito na kami ngayon sa airport, 6:AM ang flight ko at andito ang barkada ko para ihatid ako kahit dito man lang sa airport. Hindi sila kumpleto, wala si Rielle, Zyrene at si Tovy.
"We will miss you anak." si papa na agad humalik sa noo ko.
"Ako din po."
"Isa pang group hug please?" si Danhel. Agad ding tumalima ang lahat pati si mama at papa ay sumali sa group hug.
Pagkatapos ay kinuha ko na ang bagahe ko at handa ng tumalikod sa Pilipinas pero babalik rin ako. Ika nga ni Mc Arthur " I shall return." pero hindi para sa gyera kundi para sa mas magandang buhay.
Pagkapanhik ko sa eroplano ay agad kong inihanda ang sarili sa bagong buhay na haharapin. Ipinikit ang mga mata at pinayapa ang isip. Kasama ng pag-iwan ko sa mga ibinigay niyang panyo. Iiwanan ko na din ang mga alaala niya sa Pilipinas, isa yun sa mga paraan para mapayapa ang isip pati narin ang aking puso.
"Kaya ko ito! I can live on my own." bulong ko sa sarili ko. Ilang oras habang sakay sa eroplano ay nakatulala lang ako hanggang sa makatulog.
"Sean-sean, Sean-sean! Hoy." tawag sa akin ng isang boses.
Binuksan ko ang mga mata at nagulat sa aking nakita. Mukhang lumako yung eyeballs ko dahil sa pagkabigla. Ginusot ko pa angmga mata para lang linawin kong totoo ba ang nakikita. Its him!
"T-tovy?!" gulat kong tugon sa taong nasa harap ko ngayon.
"Bakit parang nagulat ka?" ang tamis pa ng ngiti niya.
"Bakit nandito ka?" tanong ko. Hindi ako makapaniwalang katabi ko ngayon si Tovy sakay sa eroplanong pamhimpapawid.
"Because I can't live a life without you." malambing nitong tugon habang nakakulong ang mukha ko sa dalawang maiinit niyang palad.
"H-hindi, may Chloe ka na!" pinalis ko ang mga kamay niya sa mukha ko. Gustong manlaban ng puso ko dahil sa ginawa ko pero dapat lang yun sabi ng isip ko.
"Sean-sean, ikaw ang mahal ko. Can't you see I'm with you in this plane and not with Chloe." hinawakan naman ni Tovy ang aking malamig na kamay.
"I can't afford to loose you Sean-sean .. I love you." pagkasabi niya nun ay agad na inilapit ni Tovy ang mukha niya sa akin. Dahan-dahan .. Ng dahan-dahan .. He was about to kiss me.
"Maam? Maam?" may narinig akong boses ng babae pero hindi ko pinansin dahil naka-concentrate ang atensyon ko kay Tovy.
"Excuse me, maam? We're now on Texas and the plane is about to leave in 20 minutes." malumanay at mabining tugon ng babae.
BINABASA MO ANG
MY HANKY MAN
RomansaNaniniwala ka ba na ang taong magbibigay sayo ng panyo ay siya ring magpapa-iyak sayo? Pano naman kung iyakin talaga ako at ang mga ibinibigay niyang panyo ang pamunas sa luha ko? May sense pa kaya ang paniniwalang yun?