Shin's POV
Lumalakad na ako pauwi kasama si Mae. Anong oras na ba? Grabe, ngayon lang kaming late umuwi.
"Bilisan natin lakad. Dali!" Bakas sa tono ng pagsasalita niya ang takot. The hell! Ako rin. It's 10:00 in the evening na! Maraming tambay dito sa kanto. Ang layo-layo pa naman ng subdivision namin.
Naku naman kasi! Ano pang na-isipan niya't nagpunta pa sa mall. Alam niyang may-klase kami bukas! Naman.
Binilisan nga namin ang lakad. God. Kinakabahan ako. Feel ko may sumusunod sa'min. Waaaa! Lord help us.
Hinawakan ko ang kamay ni Mae. Hindi kami matatakot. Hindi.
Lumiko kami sa isang madilim na lugar. Geez. Ang creepy. Nag-taasan ang mga balahibo namin. Nakahawak parin ako sa kamay niya. Ang lamig, for sure. Natatakot siya ngayon, sino ba namang hindi? Ang dilim kaya tapos.. pakiramdam pa namin na may sumusunod samin.
Na-corner kami. Waaaa! Bakit hindi ko agad napansin?
"T-tara." Utal na sabi ni Mae.
"San tayo pupunta? Naman kasi. Anong naisipan mo at pumunt--" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng may magtakip ng bibig ko.
Waaa! Natatakot ako! Natatakot ako! "KYYAAAHHHH!!" Narinig kong sumisigaw si Mae. God! Dalawa sila. Dalawang lalaki..
Naramdaman kong hinawakan ako ng lalaking nag-takip sa bibig ko! Peste! "Hmmmpp! Hmmp!" Hindi ako makapagsalita ng maayos. Eh, may nakatakip sa bibig ko eh!
Sinubukan kong alisin ang kamay na nasa bibig ko pero. Yanamaiz! Masyadong malakas ang ugok na 'to!
"Bitawan ko mo! Kyaahhh! Tulong! Tulong! Rappeee! Tulungan niyo kami!!" Nakita kong may nakahawak rin kay Mae. Oh my gee! Hindi ko makita ang mga mukha nila! Ang dilim!
"Manahimik ka, kung ayaw mong masaktan!" Sabi nung creepy guy na nakahawak sakin. Pag-nakita ko lang kung sino ang mga 'to! Mata lang nila ang walang sugat. GRR!
"At ikaw naman. Tumigil ka rin! Ang iingay niyo! No wonder, kung bakit kayo mag-bestfriend." Napatigil kami ni Mae sa narinig namin? Teka nga? Teka?
Tinuhod ko ang 'future' ng lalaking nakahawak sakin. Akala niya ha! Napa-upo naman siya. Buti nga sa'yo!
"Fvck! Sht! Ang sakit!" Rinig kong sabi niya. Tss.
"Aaah! Ha!" Si Mae naman ang sumipa dun sa isang lalaki. Bull's eye dahil tinamaan rin siya dun sa 'future' niya.
Nang makawala na kami. Nag-apir kami ni Mae. "Sa susunod kasi. Pumili kayo ng hindi marunong lumaban. Tss. Nag-aral 'yata kami ng taekwando mga pre!"
Nag-sign ako kay Mae na tanggalin na 'yung mga bonet nila. Tumango naman siya. Hindi ko makita kaya kinuha ko 'yung phone ko, then in-on ang flashlight.
"WTF?!" Sabay na sabi namin ni Mae. Magka-dikit yata ang mga bituka namin eh. Kidding.
"LANCE?!" Tumayo naman siya nang makarecover sa ginawa kong pagtuhod sa kaniya. Ano kayang trip ng lalaking 'to? Gravy! Kinabahan ako dun ah. Buti na lang talaga, nag-aral kami ng taekwando.
"Eh-he." Sabay gulo niya sa buhok niya. Okay? Ano 'yun?
>_<
"Walang hiya ka! Ahhhh! Tinakot mo kami! Papatayin kita!!" Sabay sugod ni Mae kay Lance. Siyempre, naki-join rin ako! Heller! Mapapatay ko 'yata ang lalaking 'to! Gravy talaga! Ang lakas ng trip!
"Aw. Sandali lang. Aray! Ow! Aray!" Pinaghahampas namin siya gamit ang mga bag namin.
"Kulang pa 'yan! Dapat patayin ka namin eh! Walang hiya ka talaga!" Sabay sabunot ko sa buhok niya. Nakakainis! Argh!
BINABASA MO ANG
When I Met You
RandomKung mahal ka talaga ng taong mahal mo. Hindi mo siya kailangang habulin para lang balikan ka niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwang mag-isa.