Lance' POV
"Shit! Shit!" Sigaw ko dito sa bakanteng room.
Ba't ba kasi. Argh! Siguro kung naaalala niya ako ngayon..
*sighs*
Inaamin ko, nagseselos ako sa nakita ko. Oo, nagseselos ako. Hindi naman kami pero kung umakto ako parang kami. Hindi ko talaga mapigilang hindi magselos.
Makita mo ba naman ang taong mahal mo na may katawanan na ibang lalaki? Sa tingin niyo, anong mararamdaman ko? Natural, magseselos. Pero alam kong wala naman akong karapatan. Kasi nga walang kami.
'Yung nga 'yung masakit eh. Hindi kami, alam niyo ba 'yung pakiramdam na gustong mong makasama 'yung taong mahal mo? Gusto mo siyang yakapin, gusto mo ikaw lang ang kasama niyang lalaki. Pero, hindi ko magawa ang mga 'yan eh. Dahil nga walang kami!
From the start, si Nicole lang ang mahal ko. Hindi totoo 'yung kay Anikka. Palabas ko lang 'yun para tigilan na ako ni Mama. Para hindi niya na ipilit na ligawan ko siya. Masakit man para sakin, ginawa ko.
Gusto ko kasing si Nicole ang una kong maging girlfriend, at the same time. I want her to be my last. But, nabura ang lahat ng 'yon. Dahil lang sa gusto ng magulang ko.
Ganon naman tayo right? Hindi tayo makakatanggi sa mga magulang natin. Pero kung meron man. Siguro, wala ng mga puso ang mga 'yon.
*deep sighs*
Namalayan ko nalang na may basa na sa pisngi ko. Masakit kasi. Kasi, nakita ko na sa iba siya masaya, tapos hindi naman kami. Pero kung makapagselos ako. Tch.
Naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong magtapat, pero natatakot ako. Torpe, ika nga nila. Natatakot ako baka kasi, umiwas siya sakin. Hindi niya ako kausapin. Masakit kaya 'yung, ang taong mahal mo, hindi ka pinapansin.
Bakit ba nagdadrama ako dito? Tch.
Lumabas na ako ng room at tumungo na sa classroom namin. Hindi ko maiwasang ma-curious. Sino kaya 'yung lalaking 'yun? Sila na ba? Gaano na sila katagal?
Gusto kong itanong 'yan kay Nicole pero, paghaharap palang ako sa kaniya. Parang nawawalan ako ng sasabihin. Kahit anong pang ipon ko ng lakas ng loob, nawawala rin pag nasa harapan ko na siya.
Ganito ba talaga pag-nagmamahal? Nakukuntento sa pasulyap-sulyap. Nakaw-tingin.
Mag-smile lang siya sakin. Pakiramdam ko, ang saya-saya ko.
Ang corny mo! Hindi kayo bagay ni Nicole, dun ka sa mga daga. Bagay sa'yo ang katulad mong keso!
Hindi ako 'yan. Ang aking pong magalang na konsensya. Tss.
Nakarating na ako sa classroom. Wala pa rin siya.
-_-
Naupo na ako sa upuan ko. Si Ria? Eto, busy. Nag-re-review? Ewan kung para san 'yan. Wala naman kaming quiz ngayon. The hell I care. Buti nga, hindi na niya ako ginugulo. Anong kayang nangyari dito? Pakelam ko ba!
Sinalpak ko ang headset sa tenga ko. Nakakabadtrip talaga. 'Di hamak naman na mas gwapo ako dun! Tch.
Wala pang teacher. Break time palang kaya, meron pang 10 minutes. Anong gagawin ko sa 10 minutes na 'yan? Ang boring!
Siguro mga five minutes rin akong nagmukmok sa desk ko.
"Hahaha. Sige, mamaya nalang. Kita tayo sa park!" Napatingin naman ako sa nagsalita. Boses palang kilala ko na.
My fist want's to punch that fvcking guy! Argh. Kung makangiti naman, akala mo walang bukas!
"Sige, I'll go. See you nalang. Ingat." Tapos tinap nung lalaki ang ulo ni Nicole. Tch! Get off your hands dude. She's mine.
BINABASA MO ANG
When I Met You
De TodoKung mahal ka talaga ng taong mahal mo. Hindi mo siya kailangang habulin para lang balikan ka niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwang mag-isa.