Chapter 28.
“Okay class. Dismiss.” Nagsigawan naman ang mga kaklase ko. Sa wakas, uwian narin. Natapos na kami sa 2nd quarter exam namin. Wala ng problema. Yahoo!
Oo nga pala. Magaling na ako!
Yes.
Oo!
Wala na ang trauma ko at bumalik na ako sa dati. Ang saya lang, parang mas naging masaya ang buhay ko ngayon. Err–ang drama naman yata ng sinabi ko. Basta, masaya lang ako kasi magaling na ako.
Two months, two months na ang nakalipas. Maraming nagbago. May mga good news at bad news. Pero mas marami ang good news. Mehe. Bad news dahil–Mae and I will no longer stayed at same house. Kasi. Hindi ko rin alam ang dahilan. Gumising ako at may nakita nalang akong note sa ref na kay na Tita Ann na siya titira. Bigla ngang bumigat ang pakiramdam ko noong oras na iyon. Imagine? Wala na akong kasama sa bahay. Kung pwede nga lang, ayoko siyang umalis. Well, wala naman akong laban sa mga magulang niya. Magulang niya iyon e.
Ito pa, bi–bi–fine! Nabenta ko na ang bahay.. Na–na sa akin naman kasi ang title ng lupa. No choice rin ako. Hindi ko naman ginustong pagbenta iyong bahay ko–bahay namin. There is a lot of memories living in that house. Mula pagkabata ko, hanggang ngayon. Kasama ko ang bahay na iyon. Actually–iyon nalang ang natitirang alaala nila Mama’t Papa sa akin. Nakonsenya ako sa ginawa ko, pero wala narin kwenta iyon. Nangyari na.
Ang mga frames at pictures namin lang ang kinuha ko. Wala pa nga akong gamit dito sa condo e. Ah, dinala ko rin pala ang TV, DvD sets, refrigerator, cabinets which was my closet cabinet, sofa at dining tables and chairs. Naiwan lahat-lahat ng gamit ko. Ajujuju.
Good news dahil–tapos na ang quarter exam namin ngayon! Tapos na ang pag-re-review namin.
Awut-wut.
Ber months na! Lumalamig na nga ang panahon. Malapit na ang pasko. De joke, haha. Excited lang ako.
Dumiretso ako sa Mall para magliwaliw. Namiss ko kasing lumabas e. Puro libro at notebook ang kaharap ko.
Maraming tao ngayon. Ano kayang meron? Ordinaryong araw lang naman ngayon. Marami akong lovers na nakikita sa paligid. Puro puso na nga e. Marami rin akong nakikitang mga studyante. Hindi ko naman matukoy kung schoolmate ko sila kasi nga, wala kaming permanent uniform. Kaming mga fourth years lang ang wala. Ang unfair nga e. Kung kelan graduating na kami.
Pumunta ako sa World Of Fun. Ang dami ring tao. Grabe naman. Hindi naman pasko or what so ever ngayon. Ang grabe naman nila. Naglaro ako ng Battle Of The Bands game, kung saan ang computer ang kalaban mo. Eh ako, nakailang try ako pero hindi pa ako nananalo. Tanggalin ko ‘tong saksakan ng computer na‘to e.
Dahil nagsawa na ako sa BOTB, pinuntahan ko naman ang Follow The Steps game. Ito naman, hanggang 4 people lang ang maximum. Simple lang naman, gagayahin ko iyong nasa malaking TV tapos ayun na. Medyo nag-enjoy ako kaya sampung beses akong nag-try. Ang dami ngang nanunuod sa akin e. Pero hindi ko nalang sila pinansin.
Sunod kong pinuntahan ang Catch The Toys game, ito naman iyong may kukuhanin kang mga teady bears tapos isu-shoot mo doon sa labasan. Nakailang try rin ako. Pero isa lang nakuha ko.
At ito ang pinakagusto ko dito sa WOF, ang Shoot The Ball game. Isa siyang maliit na basketball shooter. Tapos, mga 1 meter lang ang layo mo sa ring. Hahaha. Ang tanda ko na. Lahat ng mga bata dito sa WOF nanunuod sa akin. Okay, head-turner lang ang peg ko.
Halos nalaro ko lahat ang games dito. Sobrang pagod, kahit pala mag-isa ka lang. Pwede ka paring mag-enjoy. Pero mas masaya parin kasi kung may kasama ka.
BINABASA MO ANG
When I Met You
RastgeleKung mahal ka talaga ng taong mahal mo. Hindi mo siya kailangang habulin para lang balikan ka niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwang mag-isa.