Chapter 27.
“Huy, gising na!”
Ano ba iyan, ang hirap gisingin ng lalaking ito! May klase pa siya. Baka malate siya! 6:45 am na! Jusko po.
Teka–bakit ba? Anong pakialam ko sa kaniya?
Suko na ako. Ayaw magising ng lolo niyo. Lalabas na sana ako ng bigla niya akong higitin, na dahilan para matumba ako at makatabi siya.
“I’ll not go to school, babantayan kita.”
After that, yayakapin niya na sana ako. Pero bago niya ako mayakap, tumayo na ako at hinampas ang damit niya sa mukha niya. At dahil sa paghampas ko, nagising siya. Punyemas na lalaking ito! Hinawakan daw ba naman ako? Argh!
Biglang uminit ang ulo ko at umakyat lahat ng dugo sa mukha ko.
“Good morning.” Ngumiti siya. At ako?
Sinampal ko lang naman siya. Yes. Oo. I slapped him. Hinawakan niya ako e.
Pero imbes na magalit siya, ngumiti lang siya.
“I’m sorry.”
Tumayo siya, wala pa siyang suot na da–what?!
TOPLESS SIYA?!
This time, itinapat ko ang kamao ko sa kaniya at sinuntok siya sa mukha. Serves you right, pervert.
Kaagad akong tumakbo papuntang banyo, hindi sa banyo ko kung hindi sa banyo ni Mae. Nandoon siya e, alam niyo na. Tuloy-tuloy lang ako sa kwarto niya. Teka? Bukas na naman? Uso mag-secure ng room Mae. Burara talaga.
Nakahilata pa ang loka sa higaan niya. Malamang sa malamang puyat iyan. Siguro, dahil nakausap niya si Terrence kagabi?
I don’t care. Sounds bitter?
So, pumunta ako sa banyo niya at naligo. Buti nalang pala may spare keys ako ng mga CRs dito sa bahay. Well, si Mae rin pala. Minsan kasi nagpa-duplicate kami ni Mae ng mga susi, incase of emergency. Okay, dami kong sinabi.
Natapos siguro ako ng 7:00 am. Nag-enjoy ako sa tubig. Bumaba na ako. Ako muna ang mag-luluto ng breakfast. Sinipag ako e. Pero nawala sa isip ko ang magluto ng may maamoy akong–bacon? Binabawi ko na ang sinabi ko, kakain nalang pala ako.
“Ang bango!” Kaagad akong tumakbo sa kusina. Napatigil ako ng makita ko na naman siyang–topless. Juice ko! Tinakpan ko ang mga mata ko, pero no sense rin. Dahil nakita ko na kanina lang.
Ano kaba Shin! Ang pervert mo!
“O-oy! Magbihis ka nga!” Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad papuntang kwarto. Parang nawalan ako ng ganang kumain. At hindi ko alam ang dahilan. Weird.
Nagdecide akong matulog nalang. Kung pwede lang ayoko munang magising. Gusto kong matulog.
Napatingin nalang ako sa kisame.
“Aray.” Ang sakit ng ulo ko. Parang iniipit. Ahngsahkit.
Pumikit nalang ako at ininda ang sakit. Pero saktong pagpikit ko. Nag-flashback ulit sa akin ang nangyari. Gusto ko ng mabura iyon! Ano ba? Sabihin niyo nga, sino bang gustong maalala ang mga ganoong pangyayari? Wala naman diba? Wala!
“Ahhhhhhhh!” Bigla akong napatayo, kinuha ang ano mang bagay na madampot ko at ipinukol sa ulo ko. Ano ba! Ang sakit ng ulo ko, ang sakit sakit.
“Shin!” Pilit niyang inaagaw ang hawak ko. Pero hindi ko binibitawan.
“Let me! Ano ba! Ang sakit ng ulo ko.” Medyo huminahon na ako pero parang hindi parin. So, gumaganyan ka na ngayon Shin?
“Stop! Stop it! Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo!” Bigla ko namang nabitawan ang hawak ko at doon ko lang narealize na kutsilyo pala iyon. Biglang kumirot ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
When I Met You
RandomKung mahal ka talaga ng taong mahal mo. Hindi mo siya kailangang habulin para lang balikan ka niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwang mag-isa.