Chapter 24.
Note: From now on, POVs of the characters will not be change. It's only Shin/Nicole's point of view. Continue reading :]
-
"Okay, class dismiss." Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at naglakad palabas. It's been two weeks. Nakauwi na kami galing Seoul. Sad to say dahil hindi kami nagtagal ng one week doon. We just stayed there, four days to be exact. May sudden emergency daw kasi ang companya nila Tita at Tito. Kaya kailangan nilang umuwi. Sinabi pa nga ni Tita na iwanan nalang daw nila kami sa Seoul para sulitin namin ang one week trip doon. But we refused, kahit na ilang days pa iyan. I didn't bother, 'cause there is a always next time.
I stopped thinking when two guys standing at front of me. Who are they?
"Hey, let's go?" Yaya sa akin ng dalawang taong nasa harap ko. I nodded. Well, I have no choice to choose. Sa ayaw at sa gusto ko, sasama ako sa kanila. Nakakatakot kasi ang mga aura nila. Na para bang kaya nilang pumatay ng wala sa oras.
Tahimik lang akong naglalakad. Nakasunod sila sa likuran ko na para bang binabantayan ang bawat galaw at kilos na gagawin ko. What's wrong with these two guys? Hindi ko sila kilala pero sumama ako sa kanila. Mukha naman kasing mababait ang mga loko.
Nang makalabas kami ng school ground. Dumiretso kami sa parking lot, pinasakay naman nila ako sa isang pink na van. Bongga ang mga kuya, pink talaga. Well, I have no time to think about those nonsense stuffs. Kailangan kong isipin kung saan nila ako dadalhin.
Kanina pa ako nag-iisip. Kanina pa ako kinakabahan. Kanina pa ako natatakot. At ngayon, mas lalong tumindi ang mga iyan. Parang gusto kong sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses, gusto kong lumakad pabalik sa school, gusto kong sabihing pakawalan nila ako. Pero wala, kahit isang salita walang lumalabas sa bibig ko. Ang mga paa't kamay ko na parang na mighty bond dahil hindi makagalaw. Hindi na ako humihinga dahil sa takot. Pero siyempre, joke lang iyong panghuli. Gusto niyong namatay na ako. Ano ka ba naman Shin, nakukuha mo pang makipagbiruan sa lagay na ito? Punyeta ka talagang babae ka. Sabi ko sa sarili ko. Aish, oo na. No jokes, no charots, just be serious Shin!
"Mga koya, saan niyo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa dalawang lalaking nasa tabi ko. Graveycious ang mga itey. Ang lakas ng mga mysterious effects nila. Okay, sila na talaga. Akala ko hindi nila sasagutin ang tanong ko. Pero akala ko lang pala iyon.
"Basta, huwag ng maraming satsat." Sabi ni Kuyang na naka-blue T-shirt. Tinakpan ko nalang ang bibig ko, baka ano pang masabi ko sa mga ito. Nagtatanong lang ang tao e.
Tahimik lang ako buong biyahe. I didn't dare to talk. Baka mawalan pa ako ng dila ng wala sa oras. Biglang huminto ang sasakyan at nagsibabaan na ang mga lalaki. Pero naiwan parin ako sa loob at nakatingin lang ng diretso siya daan. Ayokong tumingin at ayokong lumabas. Baka paglabas ko bigla akong sugurin ng mga kasamahan nila at bugbugin ako. O kaya naman ilibing nila ako ng buhay. Lord please, mahal ko pa ang buhay ko at marami pa akong mga pangarap na dapat matupad. Iligtas niyo po ak-
"Bababa ka ba riyan o bababa ka?" Banta ng dalawang lalaki sa akin. Ano pa bang choice ko? Ang galing lang magbigay ng choice. Bravo, hindi ako makapili. Note the sarcasm here.
"All of the above." I grinned. Bumaba na ako sa van. "Mga punye-" Natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang nasa harapan ko. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa ko. Seriously?
"A.. Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko na pilit paring pinipigilan ang tawa na gusto ng kumawala. Ang angas ng dating noong dalawa pero sablay pala.
"Hahahahaha." Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Ang epal lang. Muntik na akong maatake sa puso ng dahil sa takot, nerbyos at kaba. Tapos ito lang ang kahahantungan ng lahat? Sayang lang effort ng feels ko.
BINABASA MO ANG
When I Met You
AcakKung mahal ka talaga ng taong mahal mo. Hindi mo siya kailangang habulin para lang balikan ka niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwang mag-isa.