Chapter 12.

153 12 1
                                    

Mae's POV

"Kainis ka Mae! Tss!" Kahapon niya pa sinabi 'yan. Haha. Ano ba kasing magagawa ko? Eh wala rin akong pera eh. Asa naman siyang manlilibre ako dun.

"Shut up. Tsh." Sabi ko nalang at nagpatuloy ng magdrive paputang school. It's Friday. And ewan, pero tinatamad talaga ako. Wala naman akong Friday sickness eh.

"Ahhh! Kasi naman." Tumingin ako saglit sa rear mirror. Nagiging mannerism niya na 'yung guguluhin niya ang buhok niya. Nababaliw na ba 'to?

"Tss." Hininto ko na 'yung kotse since nandito na kami sa school. Nagpark na ako.

Ang bilis namang maglakad nito. Tss. Hinabol ko siya, ang bilis kasi.

"Hoy babae. Ano ka ba naman. Kahapon kapa ganyan ah. Kahapon, hindi ka mapakagsalita ngayon naman nagmamadali ka. Ano bang problema?"

"Eh kasi... basta! Tara." Tapos hinigit niya ako kung saan. What's happening on this girl? Is she insane or takas mental? Nah.

1..

2..

3..

Waley.

"May sasabihin ako sa'yo!" Sabi niya sabay naupo na kami dito sa garden. Favorite spot.

"Ano ba 'yun? Nakakainis ka ha." Sabay batok ko sa kaniya. :">

"Aray naman. Oo na. Makinig ka lang ha? Walang sasabat or magtatanong. Understand?"

"Oo na. Psh."

"Ganito kasi 'yun..." Umayos siya ng upo. And she do her mannerism. Whatever.

"Naalala mo ba 'yung nagkwento si Lance tungkol sa childhood days niya--"

"Ah! Oo naalala ko. Sinabi niya pa nga 'yu--aray!" Sabay himas ko sa pisngi ko. Paano ba naman, sinampal ako. Tss. Sadista talaga.

^____^V Siya

=____=+ Ako.

"He-he. Kasi sabi ko sa'yo huwag kang sasabat eh." Tapos nagpeace sign ulit siya.

"Tss. Oo na, ge. Kwento."

--

"Waaaaa? Really? Siya si Lanlan?" Amazed na tanong ko. Err. Ewan ko kung bakit nakalimutan ko rin siya. Pero, happy to say dahil buhay pa pala siya. Hoho.

"Yup." She nodded then smile.

Ganon pala 'yun. Kaya tinatawag siyang 'Nicole' ni Lance. Tapos 'yung picture pa na magkasama sila.

Namimiss ko 'yung mga days na 'yun! No problems, no assignments, no responsibilities,  no pain, no school.

*sighs*

How I missed my childhood days, kung pwede nga lang bumalik sa nakaraan. Babalik ako.

"Yieh. Naalala ko pa 'nun! Crush ka ni Lance, kaso tinawanan mo lang daw siya. Sakit naman 'nun. Crush palang broken na siya. Hahaha." Biro ko sa kaniya. Oo, that time kasi, may gusto sa kaniya si Lance. Eh saksakan ng torpe ang isang 'yun. Kung hindi ko lang pinrangka, hindi pa magsasalita eh.

"Shatap. Akala ko kasi nag-papatawa lang siya e. Teka? Bakit ko ba sinasagot 'yang walang kwento mong tanong? Like the hell I care. Psh." Sabi niya at ginulo ang buhok. Infairness, ang cute ng mannerism niya. Hoho.

"Tss. Taray. Naka-ilan ka na bang ganyan sa buhok mo? Taray mo ha! Mannerism. Kelan pa 'yan?" Ang sarap kasing asarin. Pikunin eh. Haha.

Nagsalita ang hindi..

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon