Chapter 29.
Natulala lang ako sa ginawa niya. Am I dreaming? Jusko, bakit naman sa harapan pa ng maraming tao? Pwede namang sa private plac–
Uy, wala akong sinasabi ah!
Bakit sa harapan pa ng maraming tao? He kissed me! He kissed me, for pete’s sake! Gosh, I can’t take it anymore.
Yumuko nalang ako at naglakad na papunta sa classroom namin. I think, 15 minutes rin ako nakatunganga doon. Kakainis kasi.
Ang init ng pisngi ko.
Mapula pa ako sa kamatis.
Takteng Lance na ‘yan!
“Shin~!!” Napalingon ako sa tumawag sakin. And my lips suddenly formed into a wide smile.
“Mae!” I hugged her.
“I miss you.” Nagpout siya at yinakap ako pabalik. Namiss ko ‘tong babaeng ‘to.
“Aish.” Sumimangot siya. Kumawal na kasi ako sa pagkakayakap. Narealize kong nasa harapan pala kami ng mga estudyante. Magpagkamalan pa kaming lesbian.
“Halika na nga. Di bagay naka-simangot sayo.” Hinila ko na siya palakad sa classroom.
“Shin, ang ganda ng hairstyle mo. Inggit ako.” At nagpout na naman siya.
“Psh. Talk to you later.”
Nag simula na ang klase namin. Actually, 2 subjects lang pinasukan namin ngayong umaga. Tapos 1 subject lang sa hapon. Busy kasi ang mga Teachers dahil dito sa school namin gaganapin ang kauna-unahang High School Festival. Swerte kami dahil school namin ang napili. Pero hassle rin dahil busy na lahat kami. Lalo na ang mga fourth years, kami kasi ang parang mga Seniors dito sa school. Kami lahat ang nag-li-lead. Sa mga programs, school fairs, school fest at iba pang mga okasyon.
Well, hindi naman masyadong bongga ang celebration na gaganapin. Simple lang. Lalaban ang mga Varsity namin sa Basketball, sa Volleyball, sa Sepak Takraw at sa Chess. Todo ang practice ng mga lalaban. Nakakahiya rin daw kasi na matalo ang school namin, lalo na’t dito gaganapin ang School Fest.
I never joined any activities here in our school. Mas priority ko kasi ang pag-aaral. And besides, hindi rin ako makakapagfocus. I hate being busy.
Nandito kami sa garden. Katatapos lang ng klase namin ngayong hapon. 3:30 pm na, medyo maaga pa kaya magistay muna kami dito.
“So. Kamusta na?” Panimulang tanong ni Mae sa akin. Sasagot na sana ako ng may yumakap sa akin.
“Ehem. May hindi ba ako alam dito?” Taas na kilay na tanong ni Mae.
“Huy, bitawan mo nga ako.” Walang emosyon na sabi ko.
“Ayaw. Namiss lang kita.”
“Isa.” Poker face na sabi ko.
“Dalawa.”
“Josh, ano ba?” Naramdaman kong kumawala na siya sa akin. Good. To be honest, ayoko munang makipag-usap sa kaniya. Naiinis parin ako sa nangyari kanina. Eh kung nakita kami ng Principal? O kaya ni Ma’am Guidance? I’m pretty sure na mapapalayas na kami sa school na ‘to. As if naman hahayaan kong mangyari ‘yun.
“Sabi ko nga.” Umupo siya..sa tabi ni Mae. Subukan niya lang akong tabihan, magiging jelly ace iyan. Psh.
“No comment.” Poker face na sabi ni Mae at tinuloy na lang ang pagkain. At ako? Wala, soundtrip lang.
“Teka–kayo na ba?” Bigla akong nasuka kahit wala naman akong maisusuka. Grabe, kami? Lance and me?
“Hindi. Asa ‘teh.” Emphasizing the “asa”.
BINABASA MO ANG
When I Met You
RandomKung mahal ka talaga ng taong mahal mo. Hindi mo siya kailangang habulin para lang balikan ka niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwang mag-isa.