Simula

28.1K 301 6
                                    

Trixie's P.O.V

"Maraming salamat po talaga Doctora sa pagligtas niyo sa anak ko hindi ko po talaga Alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa buhay ko"

Napangiti nalang ko nang marinig ko ang mga katagang yun sa isang matandang Babae na sinugod kaagad ang anak na lalaki dito dahil sa mataas na lagnat nito, matagal na palang may dengue ang anak niyang lalaki mabuti nalang at naagapan ko kaagad ang kanyang sakit

Hinaplos ko ang kanyang likod para maibsan ang kanyang pag luha kanina pa kasi siya umiiyak dito sa hospital dahil sa nanyari sa kanyang anak, agad ko naman siyang tinabihan sa upuan habang hinahaplos parin ang kanyang likod

"Walang anuman po iyon, trabaho ko ang mag ligtas nang buhay, wag na po kayong umiyak nay maayos na po ang kalagayan nang anak ninyo, baka po kayo naman ang magkasakit sa pag iyak ninyo" sabi ko sakanya habang hinaplos parin ang kanyang likuran

"Napakabuti mong bata Iha marahil tuwang tuwa ang magulang mo na magkaroon nang anak na katulad mo, mabait ka na iha maganda ka pa at may puso ka sa mga taong nangangailangan nang tulong" sabi saakin ni inay habang hinahawakan ang aking dalawang kamay

Agad na napawi ang aking pag ngiti sa sinabi saakin ni inay, tila napansin rin niya ito

"May problema ba iha?"

"Ah. wala po nay, tayo na po tingnan natin sa loob ang iyong anak sigurado po akong hinahanap ka nang iyong anak" sambit ko nalang upang matakasan ang kanyang tanong

Ngumiti naman ito saakin at agad na tumayo at pumasok na sa kwarto kung saan dinala ang kanyang anak na lalaki sumunod naman ako sakanya

Pagpasok ko palang sa kwarto ay nakita ko na agad si inay na yakap yakap ang kanyang anak at tila kinakausap ito

Hindi nalang ko nagabala pang istorbohin silang mag-ina babalik nalang ako mamaya upang tingnan ang kalagayan nang kanyang anak

Napaisip naman ako,napakaswerte nang batang lalaking iyon dahil may pamilya pa siyang itinuturing, salat man sila sa pera, pero punong-puno naman siya nang pagmamahal pagmamahal nang isang ina, na ni minsan hindi ko naramdaman o naranasan man lang, mapait naman akong ngumiti, simula noong bata palamang ako nawalan na ako nang ina, Mayroon naman akong ama ngunit Hindi ko rin naramdaman na mahal niya ako, dahil ang kanyang atensiyon lamang ay sa aking pangalawang ina at ang anak nilang babae

Hindi rin maganda ang Turing saakin nang mag-ina niya at Alam ko na ayaw nilang dalawa saakin, at ganon din ako sakanila, bakit ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto diba? Nagsasayang lang ako nang oras

Napailing nalang ako, iwinaksi ko na ang pagiisip sa mga hindi naman importante, pumunta nalang ako sa aking sariling opisina dito sa Ospital na pinag tatrabuhan ko

Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang aking assistant nurse na si Karl o mas sikat sa pangalang Kate, siya ang nagsasabi saakin kung mayroon ba akong pasyente sa labas, mayroon kasi na sa bahay lang nila pinapagamot at ang doctor nalang ang pupunta sa kanilang pamamahay at kapag may nangyaring Ganon si karl/Kate na ang Bahala sa iba kung pasyente dito sa Ospital kapag wala ako

"Ay! Kaloka doctora mabuti naman at nandito kana" sabi niya saakin

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi

"Bakit ano ba ang problema?"

"Ay doctora wala naman ang dami lang kasing nakatambak na mga bulaklak kaninang umaga dito sa opisina mo, haba bang hair doctora gupitin natin?" naka ngiti niyang saad

Napailing nalamang ako sa kanyang sinabi

Umupo na lamang ako sa upuan na katapat nang aking mesa at kinuha ang Coat ko sa ipinatong ito sa ibabaw nang upuan

"Naku Kate Alam mo naman na wala akong panahon sa mga ganyan, trabaho muna ang aatupagin ko bago iyang pagibig na yan

"Ay kaloka! doctora paano na yung mga bulaklak?" tanong niya saakin

"Mabuti pa at ipamigay nalang natin sa ating mga pasyente kaysa naman itapon natin diba? Masasayang lang kapag itatapon natin" suhestiyon ko

"Ay mabuti pa nga doctora kung ganon" pasangayon naman niya

Agad naman akong ngumiti at binalingan na namin ang kanya kanya naming trabaho sa loob nang opisina ko

Naging busy naming dalawa nang aking assistant nurse, ngayong araw dahil medyo marami ang Naka assign saaking pasyente ngayon

Lumipas ang mga oras at medyo hindi na rin gaanong marami ang aming inaasikaso dahil ang ibang pasyente ay nasa kani-kanilang mga kwarto na at natingnan ko narin ang kanilang kalagayan kani-kanila lang

Agad naman akong tumingin sa aking relos

3:45 PM

hapon na rin pala, bibisitahin ko muna si nanay at ang kanyang anak ngayon dahil hindi ako nakadalaw kanina sa sobrang rami nang pasyente ko

Tumayo na ako sa upuan ko at sinout muli ang coat ko, napansin naman ata ni Karl ang pagtayo ko

"Asan ka Doctora?" tanong niya

"Pupuntahan ko lang ang pasyente ko kanina, at may natira pa bang bulaklak?" tanong ko

"Oo naman! Nandon doctora sa likod nang Swivel Chair mo may isa pa doon" sabi niya saakin

Tumango naman ako at pinuntahan kung nasaan ang isang bulaklak pinulot ko ito at inamoy

"Sige Karl ikaw na muna ang Bahala rito sa opisina, pupuntahan ko lang ang aking pasyente at ibibigay ko lang ito, tiyak na matutuwa sila dito sa bulaklak na ibibigay ko" sabi ko sakanya at lumabas na sa aking opisina

When Mr. Business Man fell Inlove (Montefrio #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon