Nagkakagulo dito sa bahay. Lahat ay nag-aayos dahil ngayong araw daw ang dating ng pamangkin ni Mam Mona. Nakilala ko na rin ang asawa niya na si Sir Steve. Mababait sila kaya lang ang sabi ni Cynthia yun pamangkin ay masungit at suplado. Sana lang hindi niya ako masungitan at baka lumabas ang kamalditahan ko. Pero teka hindi nga pala ako ang spoiled brat Deisirei kundi si Gilbertina ako. Kaya dapat ngiti pa rin kahit naiinis.
"Huy, Cynthia bakit kailangang stressful ang paglilinis? Para namang matagal nawala yun pamangkin ni Mam."
"Naku kung alam mo lang. Kailangan kase magagalit yun kapag magulo ang bahay."
"Kahit na. Nakikitira lang naman siya dito ah."
"Shhhh.. Huwag kang maingay. Ang alam ko kase ang mg magulang ni Sir RJ ang dahilan kaya yumaman sila Mam Mona. Sila nagpahiram ng puhunan dito. Kaya naman itong si Sir RJ ganun ka-VIP dito."
"Ah okay. Utang na loob pala."
"Huwag ka ng tumunganga at baka makita tayo ni Manang Bless. Alam mo naman yun, isa pa sa among masungit kasama nung si Sir RJ."
Nagtawanan kami. Kaya nung inabot kami ni Manang Bless na nagtatawanan, nakatikim na naman kami ng sermon.
"Hoy kayong dalawa, di kayo binabayaran para magtawanan lang dito. Magtrabaho kayo!" Yumuko na kami ni Cynthia at tumungo na sa kusina para maglinis doon.
"Ang sungit ha. Akala mo kung sino." Sabi ko.
"Hayaan mo na. Di nakatikim ng boylet nung dalaga e. Kaya ayan, napakasungit." Lalo kami nagtawanan pero wala ng sound. Mga balikat na lang namin ang gumagalaw habang pinag-uusapan ang lovelife slash sex life ni Manang Bless.
Ayokong tumandang dalaga. Ayokong magaya kay Manag Bless. Pero ayoko rin na ipakasal sa hindi ko mahal. Sadyang di ko pa nakikita ang lalaking magpapatibok ng puso ko.
•••••
Sumakit ang tiyan ko dahil sa sobrang gutom. Di kase muna kami pinakain dahil kailangan daw muna namin tapusin ang ginagawa namin. Kaya naman ng matapos ito ay pumasok muna ako sa maid's quarter.
"Ina, baka mahuli ka ni Manag Bless. Nandiyan na sila Mam Mona. Halika na sa labas. Sasalubungin daw ang prinsipe."
"Sabihin mo nasa CR ako. Ang sakit talaga ng tiyan ko e."
"Bahala ka."
"Sige na. Please icover mo na lang ako. Ang sakit talaga ng tiyan ko. Di ako sanay ng nagugutom kase ang mga katul... ah este ang mga katulad kong masisipag palaging kumakain on time."
"Dami mo pang sinasabi. Sige ako na bahala. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo."
"Sige salamat."
Lumabas na siya. Buti na lang di na niya ako pinilit. Naghiga muna ako at namimilipit ako sa sakit ng tiyan. Di ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang sakit.
Naramdaman ko na lang na ginigising ako ni Manang Bless.
"Kaya pala wala ka kanina pa, andito ka lang at natutulog. Daig mo pa ang donya. Bumangon ka diyan. Napakatamad mo! Kebagu-baho mo, ganyan ka na!" Napabalikwas ako ng bangon.
"Sorry po, Manang. Masakit po kase ang tiyan ko."
"Wala akong pakialam. Lumabas ka doon at maghain ka ng pagkain. Nandoon na si sila Mam Mona."
At kahit hindi ko kaya dahil sa sakit ng tiyan ay bumangon ako. Napakasama talaga nitong matandang ito. Kung gaano kapangit ang mukha niya ay ganun din ang ugali niya.
Kahit nmimilipit, pinilit kong gampanan ang tungkulin ko. Naghanda ako ng mga plato at kubyertos para ilagay sa hapag kainan. Pinatayo kami sa gilid ni Cynthia para kung may kailangan daw sila Mam ay nakahanda kami.
"Okay ka na ba? Namumutla ka na."
"Ang sakit talaga. Pero tinitiis ko lang."
"Hayaan mo na. Masama talaga ugali ng mayordoma na yan. May araw din yan sa atin."
Hinintay na namin ang pagbaba nila Mam. Ilang sandali lang ay bumaba na sila at umupo na sa hapag kainan.
"Ina, ayos ka lang? Bkit maputla ka?" Tanong ni Mam Mona.
"Wala lang po ito. Nahilo lang po ako kanina."
"Magpahinga ka na kaya muna."
"Kaya ko pa po. Kapag hindi na, sasabihin ko po."
"Sigurado ka?"
"Opo." Di pa sila nagsisimula dahil wala pa yung pamangkin ni Mam. Maya-maya ay dumating din ito.
Di ko maaninag ang mukha niya kase unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko sa sobrang sakit ng tiyan ko at gutom.
Ang mga sumunod na nangyari ay di ko na alam. Basta ang huli kong naaalala ay patumba na ako at sinalo ako ni Cynthia.
Iyon lang at lahat ay nagdilim.
A/N Lapit na sila magkita. Magsimula na ang istorya nila Ina o Dei at RJ.
No proofread.
BINABASA MO ANG
Maid in Makati (Completed)
RomanceA MaiChard Romance story about two person entangled in a web of lies. Disclaimer: This is purely fanfiction. Anything related to real life is just coincidence. This is my personal prompt. Not in anyway related to any stories posted here in Wattpad...