Bumalik na sila Mam Mona. Sa wakas. Hindi rin kami gaanong makapag-usap ni RJ dahil laging nakabuntot ang nanay niya. Mabuti rin naman kase nalalayo ako sa kaharutan.
Mahirap din kasama ang nanay ni RJ. Lahat na lang sinusungitan. Si Cynthia nasampulan dahil nagkaroon ng konting sunog ang porkchop na niluto niya. Ayun sandamakmak na sermon. Naiiyak na nga si Cynthia dahil tinawag siyang tanga. Naawa naman ako kay Cynthia. Inutusan din kase siya ni Mam Mona na mag-akyat ng tubig para kay Sir Steve. Kaya ayun,nasunog ang porkchop. Kahit naman konti lang at di gaanong sunog. Naglalaba din kase ako sa washing machine ng mga oras na iyon kaya di ko alam na may niluluto siya. Kawawa naman ang kaibigan ko.
Pero ngayong araw, mapapahinga kami kase nga wala ang Mommy ni RJ. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang lahat. Pati si Mam Mona ay nakahinga.
"Ibang klase talaga yang bruhang si Matilda. Kundi lang dahil sa kuya ko, papalayasin ko na yan dito e. Ang saya na nga natin, kundi lang siya dumating." Bungad ni Mam Mona sa amin nung pumasok ito sa quarters namin ni Cynthia.
"Mam, okay lang po. Sana lang umuwi na siya sa Amerika. Hindi siya nakakatuwa." Sagot ni Cynthia.
"Tumpak ka diyan. Pero alam mo parang malabo pa na umalis yan dito. Paano ba naman ay may kameeting daw na college friend tungkol sa business. Parang balak magtayo ng negosyo niya dito. Sana lang humanap na siya ng sarili niyang bahay. Kakastress siya sa buhay aba!"
"Sinabi ninyo pa!" Sagot ni Cynthia. Nakikinig lang ako sa kanila.
"Ikaw Ina, mag-ingat ka. Alam ko nililigawan ka ng pamangkin ko. Pero di sa tinatakot kita, mahirap maging biyenan yang hipag ko. Napakasama ng ugali."
"Naku Mam, di naman po kami."
"Maniwala ako sayo. Umamin ka nga." Sabi pa niya.
"Naku, di aamin yan Mam. Kahit ako ayaw sabihan e."
"Basta binalaan kita Ina ha. Lakasan mo pasensiya mo diyan kay Matilda. Kakabuwisit yan."
"Opo Mam. Tatandaan ko po."
"O soya magpahinga na kayo. Sa isang araw pa daw ang balik. Kaya party-party tayo bukas." Nagtawanan kami. Si Mam Mona talaga ay kwela.
Pero kinakabahan ako. Hindi dahil sa alam kong aayawan ako nito kundi dahil ayokong patulan sakaling maliitin ako. Di ko pa naman matatanggap iyon. Baka umalis akong bigla.
•••••
Kasama ni RJ ang Mommy niyang umalis. Pumunta ata sila ng Taguig. Makikipagkita daw yung Mommy niya sa kaibigan. Nagtext siya sa akin dahil di nga daw siya makatakas at laging nakabuntot ang Mommy niya. Wala naman kaso sa akin. Basta ang mahalaga, alam kong mahal niya ako.
Pero akala ko mamaya pa siya uuwi. Nagkamali ako kase inihatid lang pala ang nanay niya. Naamoy ko na kase siya habang palapit siya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya at nagpretend ako na di ko alam.
Nagpatuloy ako sa pagwawalis ng bakuran ng bigla na lang niyang takpan ang mga mata ko.
"RJ, ano ba!!"
"Sorry. Isorpresa kita e."
"Alam ko kaya ang amoy mo. Ayan ang lakas ng pabango mo!" Inamoy naman niya ang kamay niya.
"Namiss kita babe. Namiss mo ko?"
"Magkasama tayo sa bahay, Okay ka lang?"
"E di naman tayo nagkikita. Miss na miss na kita. Magdate tayo."
"Hindi pwede. Bantayan mo muna yang Mommy mo."
"Matanda na siya. Kaya na niya yun."
"Kahit na. Mahirap kapag nahuli niya tayo. Mawawalan ako ng trabaho."
BINABASA MO ANG
Maid in Makati (Completed)
RomanceA MaiChard Romance story about two person entangled in a web of lies. Disclaimer: This is purely fanfiction. Anything related to real life is just coincidence. This is my personal prompt. Not in anyway related to any stories posted here in Wattpad...