19

2.6K 184 10
                                    

Nagloloko siguro ang Wattpad. Nakapublish na yung Chapter 18 pero eto na naman, nawawala. Pasensiya na po. Ako man ay naiinis.

Inayos ko ang upo ko. We were driving to God knows where. Tumingin lang ako sa labas. I tried to listen to the music played sa radio. Basta whatever is in his mind, di ko alam. I don't want to assume tbings. Baka nga gusto lang niyang magpahangin. And isa pa, I have ghosts in my closet kaya wala akong karapatan mahulog sa kanya. Not unless I show the real me.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Wala naman Sir. Iniisip ko lang kung anong iniisip nila Cynthia sa ginawa nating pagtakas."

"Ina, you're old enough. Bakit natatakot ka na umalis tayo. Wala ka namang dapat pagpaalamanan."

"Pero Sir dapat natutulog na ako. Bukas maraming trabaho."

"Ayos lang yun. Ako bahala kay Tita. Hindi mo kailangan bumangon ng maaga."

"Kayo bahala, pero ako ang kawawa."

"Don't worry. Ako bahala. Promise."

"Okay. So saan tayo pupunta?"

"Doon tayo sa Antipolo. Madaming bar doon sa tabi ng overlooking."

"Ah ganun po ba?"

"Oo. So relax ka na ha?"

"Sige po."

Nagdrive na siya patungo ng Antipolo. Ang saya lang. Binuksan ko ang bintana para malanghap ang simoy ng hangin sa labas na tumatama sa mukha ko. Namiss ko tuloy ang gimik days namin nila Ava at Tina. Saan na kaya sila? I hope masaya sila sa buhay.

"We're here. Tara." Nakarating kami sa Antipolo. May mga kubu-kubo. Bumaba ako sa sasakyan. Siya naman ay nakatayo sa harap ng kotse. Hinihintay akong lumapit.

"Will you trust me?"

"Teka, Sir kung anong balak mo, hindi ako bibigay. Binabalaan kita."

"Anong sinasabi mo?"

"Anong sinasabi mong will you trust me?"

"Ah yun ba? Kase nga matarik ang pababa dun sa kubo na pupuntahan natin. Kaya humawak ka sa kamay ko. Iyon yun sinasabi ko." Naku napahiya pa tuloy ako.

"Sorry po. Kala ko kung ano na. Bakit tayo pupunta doon?"

"Doon kase mas maganda. Tara na." So naglakad na kami. Inaalalayan pa niya ako. Kinikilig ako pero sabi ko sa sarili ko, kumali ka puso ko.

Tunay ngang maganda ang lugar. Yung kubo na sinasabi niya ay nasa gilid ng bundok. Ang bar kaseng ito ay nasa tabing bundok at tanaw ang buong Kamaynilaan.

"Ang ganda naman dito. Lagi ka dito, Sir?"

"Hindi naman. Pero minsan dito kami nag-iinom nila Je."

"Ah okay."

"So anong gusto mo? Iinom ka pa ba?"

"Ayoko na Sir. Pwede bang Juice na lang."

"Sige. Masarap din ang Sisig dito at yung Tokwa't Baboy."

"Kayo bahala Sir. Wala akong dalang wallet kaya ayokong umorder."

"Di ko naman sinabi na  magbayad ka."

"Sorry, nasanay ako sa KKB."

"Ano yung KKB?"

"Kanya-kanyang Bayad."

"Ano ka ba?! Ako nga nagyaya sayo dito tapos magbayarin kita? Sagot ko iyon."

"Ah okay. Salamat. Ang engot ko minsan no. Forxe of habit kase e."

Maid in Makati (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon