Pumasok na kami sa kwarto ni Cynthia. Ilang sandali lang kami nagkwentuhan matapos maligo ay nakatulog agad ako. Di talaga ako sanay sa gawaing bahay. Napagod ako ng sobra.
Knabukasan maaga kami nagising para linisin ang mga kinalat ng mga bisita ni Sir RJ. Si Cynthia ang nagluto ng almusal samantalang ako ang nag-ayos ng mga pinag-inuman at pinagkainan ng mga bisita.
Madami silang naiwan na kalat kaya bago ako nakakain ng almusal ay pagod na ako.
"Maglalaba tayo. Isabay mo na yung damit mo sa labahin ko. Pagkatapos nung mga damit nila Mam, isunod na natin yung atin. Wala na rin akong uniform. Mapapagalitan tayo ng bruha kapag di tayo nagsuot ng uniporme." Sabi ni Cynthia.
"Okay."
"Bilisan mo na kumain at ubusin mo lahat yan. Baka dumating na ang amo nating ilusyunada na akala mo siya talaga nagpapasweldo sa atin. Alam mo naman yun, nauuna pa si Mam Mona magising. Siya kaya ang tamad."Dagdag pa niya.
Dalawa lang kaming maid na kumikilos. Si Manang Bless ay taga-utos lang. Si Buboy naman ang driver. Kaming apat lang ang kasambahay dito sa mansiyon. Medyo malaki din ang bahay kaya mahirap ang mga gawain.
Habang nagkakape ako ay sinisimulan na ni Cynthia na magsalang ng labahin.
"Wala pala si Sir."
"Oo diba? Nasa Batangas."
"Hindi! Si Sir RJ." So di pala ito natulog sa bahay. Malamang kasama niya yung babaeng haliparot.
"Baka sumama sa mga barkada niya. Si Mam Mona nasaan?"
"Tulog pa iyon. Tanghali na rin kase magising dahil may insomnia."
"Eh yung isang feeling amo natin?"
"Speaking of the devil. Naririnig ko na yun yabag. Parang lindol" Nagtawanan kami.
"Sinong pinagtatawanan ninyo?" Tanong ni Manang Bless.
"Ah wala po."
"Mga talandi! Di kayo binabayaran para magtsismisan at magharutan!" Singhal nito.
"Grabe kayo sa talandi. Masama bang tumawa?" Sabi ni Cynthia.
"Oo! Wala kayong karapatang tumawa!"
"At sino ka naman para pigilan kami?"Di na nakapagpigil si Cynthia.
"Aba sumasagot ka na ha! Gusto mong sisantihin kita?"
"Helloooo! Di ikaw ang amo namin! Kaya tigilan mo na pagmamaltrato sa amin. Puno na ako sayo!" Sagot ni Cynthia.
Akmang sasabunutan ni Manang Bless si Cynthia laya pinigilan ko ito. Ako tuloy ang nasapok. Ang sakit ha! Naaupo ako.
"Sige subukan mo!" Hamon ni Cynthia.
Magpang-abot na sila ng lumabas si Mam Mona.
"Ano ito? Ang aga aga nagsisigawan kayo!" Sigaw na rin ni Mam.
"Yan kaseng si Cynthia nahuli ko na pinagtsitsismisan kayo ni Steve. Sinita ko lang!" Sumbong ng sinungaling na ale.
"Di yan totoo! Sinungaling kang matanda ka!" Susugurin sana ni Cynthia pero pinigil ko.
"Magsitigil kayo! Ina! Anong nangyari?"Awat ni Mam.
Tinitigan ako ng masama ni Manang Bless. Pero pagkakataon na namin ito.
"Mam naglalaba po kami ni Cynthia nung dumating si Manang. Tapos po nagtatawanan kami."
"O diba? Ayan umamin na yang Ina na yan na pinagtsitsismisan kayo!" Singit ng bruha.
"Hindi po namin kayo pinagtsitsismisan. May pinag-uusapan lang po kami ni Cynthia pero di po kayo yun. Yang si Manang Bless po ang gumagawa ng kwento."
"Totoo ba Blessilda iyon?"
"Sinungaling ka Ina!" Singhal ni Manang.
"Di kami sinungaling! Kayo ang sinungaling. Mam, pinahihirapan po niya kami kaya walang tumatagal na katulong dito. Itanong pa po ninyo kay Sir RJ." Kwento pa ni Cynthia.
"Kayo ang sinungaling. Subok na ako ni Ramona."
"Mam, minsan po di kami pinapakain ni Manang Bless hangga't di pa tapos ang gawain. Kaya nga hinimatay si Ina nung dumating si Sir RJ e." Dugtong pa ni Cynthia.
"Totoo ba yun Ina?" Tumingin muna ako kay Manag Bless na nagbabanta sa pamamagitan ng tingin. Pero ayoko na talaga paapi sa tulad ng taong ito kaya sasabihin ko ang totoo.
"Opo Mam. Minamaltrato kami ni Manang Bless." Iyon lng at napabuntong-hininga si Mam Mona at Cynthia.
"Blessilda, madami ng pumasok na katulong dito, sandali lang umaalis na. Itong si Cynthia na lang nagtagal. Baka nga tama ang sinasabi nila na minamaltrato mo sila."
"Mam di po totoo yan. Alam mo yan. Sinungaling lang ang mga babaeng yan."
"Di kami sinungaling!" Sigaw ni Cynthia.
"Blessilda, alam ko." Nakita kong nangisi si Manang Bless na akala mo nanalo sa lotto.
"O ngayon? Sino sinungaling sa atin?" Pagyayabang ni Manang Bless na ang laki ng ngisi sa labi.
"Alam ko na nagsasabi sila ng totoo. Matagal ko ng alam na minamaltrato mo lahat ng maid dito. Pinagbibigyan lang kita pero ngayon, hindi na tama. Kaya wala akong magagawa kundi sabihin sayong huling araw mo na ngayon." Nagulat kami. Sa wakas, makakapagtrabaho na kami ng maayos.
"Pero Mam Mona. Sampung taon na ako ditong nagsisilbi. Bakit ako aalis?"
"Ibibigay ko na yung huling sahod mo. Pasensiya na pero ayoko naman na maawa pa sayo. Di ka naman naawa sa mga kasamahan mo. Kaya ikaw ang dapat umalis." Iyon lang at pumasok na si Mam Mona.
"O ano ka ngayon? Buti nga sayo!" Sabi ni Cynthia.
"Humanda ka! Humanda kayong lahat!"
"Nakakatakot...Sige hihintayin ko ang banta mo matanda ka!" Pang-aasar pa ni Cynthia. Nakatingin lang ako sa kanila.
Iyon lang at padabog na umalis si Manang Bless.
"Sa wakas, malaya na tayo."'
"Salamat naman. Pero Cynthia, tama na. Basta magtrabaho na lang tayo. Dami pa natin gagawin."
"Tama ka diyan. Basta wala na ang demonyitang matandang iyon. Kaya sasaya na buhay natin."
Sa wakas, aalis na si Manang Bless. Mabawasan na ng pahirap sa buhay. Pero naaawa naman ako sa kanya. Saan kaya siya pupunta? Kung sana hindi siya naging masama sa mga kasamahan niya, di sin sana nandito pa rin siya. But then di ko na problema iyon. Problema na niya iyon.
A/N No proofread. New Characters to be introduced next update.
BINABASA MO ANG
Maid in Makati (Completed)
RomanceA MaiChard Romance story about two person entangled in a web of lies. Disclaimer: This is purely fanfiction. Anything related to real life is just coincidence. This is my personal prompt. Not in anyway related to any stories posted here in Wattpad...