Please listen to the music.. Howie Day - Collide Cover by Boyce Avenue.
I was sitting in my favorite chair waiting for the sunset. Binalikan ko ang nakaraan sa buhay ko. And I can say na I am happy and contented sa chosen life ko.
Going back sa nakaraan, narealize ko na kung hindi ko sinunod ang gut feel ko na umalis sa poder ni Dad at mamasukang katulong sa Makati, kala Tita Mona, malamang di kami magkakakilala ng ex boyfriend ko. Hindi ko rin makakasama ang dream boy ko na siyang panghabang buhay kong kasama.
****
Today is our anniversary. 2nd year Anniversary.
Nandito ako sa tabing dagat. Meron kase kaming resthouse dito sa Quezon. Hinihintay ko na matapos maluto ang hapunan namin.
Busy si Mister sa pag-iihaw ng barbecue habang eto ako at nakaupo sa beach chair sa tabing dagat. Hindi na ako gaanong makakilos dahil 8 months pregnant na ako. Kambal pa kaya napakabigat nilang dalhin. Pero kahit ganun, masaya ako. Sapul agad. Babae at Lalaki ang baby namin. Ang saya lang na nabiyayaan na rin kami ng supling ni RJ.
Sa ngayon, maayos na ang lahat. Si Daddy ay nakakilala ng medyo kahawig ni Mommy na bagong magiging asawa niya. Si Mommy Mary Ann. Malapit na silang ikasal. Ibinigay ko na ang blessing ko kay Dad kase gusto ko naman siyang sumaya talaga.
Ang Mommy naman ni RJ ay nagbalik na sa Amerika. Pero bago pa man kami nagpakasal ay nagkapatawaran na kami. Humingi siya ng patawad sa ginawa niya sa akin. Ibinigay ko naman dahil magiging biyenan ko siya.
Ang Daddy naman ni RJ ay umuwi para sa kasal namin. Kasama nito ang bagong asawa niya na si Tita Rio. Mabait ito kaya naman minahal ng Daddy ni RJ. Masaya na sila sa piling ng isa't-isa.
Sila Tita Mona at Tito Steve ay ganun pa rin. Masayang nagsasama bilang mag-asawa kahit di nabiyayaan ng anak.
Si Kylie at AJ naman ay may dalawa ng anak.
Si Jak at Barbie ay kakakasal lang.
Si Kris at Joyce ay nasa ibang bansa na mula ng magpakasal. Nakagaanan ko na rin ng loob si Joyce. Mabait pala ito at mahiyain lang. Wala pa rin daw silang anak.
Ang iba pang kaibigan ni RJ na sila Jerald at Derick ay single pa rin ngayon. Si Derick ay nagpropose na kay Bea samantalang si Jerald ay humahanap pa rin ngayon ng makakasama. Teka ha, girlfriend muna hinahanap kase wala ngang tumagal dahil palikero, numero uno.
Si Cynthia at Kuya Buboy ay mag-asawa na pero wala pa ring anak. Doon pa rin sila namamasukan kala Tita Mona.
Si Tina naman ay may jowa na. Si Placido na nakilala niya sa trip niya sa Bohol.
Si Ava naman ay walang boyfriend dahil nanawa na daw siya sa lalaki. Gusto daw muna niya ipahinga ang puso niyang palaging broken- hearted. Mabuti naman. Napahinga rin siya. Ahahaha.
Well, masasabi kong tunay ngang happy ang ending ng istorya ko. Natupad ko kase ang pangarap ko na pakasalan ang lalaking mahal ko, at hindi ang ipinilit lang sa akin.
I have nothing more to ask for. Kuntento na ako dito sa buhay ko bilang asawa ni RJ.
I could'nt ask for more. All is well, ika nga."Babe, kakain na." Tawag niya sa akin.
"Sige babe, sunod na ako. May iniisip lang ako." Sagot ko. Lumapit siya para yakapin ako.
"Ano naman ang naiisip ng misis kong maganda?"
"Eto. Masaya ako kase kasama kita. Masaya ako kase magkakaroon na tayo ng anak. Isang buwan na lang dadating na si Chloe at Clyde. Excited na ako. Eh ikaw? Happy ka ba sa akin?"
"Wala na akong mahihiling pa Babe. Kuntento na ako sa buhay ko. Ikaw lang at ang mga baby natin, sapat na sa akin."
"Salamat, babe."
"No, ako dapat ang magpasalamat sayo, babe. Pinasaya mo ako. Kinumpleto mo ang buhay ko at higit sa lahat, eto.. itong dalawang nilalang na nasa sinapupunan mo ang pinakamagandang regalong matatanggap ko mula sayo at sa Diyos. I love you, babe."
"I love you too, babe."
"Tara na. Baka gutom na ang kambal."
"Okay.."
"Kaya mo pa bang maglakad?"
"Oo naman. Kaya ko."
"Huwag ka ng maglakad. Diba sabi ko, ako ang Maid in Makati mo? Ako rin ang atsoy mo, ang kasambahay at katulong, at ano pa yung salitang bakla ninyo ni Ate Cynthia? Ayun ang Bona mo by Nora Aunor.."
"Loko ka talaga. Pero ganun pa man, ang swerte ko sayo babe, napakagaling mong mag-alaga. At napakasarap mong magmahal. Nalulunod na ako. Baka mamaya maging dependent na ako sayo."
"Ayos lang. Basta ikaw. Aalagaan kita habang buhay natin. Ikaw lang ang mamahalin ko, kayo ng mga kambal. Pangako yan."
"Tara na, kain na tayo. Malikot na sila. Ang drama daw kase ng Tatay nila." Natawa siya. Hinimas ang tiyan ko at inalalayan akong tumayo. Magkahawak kamay naming tinungo ang cottage kung nasaan ang mga pagkain.
Wala na akong mahihiling pa. Lubos na ng binigay sa akin ng Diyos. Kaya naman ipinapangako ko, mamahalin ko at aalagaan din ang asawa ko at ang mga anak ko. Hanggang kaya ko. Hanggang maubos ang oras ng buhay ko...
The End.
BINABASA MO ANG
Maid in Makati (Completed)
Roman d'amourA MaiChard Romance story about two person entangled in a web of lies. Disclaimer: This is purely fanfiction. Anything related to real life is just coincidence. This is my personal prompt. Not in anyway related to any stories posted here in Wattpad...