I'm ready to go. Oo inayos ko na mga gamit ko para makaalis na sa bahay na ito. Maghahanap na ako ng malilipatan. Tatawagan ko na lang ulit si Mrs. Zulueta para ihanap ako ng bago kong mapapasukan. Buti na lang may mga kopya pa ako ng mga birth certificate na pinagawa ko sa Recto.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nag-aalsabalutan?" Tanong ni Cynthia.
"Ayoko na. Baka mapatay ko na yung hayup na RJ na yun. Nagtratrabaho lang ako ng maayos pero iniinis ako. Kaya aalis na ako."
"Sayang naman."
"Text text na lang tayo Cynthia. Basta lilipat na ako ng amo."
"Ikaw ang bahala. Nakita ko naman na ayaw mo na. Sige mag-iingat ka. Pero bago ka umalis, magpaalam ka muna kay Mam Mona at Sir Steve."
"Siyempre naman. Mabait naman sila sa akin.Yung mayordoma at pamangkin lang ang hindi."
"Sinabi mo pa. Kung di ko lang mamiss si Buboy, aalis na rin ako dahil sa inis kay Manang Bless."
"Bahala ka. Buhay mo yan. Basta mag-ingat ka dito."
"Sumunod ka na doon sa komedor. Kakain na sila kaya pwede ka ng magpaalam." Utos ni Cynthia sa akin. Di ko muna isinara ang bag ko kase alam kong titignan pa nila ang bag ko kung may kinuha ako.
Nang maayos ko na lahat ay lumabas na ako.
"Oh Ina, ang sabi ni RJ naligaw ka daw kaya nawala ka. Siya na lang ng nag-uwi nung pinamili ninyo. Naawa nga sayo itong pamangkin ko. Hinanap ka pa kaya lang di ka na nakita. Buti nakabalik ka dito?" Ano raw? Hinanap? Gago pala ang ungas na ito.
"Mam kase po magpapaalam na po ako at aalis na."
"Ano? Bakit? Di kita pinapaalis. Huwag kang aalis!" Sabi ni Mam Mona.
"Ano po kase. Minamal..." Pinutol ng ungas ang sasabihin ko.
"Tita sandali kakausapin ko muna itong si Ina." Tumayo siya at hinawakan ako sa wrist. Hinila ako palabas.
"Ano na naman? Aalis na ako. Ayoko ng walangyain ninyo ng mayordoma mo! Pwede ba bitiwan mo ako!"
"Di ka aalis. Ayoko!"
"Ano bang pakialam mo? Aalis ako kase di mo ko mapipigil."
"Sorry na. Huwag ka ng umalis. Di na kita aasarin." Hindi ko sinagot. Pautot lang niya yan para di ako umalis. Pero kapag di ako umalis, malamang balik sa pangbubully yan sa akin.
"Sorry na nga. Kasalanan ko. Naiinis lang ako sayo nung nakita kita. Naaalala ko sayo yun ex kong niloko ako."
"Hindi ako yung ex mo! Bakit ako ginagantihan mo?"
"Sorry na nga. Kamukha mo kase siya. Pasensiya na. Galit na galit ako sa kanya. Niloko niya ako kaya naman di ko malimutan yun. Kaya ako masungit. Pero huwag ka ng umalis. Promise di na kita ibully!"
"Di ako naniniwala sayo."
"Please? Gusto mo bang lumuhod pa ako sa harap mo."
"Bakit ayaw mo akong umalis? Di nga ako ang ex mo."
"Basta gusto kitang nakikita."
"Walang tayo huy! At di ako ang syota mong nanloko sayo. Kahit umalis ako wala akong iiwan ditong alaala. Kaya aalis na ako"
Lumuhod ng hudas sa harap ko.
"Sorry na. Promise di na kita aasarin o bubullyhin. Basta huwag kang umalis. Sige na hanggang sa malimutan ko na lang si Divina. Please?"
"Paano mo malilimutan yun Divina kung nakikita mo ako? Kaya nga dapat umalis na ako."
"Ayokong umalis ka. Kapag nasanay na akong ikaw ang nakikita ko, malamang malimutan ko na yung babaeng yun. Sige na please. Promise hindi na. Ililibre kita ng Mcdo mamaya. Huwag ka ng umalis."
"Excuse me Sir. I can buy my own meal. You don't have to make libre me pa. I can afford."
"Nag-iIngles ka?"
"Ay hindi. Nagfefeeling lang ako." Muntik na akong mabuking.
"Sige na ha. Di ka na aalis. Nakikiusap ako."
"Mangako ka muna na hindi mo na ako papansinin o aasarin."
"Nangangako ako na di na kita aasarin pero yung papansinin hindi pwede. Friends na tayo ha."
"Teka, i-earn mo muna yung friends. Maid ninyo ako at hindi mo ako dapat kaibiganin."
"Sorry na. Sige promise ko yun. Tara na sabihin natin kay Tita Mona na hindi ka na aalis."
Hinawakan na naman niya ang braso ko. Namimihasa ang lalaking ito. Pero sana totoo ang sinasabi niya. Kase kapag di niya tinupad yun, aalis talaga ako. Di naman ako nag-eenjoy dito dahil kay Manang Bless at sa kanya, kaya may dahilan akong umalis. Kundi lang love ko na si Cynthia at sila Mam Mona, di ako papayag na magstay.
A/N Will try to update later bago magsimba for Christmas Eve.
Merry Christmas to all of you! Love ko po kayong lahat!
No proofread.
BINABASA MO ANG
Maid in Makati (Completed)
RomanceA MaiChard Romance story about two person entangled in a web of lies. Disclaimer: This is purely fanfiction. Anything related to real life is just coincidence. This is my personal prompt. Not in anyway related to any stories posted here in Wattpad...