42

2.7K 166 11
                                    

Dei's

I am trying to forget that kidnapping experience. Ang hirap kalimutan pero kailangan kong malimutan para naman makasimula na ako ng bagong buhay. Di naman din kase madali ang pinangdaan ko. Yung pakiramdam na wala kang kalaban-laban at wala kang magawa dahil nakatali ang dalawang kamay mo ay mahirap kalimutan. Galit na galit ako kase hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko.

I undergone Psychiatric help para maovercome yun emotional trauma ko sa kamay ni Alexis. Naiisip ko pa rin kase yung maaring mangyari kung di nila ako nasagip. Malamang, narape na ako o kaya ay napatay na ni Alexis.

Si Alexis at si Candice ay kasalukuyang nakakulong na. Hindi sila pwede magpiyansa dahil mabigat ang kaso laban sa kanila. Hindi naman nakiusap ang mga magulang nila kay Daddy dahil alam nilang may kasalanan talaga ang mga anak nila. Gustuhin ko man na  kalimutan na lang at hayaan silang makalaya kaya lang hindi pumapayag si Dad. Hayaan na daw na matuto sila sa kasalanang ginawa nila. Siguro in time, kapag natutuhan na nila ang implikasyon ng ginawa nila ay maawa si Dad na pagbigyan sila. Sa ngayon, doon na muna sila sa kulungan hangga't di pa natatapos ang pagdinig sa kaso. Pinapatawad ko na sila kaya lang di ko pa rin ito malimutan. Mahirap kalimutan.

Si RJ ay palaging nasa Bulacan. Pati sila Tita Mona at ang mga bagong tropa ko na sila Kylie. Dinadalaw nila ako para tuluyan na daw akong makalimot. Salamat sa lahat dahil unti-unti ko ng natatanggap ang lahat ng nangyari.

****

Ngayong araw ay may konting salu-salo na magaganap dito sa bahay.

Nagpahanda si Lola ng ilang putahe. Imbitado ang lahat. Di ko alam kung para saan kase di ko naman birthday. Wala rin namang magbirthday  sa kanila Daddy. Basta ang sabi lang sa akin ay pasasalamat dahil sa panibagong buhay na meron ako.

Pinag-ayos nila ako. Ibinili pa nga ako nila Lola ng bagong damit dahil ayoko ngang lumabas ng bahay dahil natatakot akong makidnap ulit. Basta nakakulong lang ako palagi sa kwarto at kapag nandito si RJ ay nasa sala lang o kaya sa kusina dahil gusto kong ituon ang atensiyon ko na maging magaling na cook. Oo iyon ngayon ang pinagkakaabalahan ko. Gumawa nga ako ng macaroni salad para sa araw na ito. Bagay na di ko ginagawa dati. Lagi kaseng nagpapacater sila Daddy kapag may okasyon sa bahay.

"Dei iha, parating na ata sila. Narinig ko na may sasakyan sa labas." Paalala ni Yaya.

"Sige po, sandali lang bababa na ako. May tapusin lang ako." Sabi ko. Bumaba na si Yaya para asikasuhin ang mga bisita.

Maganda ang ayos ng bahay. Maraming mga bulaklak sa paligid at pinapalitan ang lahat ng kurtina at naglabas ng mga bagong kubyertos at pinggan. Nagtataka ako kase minsan lang iyon ilabas nila Lola.

Bumaba na ako at bumungad sa akin mula sa hagdan ang napakagwapong nilalang. Nakaluhod siya at may hawak na maliit na kahon. Alam ko na agad ang eksenang susunod.

"Deisirei Mendoza, Gilbertina Quilong ng buhay ko, andito ako para hingin sayo ng isang bagay na matagal ko ng pinapangarap. Ang maging tagapag-alaga mo, katuwang mo sa buhay at higit sa lahat ang maging alila mo. Dei babe, Will you marry me?"

Matagal bago ako nakapagsalita. Napahawak ako sa bibig ko. Alam ko naman na yayayain rin niya akong magpakasal pero hindi ko inaasahan ito ngayon.

Huminga ako ng malalim...

"Dad, kasabwat ka ni RJ? Ikaw din ba Lola?" Di sila sumagot pero bakas sa kanila ang tuwa at saya. Tumango sila.

"At ikaw, tumayo ka nga diyan." Utos ko kay RJ. Nalungkot siya na parang maiiyak.

"Ayaw mo?"

"Hindi pa ako tapos. Tumayo ka muna diyan. Anong alila sinasabi mo?"

Tumayo siya.

"Alila mo. Katulong, maid at kung ano pa tawag doon. Basta aalagaan kita at pagsisilbihan. Mahal kita Babe kaya gusto kitang pakasalan. Papayag ka ba?" Garalgal ang boses niya dahil di pa rin niya alam ang sagot ko. Malamang kinakabahan siya na baka tumanggi ako. Pero hindi ko gagawin iyon. Sigurado na ako sa kanya. Siya na yun para sa akin.

"RJ babe, wala na akong hahanapin pa. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Pero..."

"Hindi ka pa ba handa? Ayaw mo pa ba?" Nalungkot na siya.

"Hindi!" Nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

"No, I mean hindi ako papayag na mawala ka pa. Mahal na mahal kita at Oo, papayag ako. Papayag akong maging asawa mo, my Maid in Makati.." Pagkakataon na niyang siya naman ang magulat.

"I love you, mahal! I love you!" Lumapit siya sa akin para yakapin ako.

"Ang singsing ko? Suot mo muna para opisyal na." Sabi ko na ikinatawa ng lahat.

Nagmamadali pa niyang isinuot ang singsing. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Ng maisuot niya ang singsing ko ay binuhat niya ako at hinalikan.

Nagpalakpakan ang lahat ng tao doon na di ko na nakilala ang kung sinu-sino dahil blurred na ang mata ko sa luha ng saya.  Basta ang alam ko, nasa bisig ako ng lalaking una at huli kong mamahalin. Ang saya ko. Natabunan bigla ang takot sa puso ko. Sa wakas, may mag-aalaga na sa akin. At magmamahal ng tunay..


A/N Epilogue, next.. Tonight din po.

No prooofread.

Maid in Makati (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon