We're on our way to Batangas. Swimming party nila ng mga barkada niya.
Tutol man ako pero pumayag si Mam Ramona. Kaya napilitan akong sumama.
"Sa tingin mo, ayos lang ba na kasama ako sa inyo?"
"Oo naman. Bakit ka ba nagtatanong?"
"Ganun talaga! Nakakahiya kase mga barkada mo po iyon."
"Kahit na. Isa pa, ako naman ang nagsama sayo kaya walang problema."
"Paano kung ayaw nila akong kasama? Yun mga babaeng kaibigan mo?"
"Hindi mangyayari iyon. Basta sa akin ka lang dumikit. Ako bahala sayo."
"Nakakahiya talaga. Di ako bagay doon."
"I don't think so. Bagay ka sa akin." Napatingin ako sa kanya. Ang mga sinasabi ng lalaking ito nakaka-urat.
Nanahimik na lang ako. Tumingin sa labas ng bintana at tinanaw ang dinadaanan namin. Namiss ko na rin yung roadtrip ko mag-isa. Kapag naiinip na ako sa bahay, kapag napapagod na ako sa pag-aaral ko dati, umaalis ako para magroadtrip.
"Daan muna tayo ng drive-thru ha. Alam ko nagugutom ka na."
"Di naman masyado. Baka kayo, Sir."
"Sir na naman. Pwede ba, RJ na lang?"
"Di pa po ako sanay."
"Masanay ka na. Ayokong tawagin mo ako ng Sir doon. Paano ko sasabihin sa kanila na nililigawan kita?"
"Eto na naman tayo. Please huwag mo na muna iyan ipasok. Kung gusto mong tawagin kita ng RJ, huwag mong ipakita sa kanila na nanliligaw ka. Mamaya laitin ako ng ibang kaibigan mo."
"Okay. Okay.."
"Good. So we're clear ha?"
"Bakit kapag nag-English ka, parang ibang tao ka?"
"Ay feeling mo lang yun. Feeling din lang ako."
"Hmmm.."
"Ayan. Tayo na ang oorder."
Muntik na ako doon. Me and my big mouth. Lumalabas ang pagiging socialite ko. Dapat parang probinsiyana ang peg. Ganon!
••••
Pagdating namin sa resort ay naroon na ang ilang kaibigan niya. Resthouse pala ito nung balikbayang kaibigan ni RJ.
"Guys, si Ina nga pala." Pakilala niya sa akin.
"Nice meeting you, Ina." Sabi nung isa na nalaman kong si Derick.
"Oh, you're here Miss Beautiful." Sabi nung manyakis na si Jerald.
Tumango lang ako at ngumiti.
"Ilagay muna namin yun gamit sa kwarto. Dyan na muna kayo."
Pumasok na kami sa bahay.
"Saan ako matutulog?"
"Kasama mo yung mga babae. Sila Kylie. Mababait ang mga yun."
"Sigurado ka?"
"Gusto mo ba na magkatabi tayo?"
"Hindi siyempre. Pero mas gugustuhin kong sumama sayo kaysa sa kanila. Di ko kase sila kilala. Baka ma-OP lang ako doon."
"Don't worry, sabihan ko si Kylie at Barbie na alagaan ka. Cheer up. Isa pa, kasama mo ako. Okay?"
"I hope so."
"Sinasabi ko na e. Iba ka kapag nag-iIngles ka."
"Bakit bawal ba?"
"Di naman. Basta kahit ano pa. Gusto kita."
"Ayan na naman tayo. Huwag na muna dito please."
"Okay. Ibaba mo na yan tapos labas ka kaagad. Hintayin kita dito."
Tumango lang ako at pumasok na sa kwarto. Maganda ito. Tanaw ang malaking bahagi ng dagat. Parang ayaw ko na ata lumabas at pagmasdan na lang ang tubig na asul. Pero dahil naghihintay si RJ sa labas ay nagmadali na rin akong lumabas.
"Nagustuhan mo ba?" Bungad niya paglabas ko. Nakatayo siya sa labas ng pinto na asap mo ay di na ako lalabas.
"Oo. Maganda siya. Pero di muna ako pumwesto sa kahit saan doon. Kase nga nakakahiya. Paunahin ko na yung kasama ko sa kwarto na pumili ng pwesto nila."
"Ayos lang yun. Si Barbie at Kylie lang naman ang kasama mo sa kwarto."
"Kahit na. Sila ang bisita, sampid lang ako."
"Ayan ka na naman!"
"Ganun talaga!"
"O sige na nga. Tara na sa labas." Lumabas na kami. Nakipagkwetuhan sa mga kaibigan niya.
"Pare, nga pala. Si Candice malate lang daw. Yun kapatid kase ang kulit. Tinotopak na naman daw." Sabi ni Jerald.
"Ah ganun ba? Okay lang naman. Sila Kylie?"
"Papunta na. Kasama nila sila Jun at Dianne. Pati yung patay na patay sa aking si Boobsie."
"Wow pare! Patusin mo na kase!"
"Neknek mo! kahit siya na lang ang babae, sorry di ako pumapatol sa baboy!"
"Grabe ka! Bkait gwapo ka ba? Ahahaha!"
"Ang sama mo! Palibhasa habulin ka ng mga chikas!"
"Pare joke lang. Di na ako tumitingin sa iba."
"Nalimutan mo na si Divina?"
"Gago! Don't say bad words!"
"Ay hindi pa pala! Kumuha ka ng kahawig e!"
Ang kulit lang nila nung Jerald. Samantalang ako ay nakikinig lang. Di ko naman kase kilala ang mga kaibigan niya.
"RJ, pwede ba akong pumunta sa tabing dagat?"
"Oo naman. Samahan kita."
"Huwag na. Kaya ko na. Dito ka muna."
"Sigurado ka?"
"Oo nga! Gusto ko pating mag-isa."
"Okay. Mag-ingat ka."
"Grabe, tanaw po ninyo ako. Di pati ako tanga!"
"Wala ka pala RJ kay Ina e. Takot ka."
"Gago ka Je ha! Tumigil ka." Nag-aasaran pa rin sila nung lumabas ako. Ang sarap lang sa balat ang simoy ng hangin at init ng dagat. Namiss ko na ang buhay ko dati kaya lang tiis pa muna.
Sana mag-enjoy ako. Pero natatakot din ako kase di ko naman kilala ang mga kaibigan niya. Baka ipahiya lang ako ng iba sa mga kaibigan niya dahil sa estado ng trabaho ko ngayon. Lalo pa siguro akong kabahan kung ipagkalat ni RJ na nanliligaw siya sa akin. Di ko alam kung matatanggap ako ng mga babaeng kaibigan niya. Sana...
A/N Pasulput-sulpot po muna at ako'y busy sa trabaho. Pero mag-update ko within this week. Anyway, Enjoy!
No proofread.
BINABASA MO ANG
Maid in Makati (Completed)
RomanceA MaiChard Romance story about two person entangled in a web of lies. Disclaimer: This is purely fanfiction. Anything related to real life is just coincidence. This is my personal prompt. Not in anyway related to any stories posted here in Wattpad...