2

3.3K 182 5
                                    

Graduation Day.

I'm not excited but I did not show it. May pasabog ako later. Everything's in place na. I am to leave Daddy and Lola. I can't get married to someone I don't even know. Sorry pero hindi pa ako hibang para s mga kalokohan ni Daddy.

I got the Magna Cum Laude award. I did expect this. Having all my grades always Uno so I guess that is not a question. I really didn't worked hard for it. Because I am a person who knows how to unwind. Hindi yung todo pagsusunog ng kilay. You know what I mean. I was just born with a higher intelligence compared to Tina and Ava at siyempre from the rest. Pero it never dawned on me na matalino ako. I just enjoy education same as I enjoy reading and writing.

So today, after ng speech ko, I had to sneak out without being noticed. Sorry for you, Daddy dearest, I am in no way gonna let you ruin my life.

Bitbit ang isang malaking travelling bag ko na inipon ko at ipinatago kay Tina sa kotse niya one time na pinapunta ko siya sa bahay. Buti na lang ang driver niyang si Mang Raul ay naroon para hintayin ako. Tina and Ava knows my plan kaya tinulungan nila ako s balak kong pagtakas. I just thought that this is the right time to make a show for Daddy dearest. Bahala siyang maghanap kay Deisirei.

I am into a new identity. Gilbertina Quilong. Yes, sounds funny right? Pero the name suits my new identity. The typical Maid look. As in Bona played by Nora Aunor.

Meron na akong papasukan bukas. I contacted Mrs. Zulueta the agent that I am applying for the position of being the kasambahay. I made a falsificated document of my birth certificate and employment record from the Fake Capital of the Philippines, Recto. Ang galing ko diba? Not really. It is the go to place for people who wants to have a new identity just like me.

I sneaked out of the gates of PICC without being noticed. I changed into jeans and a lousy shirt. Yun di mapagkakamalang mayaman. Bumili ako ng mga damit sa ukay-ukay na pinalaundry ko sa isang laundry shop.

So for tonight, I will sleep muna sa isang apartelle para naman di ako mahagilap ni Daddy dearest. Alam ko kase na kaya niyang itrack ang whereabouts ko kapag ginamit ko ang credit cards ko or even ang debit cards ko. I withdrew enough cash muna sa account ko para naman may pocketmoney ako. Hindi ko na muna magagamit ang mga cards ko kaya tiis sa luho. At the same time, I bought a new cellphone na pamukpok sa ulo na kahit ipangalandakan ko sa kahabaan ng Recto Avenue ay di papansinin. Mahirap na matrack nila ang Iphone 10 ko. Pinatay ko muna ang Iphone ko para di malaman ni Daddy kung saan niya ako hahanapin. Naisip ko na lahat ang posibleng magturo sa akin kaya naman siniguro ko na walang bakas na pwedeng sundan si Daddy. Unless he changes his plans, then doon lang ako lilitaw.

I settled inside my room. Bago ako pumasok ay bumili muna ako ng food sa Mcdo. Kailangang magtipid.

After eating, nakapagod ako kaya natulog ako. By eight in the morning, hello Gilbertina Quilong na and  sign off na muna si Deisirei Mendoza.

A/N Slow pacing pa. Establishing muna ang story.

No proofread.

Maid in Makati (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon