CHAPTER 2:

27 0 0
                                    

Hanggang Isang Araw. . .

Niyaya ko siyang makipagmeet. Yes after 3 years magkikita na kami ulit!

Si Sophia yung babaeng hindi naman sexy pero malakas ang dating at maganda. Nung una ko siya makita sabi ko sa sarili ko "Syet! Ang laki ng pinagbago niya. Hindi man siya sumeksi lalo naman siyang gumanda."

"So san tayo pupunta?" tanong ko kay Steve. Napansin ko kasi na parang nakatulala siya.

"Huy! Narinig mo ba yung sinabi ko?" Natatawa na ko sa mukha niyang nakatulala.

"Ang sabi ko sa mall na lang tayo punta." Sabi niya habang lumakad na siya ng nakatawa.

Pag dating namin sa mall kumain lang kami tapos nanuod ng sine. Hinatid ko siya hanggang sakayan lang kasi malayo pa uuwian ko. Siya taga Manila ako naman sa Las Piñas pa.

Pag uwi ko tinawagan ko agad siya. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa sa nararamdaman ko. Sinabi ko na nagkakagusto na ko ulit sakanya. Talaga naman in love na ko sakanya nung high school days namin. Ang kasi my gf ako that time.

"Naiinlove na yata ako ulit sayo Sophia. Pwede ba kitang ligawan?"

"Ha? Parang ang bilis naman. Ilang araw pa lang tayong magkatext. Isang araw pa lang tayo nagkikita. Hindi pa ko ready." Sagot niya.

"Bakit? Anong problema?" Alam naman niyang matagal na kong walang girlfriend after namin maghiwalay nung last gf ko.

"Steve kasi.." Natigilin siya. At bigla na lang naputol yung tawag.

Ako Na Lang Ulit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon