Simula na ng bagong umaga, bagong simula para saming dalawa ni Sophia.
Ganado akong pumasok ngayon. Lalo na at bumalik na yung inspirasyon ko. Tinawagan ko siya bago ako pumasok.
" Good Morning Sophia. Mag-ingat ka sa pagpasok ha? Sunduin kita mamaya."
"Good Morning Steve. Ingat ka din."
Pag dating ko sa school syempre ganado din akong mag-aral. Kasi mamaya susunduin ko yung mahal ko. Ang tagal maguwian. Buti na lang yung last subject ko kaya mabilis akong bumaba.
Yeees! After 5 subject uwian na.
"Steve, laro tayo! Meron daw kapustahan sa Las Piñas." Si Miguel nga pala barkada ko.
"Pre, next time na lang. Punta ko Manila. Susunduin ko yung mahal ko."
"At kailan ka pa nag ka girlfriend ulit ha? At sino yan? Ang alam ko pagtapos ni Monica wala kong nabalitaan na girlfriend mo ah. 3 years na yun pre ah. Naka move on ka na?" seryoso talaga yung mukha niya.
"Pre, iba na to. Sigurado na ko dito. Mahal ko siya. Schoolmate ko siya nung high school. Don't worry one day ipakikilala ko siya sa tropa." hindi ko namalayan nakangiti na pala ako.
"Sige Steve asahan ko yan."
Pagkatapos ng 1 hour na biyahe nandito na ko sa labas ng school niya. Excited na kong makita siya. Kaya tinawagan ko siya agad.
"Sophia, nandito na ko sa labas ng school mo. Anong oras ba labas mo? Ang aga kasi natapos ng klase ko kasi wala yung prof namin." sa sobrang excited ko hindi ko pala natanong kung anong oras uwi niya.
"Steve? Ang aga mo yata. Mamaya pang 6pm uwi ko. 2pm pa lang Steve. Naku, sana nauna ka ng umuwi. "
""Hindi okay lang Sophia. Hintayin kita. Maghahanap na lang ako ng fastfood dito na pwedeng tambayan.
"Nakakahiya Steve. Pero sige kung hindi kita mapipilit. Itext mo na lang sakin kung nasaan ka ha? Nandito na kasi yung prof ko. Seeyou!"
Ganun naman pagmahal mo diba? Hihintayin mo siya kahit gaano katagal. Hayy. After 4 hours na paghihintay uwian na nila. Pagdating niya hindi ko na napigilan na yakapin siya.
"Steve, medyo OA ha? Higpit ng yakap mo eh."
"Ayy sorry Sophie. Naexcite lang ako na makita ka. Miss na miss na kita eh. Anong gusto mong kainin?"
"Steve, sorry ha? Need ko na kasi umuwi eh. My exam ako bukas. Pasensya na."
"Naku okay lang Sophia. Tara hatid na kita."
Hinatid ko lang siya hanggang sa kanto papunta sakanila. Kasi hindi pa ko pwede pumunta sa bahay nila dahil hindi niya pa nasasabi sa mama niya na kami na.
.
.
.
SOPHIA'S POV
Hayyy. Sana mabigay ko na ng buong buo yung pagmamahal ko kay Steve. Alam ko mababalik ko pa naman sakanya yung pagmamahal ko sakanya gaya ng dati.
Oo dati mahal ko na siya. Pero nung mga oras na yun my mahal siyang iba. Si Monica. Kilala ko siya kasi batchmate ko siya. Pero sa ibang school siya nag-aaral. At nakilala ko lang siya kasi dati sa aminin ko man o hindi lahat ng tungkol kay Steve inaalam ko kasi nga mahal ko siya. Nagtatanong tanong ako. Pati facebook niya lagi kong tinitignan. Matagal din sila eh. 2 years mahigit din. Matanda kasi ng isang taon si Steve sakin. Kaya nauna siyang grumaduate. Madami pang kwento about samin. Pero sa ngayon yan na lang muna.
.
.
.
Ang iniisip ko kasi ngayon kung anong gagawin ko para mahalin ko siya ulit si Steve kagaya ng dati. Kasi alam ko sa sarili ko na my part pa rin dito sa puso ko na mahal pa rin si Ryan. Si Ryan na last boyfriend ko na isang araw bigla na lang hindi nagtext o tumawag. Isang araw pag gising ko wala na pala akong boyfriend.
.
.
.
Sana bukas pag gising ko, mahal ko na si Steve at sana pag gising ko nakalimutan ko na ng tuluyan si Ryan. Sana nga ganun lang kadali makalimot at magmahal ulit.
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...