Lumayo din siya sakin pagkatapos niya kong yakapin at ang huling sinabi niya sakin ay "hayaan mo muna ko."
*
Isang linggo na din simula nung inamin ko yung nangyari samin ni Ryan. Hindi na siya nagtext o tumawag sakin. Wala naman akong contact sa bahay nila para magtanong kung okay lang ba siya o ano na bang nangyari sakanya.
"haaaay! Ang tanga tanga ko talaga." napasabunot na lang siya sa buhok niya.
Nakapagdesisyon na siya. Kailangan kong gumawa ng paraan para makausap siya. Ako naman ang pupunta sakanya tama! Bigla na lang niyang naisip. Bumangon na siya, naligo at nagbihis.
Tumawag siya sa kaibigan niya.
"Meg!" Halos mabingi na sa lakas ng boses niya ang kausap.
"OA naman phia! Pwede hinaan ang boses? Di naman ako bingi eh."
"Dami pa sinabi. Meg diba alam mo paano pumunta sa Marcelino College? Turuan mo naman ako oh. Anong sasakyan? Saan bababa?"
"Isa isa lang pwede? Ano ba gagawin mo dun? Nagmamadali? May hinahabol?"
"Eh ganun ka din eh. Sige na meg. Please. Kailangan kong makausap si Steve. Hindi ko kayang mawala siya. Alam ko hindi pa ko sigurado kung kakausapin niya ko. Pero gusto kong subukan. Please."
Hindi niya alam kung bakit my tumulong luha sa mga mata niya. Basta ang alam niya lang miss na miss na nita ito. At gusto niya ng makausap at magsorry sa lahat ng ginawa niya. Sinabi naman agad sakanya ni Meg kung saan siya sasakay at bababa. Hindi naman siya nagdalawang isip na umalis na at ipagpaliban muna ang pagpasok sa school niya. Habang nasa bus na siya papuntang Marcelino College. Kinakabahan siya. Hindi naman kasi siya sigurado kung makikita ba niya si Steve. Kakausapin ba siya nito. O kung pumapasok pa ba ito. Basta ang nasa isip niya lang ay gusto na talaga niya itong makausap.
Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe nakarating na siya sa Marcelino College. Hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Hanggang sa makaramdam siya ng gutom. Bigla niyang naalala na umalis nga pala siya ng bahay ng hindi kumakain sa sobrang pagmamadali. May nakita siyang isang fastfood malapit sa school niya. Naisipan niya munang kumain bago ituloy ang paghahanap kay Steve. Sa sobrang pag-iisip niya my nabangga siyang isang lalaki.
"Aray ko naman miss! Sa susunod naman tumingin ka sa dadaanan mo."
"Naku sorry kuya. Hindi ko sinasadya."
Sa takot niya sa biglang pagsigaw nung lalaki tumakbo siya ng mabilis papunta sa fastfood chain.
STEVE'S POV
Kadarating niya lang sa room. Alam niyang 30 minutes na siyang late. Buti na lang wala yung prof nila. Maya-maya dumating na din si Michael yung tropa niya.
"Men, hingal na hingal ka diyan? Saan ka ba galing?"
"Dapat kanina pa ko Steve eh. Kaso my nabangga akong babae. Chicks men. Hindi siya gaanong sexy pero lakas ng dating. Hindi taga dito sa school yun eh. Kasi blue yung uniform. Natakot nga ata sakin. Tumakbo bigla papunta dun sa Mcdo."
Blue? Hindi kaya si Sophia yun? Pero paano naman siya mapupunta dito? Eh ang layo kaya nito. At hindi ko pa naman siya nadadala dito. Tsaka madami naman school na color blue yung uniform eh. Bahala na nga!
"Men saan nga ulit papunta yung babae?"
"Tignan mo to. Narinig lang na chicks hahabulin mo?"
"Men yung babae ba hindi katangkaran? Yung sakto lang? Tapos medyo maputi?"
"Oo men. Sakto lang yung tangkad niya."
"Sige kita na lang tayo mamaya ah?!"
"Hoy Steve! Saan ka pupunta?"
Hindi na siya nagdalawang isip na tumakbo pababa ng school nila. Paano kung si Sophia nga yun? Ano naman ginagawa niya dito? Pinupuntahan niya kaya ako? Kahit sobra siyang nasaktan sa ginawa ni Sophia sakanya. Alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang mawala ito sakanya. Ayy! Masyado naman akong assuming. Pagbaba niya ng school. Tumawid na siya agad. Hindi siya natakot na baka mabangga siya. Basta ang alam niya lang kailangan niya makasigurado kung si Sophia nga yung tinutukoy ng barkada niya.
Pag ka pasok niya ng Mcdo umakyat agad siya sa 2nd floor nito. Bawat mesa tinitignan niya kung sino ang nakaupo. Wala Syet! Bumaba siya para sa 1st floor naman maghanap. Inisa isa niya ulit. Pero wala.
"Tamang hinala lang yata ako talaga. Masyado naman akong nag expect na pupuntahan niya ko dito sa school." Napakamot na lang siya.
"Steve?" may babaeng nagsalita sa likod niya. Hindi siya pwedeng magkamali kilala niya yung boses na yun.
(Sorry yan lang nakayanan ko. Comment and Vote naman please.)
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...