After niya maka recover sa pagka gulat niya na dumating ako sa birthday niya. Ayan hindi na matanggal yung smile niya. Parang ang babaw lang ng kaligayahan niya. Yung dumating lang ako ngayon masayang masaya na siya.
STEVE'S POV
"Sophia, lika papakilala kita kila mama."
Nagulat ako ng bigla niya kong hatakin papunta sa kusina kung saan nagluluto yung mama niya.
"Ma, si Sophia girlfriend ko po."
Pag lingon ni mama ngumiti lang to kay Sophia. Tapos nakipag beso beso siya.
"Nakuu Steve ha? Mamaya pag iniwan ka din ni Sophia magloko ka na naman sa pag-aaral."
Talaga tong si mama pinasok na naman sa usapan. Kasi dati may naging girlfriend ako. Akala ko nga siya na talaga eh. Kaya minahal ko siya ng buong-buo. Pero bigla na lang niya kong iniwan. Simula ng iwan ako dati ni Monica. Monica yung pangalan ng girlfriend ko bago si Sophia. Pati pag-aaral ko napabayaan ko lalo na yung sarili ko. Kaya nga sabi ko pag dumating yung bagong babae na alam kong mahal din ako. Hindi ko na siya papakawalan. At si Sophia yun.
SOPHIA'S POV
Grabe sobrang welcome ako sa family niya. Todo asikaso sila sakin. Ang dami din tanong ng mom and dad niya. Pero okay lang. Kumain na kami. Ang dami ngang handa eh. Tapos maya-maya inayos na ng papa niya yung videoke. Nagsimula ng magkantahan at mag inuman yung mga barkada niya. Syempre sobrang proud niyang ipakilala ako. At ako nahihiya dahil sa ginawa ko. Mahal na mahal niya talaga ako. Pero paano ko ieexplain sakanya yung nangyari samin ni Ryan?
"Phia, okay ka lang? Naboboring ka na ba?" Kanina pa pala ko medyo tulala.
"Okay lang steve. Hindi naman. Medyo inaantok na kasi ako. Maaga din kasi pasok ko tom."
"Sige paalam na tayo kay mama. Ihahatid na kita sa bahay niyo."
"Wag na steve. Sa may sakayan mo na lang ako ihatid. Nakakahiya naman kung iiwan mo yung mga bisita mo. Okay lang talaga."
Hindi naman niya na ko pinilit pa. Nagpaalam lang ako sa mama niya tapos naglakad na kami papunta sa sakayan.
"Ah. Sophia, thankyou nga pala ha? Akala ko kasi hindi ka talaga pupunta. Bakit nga pala parang kanina ka pa tulala?"
Sasabihin ko na ba sakanya? Medyo lasing na din kasi ako.
"Steve, my gusto sana ko sabihin sayo. Nagkita kasi kami nung ex ko si Ryan. Ah eh. May nangyari kasi eh. Hindi ko talaga sinasadya. Lasing lang ako that time. Hindi ko na alam yung mga nangyari." Umiiyak na ko. Nasasaktan kasi ako para kay Steve.
Hindi siya umimik. Pero nakikita ko sa mukha niya yung sakit eh. Yung mga mata niya. Parang gusto ng umiyak.
"Sophia, bakit? Kulang pa ba?" yan lang yung sinabi niya tapos tumigil siya sa paglalakad at bigla na lang yumakap sa akin at umiyak na siya ng tuluyan.
(Yan as I promise new UD :) So I decided na pahabain pa tong story. Dapat talaga hanggang chapter 15 lang. Dahil sinipag ako more chapters to come.)
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...