STEVE'S POV
"Kuyaaaaaa! Gising naaaaaa! Haappy Birthday!" Si Camille yan anak ng kuya ko. Sabay gulo ng buhok ko at pilit niyang pinababangon.
"Mamaya na mille. Inaantok na ko." Kahit pamangkin ko siya kuya yung tawag niya sakin.
"Eh kuya sige na! Pinagigising ka na ni lola. Itatanong niya daw ano mga lulutuin mamamalengke na daw sila ni mama."
"Oo na sige na. Susunod na ko."
"Kuya, pupunta si ate Sophia?"
"Oo. Mas excited ka pa yata sakin eh. Ikaw ba my birthday?" binatukan niya ko bigla. Pero mahina lang.
"Hindi naman ganun kuya. Magkakaroon na kasi ako ng bagong ate." sabay ngiti niya abot tenga.
"Labas ka na mille. Magbibihis na si kuya."
Paglabas niya nagbihis na ko.
--
SOPHIA'S POV
Pupunta ba ko mamaya kila Steve? Natatakot ako, nahihiya ako. Anong sasabihin ko sakanya? Pero malulungkot naman siya pag hindi ako pumunta. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagawa ko yun kahit kami na. Ang tanga tanga ko. Sige na nga. Pupunta na lang ako tapos after na lang ng birthday na tsaka ko na lang sasabihin sa kanya yung nangyari. Hindi ko kasi kayang ilihim yun sakanya. Bumangon na ko tapos naligo.
Kailangan ko ng mag-ayos bibili pa ko ng cake para kay Steve. Tsaka ko na lang iisipin yung about sa nangyari. Gusto ko muna maging masaya siya dahil special tong araw na to sakanya.
Pag tapos ko mag-ayos, bumyahe na ko papunta sa kanila. Kinasabwat ko yung isa niyang classmate para my kasama ako pumunta. Tinext ko kasi si Steve kanina sabi ko hindi ako makakapunta pero ang totoo gusto ko lang siyang sorpresahin. Bumili muna kami ng cake bago dumiretso sakanila.
Nung makarating kami sa kanila wala siya. Sabi ng mama niya lumabas lang daw. Sinalubong nga ko agad nung pamangkin yata niya to eh. Ang kulit. Ang dami niya agad tinatanong sakin. Hindi ko alam kung kinikwento ba ko lagi sakanya ni Steve kaya ang dami niyang alam about sakin. Maya maya dumating na din siya. And as expected gulat na gulat siyang nandito ako.
"Akala ko hindi ka pupunta?" Yan lang yung nasabi niya.
( Comment? Vote? Yung next UD ko mahaba yun. Pero part 2 lang nung bday celebration ni Steve.)
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...