STEVE'S POV
Hayy. Sophia, kelan ka ba maniniwala ng mahal talaga kita. Hindi ko na alam ang gagawin ko para maramdaman mo yun.
Yan lang naman yung dahilan kung bakit masakit na yung ulo ko kakaisip habang nakahiga na ko. Ang hirap kasi naman kasing iparamdam na mahal mo siya kung alam mong meron pang mga taong iniisip yung mahal mo. Yung tipong madami pang gumugulo sa isip niya.
.
.
.
Syeeet naman! Ngayon pa nasira yung cellphone ko. Paano ko macocontact si Sophia ngayon? Hindi ko pa naman alam kung anong oras yung uwi niya. Bahala na nga bukas. Matutulog na lang nga ako. Basta gagawin ko lahat para lang mawala lahat ng gumugulo sa isip niya.
.
.
.
SOPHIA'S POV
UNREGISTERED NUMBER CALLING. . .
Sino kaya to? Sasagutin ko ba?
"UNREG.NUM: Ahh He-Hello? "
"Sino to? Sorry hindi kasi nakaregister yung number mo eh."
"Si Ryan to Sophia. Musta na? Sorry kinuha ko lang kay Nathalie yung number mo. Pwede ba tayong magkita?"
Hindi ako nakasagot. Ayos din naman siya diba? Pagkatapos niya akong iwan sa ere. Yung tipong biglang nawala na parang bula. Ngayon tatawag siya na parang walang nangyari. Siya si Ryan, yung magaling kong ex-boyfriend. Ang kapal din naman ng mukha niyang tumawag pa. Pero bakit ganun? Kahit galit ako sakanya hindi ko siya magawang sumbatan. Pero hindi. Hindi ako magpapatalo sa konting pagmamahal na nararamdaman ko pa rin sakanya.
Tama makikipagkita ako sakanya para matapos na lahat. Para makapagsimula na ko ulit. Para matapos na lahat ng gumugulo sa isip ko.
"Ahh He-Hello Sophia. Nandyan ka pa ba?"
"Sige Ryan. Magkita tayo sa dating tagpuan. Bukas 7pm."
"Salamat Sophia. Seeyouu."
Wow! Ayos. Excited pa siya. Parang wala siyang kasalanan. Nagka amnesia ba siya? Nakalimutan ba niyang bigla siyang naglaho at iniwan na lang ako bigla. Paano ako makakatulog nito ngayon? Iniisip ko kung paano pag kaharap ko na siya bukas?
Sasampalin ko ba siya?
Susumbatan?
Ipapahiya?
IIwan din sa ere.
Pero naglalaban yung utak at puso ko. Yung utak ko yan yung mga sinasabi. Pero etong lecheng puso ko! Eto yung problema eh. Kasi bakit ganito yung iniisip niya. Gusto ng puso ko na.
Yakapin siya pag kaharap ko na siya.
Patawarin na iniwan niya ko.
At mahalin siya ulit kagaya ng dati.
Kailangan kong panindigan to! Kailangan kong ipakita sakanya na nakamove on na ko. Ipamukha sa kanya na kaya ko na wala siya, kaya ko na kalimutan siya.
.
.
.
Sana ganito pa rin ako katapang pag kaharap ko na siya.
.
.
.
(So Guys yung next na UD ko medyo Rated SPG ha? Continue reading my story! Comment and Vote na din po para ganahan ako lalo sa next UD ko.)
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...