CHAPTER 8:

16 0 0
                                    

STEVE'S POV

Nakitext ako kay Michael. Yung tropa ko. Nandito na ko ngayon sa school at syempre excited akong sunduin si Sophia mamaya.

"Sophia, si Steve to. Nasira kasi yung phone ko kaya nakitext lang ako. Anong oras uwi mo mamaya?"

"6pm ulit uwi ko Steve. Pero wag mo na muna ko sunduin. My gagawin kasi kaming project mamaya sa bahay ng classmate ko. Kailangan namin matapos yun ngayon. Bukas na lang tayo magkita."

Kung anong saya nung mukha ko nung pumasok ako, para akong natalo sa pustahan nung nabasa ko yung text niya. Miss na miss ko na din kasi siya.

SOPHIA'S POV

Sorry Steve. Kailangan ko lang talagang tapusin tong tungkol samin ni Bryan ngayon. Para wala ng gumugulo sa isip ko. Para kayanin ko ng mahalin ka ng buong buo. Pagkatapos nito hindi ka na mahihirapan. Halos wala akong natutunan sa lahat ng subject ko ngayon. Kasi kinakabahan ako para mamaya. Isang subject na lang uwian na.

.

.

.

RYAN'S POV

Buti na lang pumayag siyang makipagkita sakin. Basta ang alam ko lang ngayon gusto kong bumawi nung mga oras na iniwan ko siya. Yung bigla na lang akong nawala. Tsaka ko na lang ikwekwento kung ano ba talaga yung nangyari dati. Ngayon ang iniisip ko kung paano niya ko mapapatawad.

Papunta na ko dun sa bar na dati naming tambayan ng mga tropa nung mga time na kami pa. Hindi sa lagi kaming umiinom. Dun lang talaga kami tumatambay. Miss na miss ko na siya. 5 buwan na nung huli kaming magkita. Nagbago na kaya siya? Pati yung pagmamahal niya sakin?

.

.

.

SOPHIA'S POV

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Nasa taxi na ko papunta dun sa dati naming tambayan. Tama! Hindi ako dapat maging mahina. Ipapakita ko sakanya na mas naging better ako nung wala siya.

Pababa na ko ng taxi ng makita ko si Ryan. Naghihintay sa labas ng dati naming tambayan. Hindi ko maikakaila. Ang gwapo niya pa rin hanggang ngayon. Pero hindi. Hindi ako magpapatalo sa galit ko sakanya. Kinamumuhian ko siya.

.

Pag baba ko ng taxi parang nag slow motion lahat. Yung parang wala akong nakikita, siya lang. Papalapit na ko sakanya.

"Para sayo Sophia." inabot niya sakin yung isang boquet ng flowers, red roses.Sabay halik sa pisngi ko. alam niya pa din kung ano yung mga favorite ko. Pero hindi ko alam kung bakit meron parang kuryente na dumadaloy sa katawan ko nung mga oras na yun.

"Nandito ako para matapos na lahat Ryan. Hindi para makipaglandian." Hindi ko alam paano ko nasabi yun pero bigla na lang lumabas sa mga labi ko.

"I know Sophia. Pero pumasok muna tayo. Dun na tayo magusap sa my tambayan."

Oo meron kaming sariling tambayan dito sa bar. Isang room yun na para saming magbabarkada lang. Pumasok kami dun tapos meron akong nakitang mga pagkaen at drinks sa my table. My mga love songs din na nagpaplay sa my radio.

" Kaen ka na muna. Alam ko pagod ka galing sa school. After niyan magusap na tayo." Umupo siya sa tabi ko. Pero umusod ako. Ayoko kasing mapalapit sakanya. Baka hindi ko mapigilan yung konting konti na nararamdaman ko pa rin sakanya dito sa puso ko.

Kumaen muna kami. Pagtapos namin kumaen, inabutan niya ko ng drinks. Hindi ko alam pero inabot ko din yun. Alam ko kasi pag nakainom ako mas lalong lumalakas yung loob kong sabihin yung mga hindi ko masabi. Tahimik lang kami habang nakikinig sa mga music. Nang bigla siyang nagsalita. Medyo marami na kami nainom. Tapos biglang tumugtog yung theme song namin. Dun na siya nagkalakas ng loob na biglang magsalita.

"Sophia, Im sorry." Hindi ko namalayan my tumutulo na palang luha sa mga mata niya.

"Hindi ko naman sinasadyang iwan ka. Natakot lang ako. Napagod ako na lagi na lang tayong away. Na walang araw na hindi tayo nag-aaway. Nasasakal ako ng mga oras na yun kasi hindi ko magawa yung mga gusto ko simula ng maging tayo. Pero Sophia, nagkamali ako. Mas mahirap pala nung wala ka. Yung mga oras na gusto mong my pumipigil sa mga gusto mong puntahan at gawin. Sana mapatawad mo ko. Bigyan mo ko ng isa pang chance para maayos lahat to." Iyak na siya ng iyak.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Iba yung gustong sabihin ng puso at utak ko. Pero kailangan kong maging matapang.

"Eh gago ka naman pala talaga eh nu Ryan! Pagkatapos mo kong iwanan ng mag-isa. Pagkatapos mong mawala at iwan na lang ako bigla. Yan lang sasabihin mo! Sorry lang! Eh paano naman yung mga oras na hinanap kita, yung buong araw kong tinatawagan yung cellphone mo pero hindi mo sinasagot. Yung lumuwas pa ko para puntahan ka ng batangas para lang kausapin mo ko pero ano! Anong ginawa mo? Imbis na kausapin mo ko tinaguan mo lang ako. Galit ako sayo! Galit na galit ako sayo Ryan! Kinamumuhian kita." Humahagulgol na ko habang sinasabi ko yan. Pinaghahampas ko na yung dibdib niya sa sobrang galit.

Hinayaan niya lang akong gawin yun hanggang sa tumigil ako. Pagkatapos nun pinunas niya yung mga luha ko. Tapos niyakap niya lang ako. Yung yakap na matagal kong hinanap. Nung mga panahon bigla na lang niya ko iniwan. At muli akong umiyak pero ngayon yakap na niya ako. 

.

.

Maya-maya bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin. At unti-unti niyang nilapit sakin yung mukha niya. At hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong natigil sa kinauupuan ko at wala akong nagawa kundi pagmasadan siya habang palapit ng palapit yung mukha niya sakin hanggang sa halikan na niya ko. Wala akong nagawa kundu ang sumabay sa mga halik niya. Matagal din yung halik na yun. Yung halik na hinanap hanap ko nung iniwan at nawala na lang siyang bigla. Hanggang sa nagsalita siya. 

"Iuuwi na kita." Wala akong nasabi. Nakita ko na lang na tumango lang ako at naglakad pa labas ng tambayan nila at sumakay sa kotse niya. Patungo sa condo niya malapit lang dito sa tambayan.

.

.

.

MEDYO RATED SPG na po yung next na UD ko. :)

Ako Na Lang Ulit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon