Pagkatapos ng araw na yun. Hindi na ulit siya nagtext at nagpakita sakin. Matatanggap ko sana kung sinabi niya yung dahilan niya eh. Pero wala, iniwan niya lang ako bigla. Ang iniisip ko ngayon bakit? My nagawa ba ko para iwan na naman niya ko. 2 araw na lang bago matapos tong buwan na to. Pero hindi pa rin siya nagpaparamdam.
Kinabukasan. . .
"Last day na ngayon. Isang buwan na bukas pagtapos niyang makipagcool off sakin. Kailangan ko siyang makausap bago matapos ang araw na to. Para alam ko kung wala na ba talaga. "
Tinawagan ko siya. 22 missed calls. Pero wala siyang sagot. Isa na lang pag hindi pa siya sumagot tapos na kami.
*riiiiiiiiiiiiiinggggggggggggggg!
"Hello?" Sophia.
Hindi ko na napigilang umiyak nung narinig ko yung boses niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"So-Sophia? A-akala ko hindi mo na ko kakausapin. Miss na miss na kita. Hindi mo na ba ko mahal? Ayaw mo na ba sakin? Please Sophia. Hindi ko na kayang mawala ka."
"Ste-steve kailangan natin magusap. Magkita tayo mamaya."
6pm nagkita kami. Pero nung nakita na niya kong naglalakad, pumunta siya sakin. Niyakap niya ko. At dun ko namalayan na umiiyak na pala siya.
"Steve, namiss kita. Madami akong gustong ipaliwanag sayo. Please pakinggan mo ko."\
"Naiintidihan ko Sophia. Umupo muna tayo."
Umupo kami sa hindi kalayuang upuan. At nagumpisa na siyang ipaliwanag ang lahat.
"Kasi Steve naguluhan lang talaga ko. Kasi bumalik siya, yung ex ko. Akala ko ok na ko nung iniwan niya ko. Pero hindi pa pala. Akala ko mahal niya pa din ako pero umasa lang na naman ako. Dun ko naisip na nandyan ka. Kaya akong mahalin at tanggapin. Sorry Steve. Sana tanggapin mo pa ko ulit. Mahal kita. Naguluhan lang talaga ako." iyak na siya ng iyak.
"Naiintindihan ko Sophia. Please hayaan mong patunayan ko sayo na mahal kita. Ipapakita ko sayo na hindi ako kagaya niya. Hindi kita iiwan at sasaktan. Gagawin ko lahat makalimutan mo lang siya. Mahal kita Sophia. Hindi ko na hahayaang mawala ka pa." niyakap ko siya.
Hinatid ko na siya sakanila. Basta ang alam ko simula bukas gagawin ko lahat maging masaya lang siya.
(Sorry guys ngayon lang ulit ako nakapag UD :] )
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...