SOPHIA'S POV
Pag mulat ng mata ko nakita ko ang sarili ko wala pa ding damit na nakahiga sa kama ni Ryan, pero siya wala na siguro bumangon na. Kaya naisipan kong bumangon para hanapin siya. Tinignan ko sa kusina baka nagluluto na siya ng breakfast pero wala siya, pumunta ko ng sala at nakakita ako ng sulat sa mesa malapit sa sofa. My pangalan ko kaya alam kong para sa akin yun, kaya dali-dali kong binasa.
"Sophia, thankyou last night. It's over."
.
.
.
Napatigil ako saglit at "Tang ina niya!" yan na lang yung lumabas sa mga labi ko at napaluhod at napahagulgol na lang ako sa sahig. Akala ko pagtapos ng mga nangyari magiging okay na lahat ng tungkol samin. Akala ko babalik na kami sa dati. Akala ko my chance pa na itama ng nagawa namin dati. Pero ano? Ano na naman to? Ganito ba talaga siya kagago para paglaruan yung damdamin ko at yung natitirang pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya. Bakit Ryan? Ano bang ginawa ko? Ano bang kasalanan ko para gawin mo to!
.
.
.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ngayon, si Steve nasaktan ko na naman siya. Paano ko sasabihin sakanya lahat to? Kasalanan ko to! Ang tanga tanga ko. Ginulo ko na lang yung buhok ko at nagiiyak na ulit.
.
.
.
Pagkatapos kong maiyak lahat umuwi na ko. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan ko ng magumpisa ulit. Ang tanga ko! Nandyan naman kasi si Steve. Kami na pero patuloy pa rin akong umaasa kay Ryan. Ano ba talagang tumatakbo sa isip ko. Tapos yung nangyari pa samin kagabi ni Ryan. Maling mali! My boyfriend na ko pero nagawa ko pang gawin yun sa ex ko pa mismo.
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...