CHAPTER 3:

22 0 0
                                    

Pagkatapos maputol ng tawag niya. Napaisip ako kung anong ibig niyang sabihin na bakit parang ayaw niya na ligawan ko siya.

SOPHIA'S POV

Gusto din kita Steve kaso natatakot ako. Natatakot ako na kagaya ka lang ng iba. Saktan at iwan mo lang din ako kagaya ng ginawa nila. Natatakot akong masaktan ulit. Pero paano ko pipigilin ang sarili ko na patuloy na nahuhulog ulit sayo? Oo mahal ko na siya dati pa. Nung high school days namin pero walang pinatunguhan dahil my gf siya. Pero iba na ngayon. Siya na ang umamin. Si Steve na ang nag sabi na mahal niya ko. Parang dati lang masaya na ko na makita siya sa school namin. Pero iba yung nararamdaman ko ngayon, kasi yung taong mahal ko noon siya na itong lumalapit at gusto akong ligawan. Anong dapat kong isagot sa kanya?

STEVE'S POV

Isang linggo na simula ng aminin ko kay Sophia na nahuhulog na ko sakanya. Simula ng araw na yun wala na kong natanggap na text o tawag mula sakanya. Ayaw ba talaga niya sakin para iwasan niya ko? Sana hindi ko na lang ipinagtapat sa kanya kung ano yung nararamdaman ko. Sana nakakausap at nakakasama ko pa din siya hanggang ngayon. Please Sophia hindi ko na hahayaan na mawala ka pa ulit sakin.

Ako Na Lang Ulit.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon