Sa wakas! Pag tapos ng ilang linggo na hindi siya nagparamdam sa text man o sa tawag. Kasama ko na siya ulit. Tinext niya ko pag tapos ng 1 buwan. Akala ko mawawala na siya ulit sakin eh.
"Sorry Steve. Kung bigla akong hindi nagparamdam sayo. Nahirapan kasi akong magdesisyon eh. Natatakot ako na baka saktan at iwan mo lang din ako kagaya nila. Pero narealize ko na hindi ko pala kayang pigilan pa yung nararamdaman ko sayo." hindi ko napansin na bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Alam ko at sigurado na ko ngayon na mahal ko siya at hindi ko na to kayang pigilan.
"Namiss kita Sophia. Akala ko mawawala ka na ulit sakin. Please Sophia hayaan mo kong mahalin ka. Ipinapangako ko sayo hindi kita iiwan at sasaktan."
Hindi na siya sumagot sa sinabi ko. Binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti at bigla niya kong niyakap.
"Salamat Steve. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita Sophia."
Pagkatapos ng 5 buwan. Sinagot na din ako ni Sophia. Sobrang saya ko ng araw na yun. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundong to ng mga oras na yun. Naging masaya kami sa araw-araw na nakakasama ko siya. Hatid sundo sa school niya kahit na Las Piñas pa ang uuwian ko. Ganun naman talaga pag mahal mo diba? Lahat gagawin mo. Masigurado mo lang na makakauwi siya ng ligtas. Yun ang tinatawag na EFFORT at PAGMAMAHAL. Pero isang araw bigla na lang parang nagbago si Sophia. Yung minsan ayaw na niya kong kausapin. Kung makakausap ko man siya sa cellphone ang isasagot niya lang sakin,
"Steve, inaantok at pagod ako. Madaming ginawa sa school. Bukas na lang tayo mag-usap."
Alam ko minsan gumagawa na lang siya ng dahilan para matapos yung pag-uusap namin. Nararamdaman ko na my problema sa pagitan naming dalawa. Kaya isang araw kinausap ko siya.
"Sophia, may problema ba tayo? Ilang araw na tayong ganito. Magkasama nga tayo pero wala naman sakin ang atensyon mo. Ano bang iniisip mo?"
"Mag cool off muna tayo. Madami akong iniisip."
Pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya ng wala man lang siyang binibigay na dahilan kung bakit siya nakikipag cool off sakin. At eto na naman ako napapaisip at hindi malaman ang dahilan.
[HELLO GUYS! :) I just want you to know na siguro hanggang mga 15 Chapters lang tong 1st story ko. Medyo sabaw pa kasi ako sa pag gawa ng story. Pero gagawa din ako ng iba pang story. Pero more on LOVE and ROMANCE lang. :) ]
BINABASA MO ANG
Ako Na Lang Ulit.
Teen FictionHindi habang buhay kaya mong tiisin yung sakit na binibigay sayo ng taong mahal mo. Paano kung mapagod na lang siya bigla? Tsaka mo lang ba marerealize na mali pala yung ginawa mo sakanya. Ang tanong pag binigyan ka ba ng chance aayusin at itatama m...