Apatnaput pito, Apatnaput walo,
Ngunit nabigla ako dahil sa yakap mo,Nang makita kita sa ilalim ng puno nagdalawang isip ako kung lalapitan ba kita o hindi na.
Ang sabi ng isip ko h'wag na dahil late na ako. Ang sigaw naman ng mumunti kung puso lumapit ka dahil ito na ang oras mo.
Lumapit nga ako sayo dahan dahan akong naglakad dahil kinukumbinsi ko ang sarili ko na h'wag akong lumapit dahil baka masaktan nanaman ako.
Pero parang may sariling utak ang mga paa ko kaya ako nakarating sa tabi mo.
Pero nagulat ako dahil bigla mo akong niyakap. Sobrang higpit nun at halos hindi ako makahinga. Pero hinayaan lang kita.
Nagsimulang umuga ang mga balikat mo at ramdam kung nabasa ang kaliwang balikat ko. Umiiyak ka nang dahil sa hindi ko malamang dahilan.
Hinagod ko ang likod mo para sana tumahan ka pero umiyak parin kaya niyakap nalang rin kita pabalik.